Chapter 3

2 1 0
                                    

Chapter 3

“Guys, let’s be serious please. Two days from now magpe-perform kayo sa University Gymnasium para sa Student’s Night. First time din na tutugtog si Jez as a new band member kaya please, ayusin na. May kaunti pang lapses at may kulang na hanggang ngayon hindi ko maisip kung ano.” pakiusap ni Manager. Nakaupo siya sa monobloc chair habang nakaharap sa amin.

Alas syete na ng gabi pero nasa music room pa rin kami para magpractice. Puspusan ang paghahanda at hapit sa oras pero may napapansin pa rin na kulang si Manager. Kung ako ang tatanungin, maayos na naman. Pero siguro ay dala ng professionalism sa musika,  may mas gusto pang makita si Ms. Rim para mas mag grow ang performance ng banda. Maraming kanta ang prinactice namin dahil magdamag ang tugtugan sa Student’s Night. Pinilit kong magfocus para na rin maiwasan na magpaulit-ulit.

“Jeorge, parinig nga ako ng last song niyo. Ikaw lang. Guys, quit muna ang instruments sa pagsabay.” sabi ni Ms. Rim. Umupo muna ako sa speaker na nakakonekta sa gitara ko at tinanggal ang pagkakasabit ng strap ng gitara sa balikat ko. Si Jake ay tumayo at kumuha ng mineral water sa bag niya habang si Pat at Kris ay nanatili sa pwesto nila. Tumahimik ang paligid habang hinihintay ang pagkanta ni Jeorge.

IF YOU’RE NOT THE ONE

Alam kong maganda ang boses niya. No doubt kaya siya mismo ang front man. His voice was full and manly. Malamig at masarap pakinggan. Yung boses na pakiramdam mo ay hinaharana ka kapag kumanta na. Pero ngayon ko lamang siya narinig na walang kasamang instrumento at kinilabutan ako kasi mas lalong maganda ang boses niya dahil iyon lamang ang maririnig mo. Mula sa pagkakatitig ko sa sahig ay umangat ang tingin ko sa kanya at kumabog muli ang puso ko ng makitang sa akin nakadapo ang titig niya habang kumakanta. Napalunok ako at sinubukang iwasan ang titig niya pero hindi ko magawa dahil parang sinasabi nito na pakinggan kong mabuti ang kanta at ang emosyong gusto niyang ipakita.

“Stop.” biglang sabi ni Manager. Napapalakpak siya at tumayo. “Now I know what’s missing!”

“Ano ‘yon, Mam?” tanong ni Jake. Bumaling ang tingin sa akin ni Manager.

“Jez, parinig nga ako ng boses mo.”

“Ha? Ako po?” tanong ko sa pagkabigla habang nakaturo mismo sa sarili ko.

“Yes.” nakangiting sagot ni Mam. “Come on, magsimula ka dun sa I don’t wanna runaway..”

Labag man sa loob ko ay kailangan kong sundin. Sobra sobra ang kaba ko dahil ngayon lang ako kakanta sa harap nila. Yes, I could also sing. Noong nag audition ako as band member, pinakanta rin nila ako kaya nalaman ni Ms. Rim na kumakanta rin ako. Pero kakaunti lang ang nakakaaalam dahil mas gusto ko talaga ang tumugtog ng instrumento kaysa kumanta.

Tumayo ako sa pagkakaupo and started singing. Nanatiling nakatingin sa sahig ang mata ko dahil sa totoo lang ay nahihiya ako. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay habang kumakanta. Hindi pa man tapos ang ikatlong linya ay sumingit na si Manager.

“Very good, Jez! You really have the voice!” masayang pahayag niya kaya ngumiti lang ako. Pumalakpak naman si Pat at nakipaghigh five si Kris sa akin. Babalik na sana ako sa gitara ko pero nagsalita si Manager.

“Now, alam ko na talaga ang kulang. Jeorge and Jez, sa kantang iyon you’ll sing as duets. Parang sagutan, ganon. Si Jeorge sa first stanza and Jez on the next. Pagdating sa chorus, duet. Is that clear?” tumango ako at napatingin kay Jeorge na noon ay nakatingin na pala sa akin. Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako bago sinimulan ang gusto ni Mam. Bago magchorus ay pinatigil niya ulit kami kaya nagtaka ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon