"TEKA PARANG NANGYARI NA TO AH!"
.....................
"Oh sige tito, ikaw naman kasi ehh hindi ako prepared masiyado dito, ang hilig mo sa surprise eh no!" Ayan nanaman si Tito Liam, ginulat nanaman ako, kinuha ba naman akong pang double sa shooting ng bagong pelikula na to. Ni hindi ko pa nga alam kung sino makakatrabaho ko dito ehh. Double lang din ako, dapat yung tipong mataas na. Mag aasume nalang din ako taasan ko na diba?
"Oh miss Santos, mag iistart na po yung take niyo, basta ang gagawin niyo lang po, tatalikod kayo dun sa camera. Kinuha daw po kayo kasi, kasing hubog niyo yung lead actress, kaya hindi halatang dinouble nalang siya sa first scene ng movie niya. By the way, huwag pong malalaglag panga niyo sa kaharap niyo mamaya ahh" Ang dami namang satsat nitong bakla sa harapan ko, siya daw ata yung taga ayos ng set eh.
"Ahh, teka po, sino po ba yung ka eksena ko mamaya?" Nagtataka naman ako, kanina pa ko dito pero wala naman akong nakikitang artista.
"Ah, si Mr. Kevin Casimiro po." Oh em! did he/she just say my lovey dovey's name? Ehnebeyen, pano ko makakaconcentrate nito mamaya? Naalis tuloy yung irita feelings ko, kung pinagpala ka nga naman ohh.
"Ahh ganun po ba? Okay lang, hindi naman ako maiilang." Ang galing ko agad umarte no? Nako makapag ayos na nga, baka ang pangit ko mamaya sa harap ni Lovey.
"Okay, we're going to start, make yourselves holding on your senses. Lights Camera Action."
"Mahal kita Lea, mahal na mahal kita!" Hala ka! Bakit ganito? natameme ako sa harap niya! Oist gumising ka nga diyan, huwag kang magpadala sa acting niya at sa pahawak hawak niya sa mukha mo, hindi totoo yan hoy! Tinignan ko lang talaga siya at tulalang tulala sa mukha niya, ang guwapo ehh.
"Are you okay miss?" Bumalik ako sa katinuan, parang hindi na acting yun ahh, hindi ko nabasa sa script, hala ka Laksillie ano bang katangahan yun? Tulalaers sa harapan niya? Nakita kong mas nilinawan yung ilaw, tapos kumunot yung noo nung Director, ito namang guwapo sa harap ko, biglang.
"MISS!!!!" OH EM!!
At ang Epal na line ng director.
"CUT!!!"
BINABASA MO ANG
Love Camera Action!
RomanceHindi ba ako nagkakamali? Nasan na ba yung mga camera diyan ohh? Ilabas niyo na huwag niyo na kong lokohin. Kasi naman ehh, hindi ba ako na inform na ang buhay ko ay kagaya ng nangyayari sa isang TELESERYE? Nakakaloko naman to, kahit na walang mga c...