a/n: Hello po, maraming salamat po. Basahin niyo rin po yung isa kong kuwento, Alone In The Rain po ang title niya. Spread niyo po to ahh, salamat po.
..........................................................................................................
"ikaw nanaman?"
"huh? Sino ka ba?"
"gusto mo ba talagang ipakilala ko ang sarili ko sayo? Baka hindi mo magustuhan kapag ginawa ko?"
"gawin mo, tutal diyan ka naman magaling, ipahiya ang sarili mo at ipagsigawan sa mundo kung gano nakakahiya yang ugali mo. Squater."
TEKA NANGYARI NA TO AH!
........................................................
Isang napaka panget na araw nanaman, hay nako... Hindi na ata ako papakawalan ng mga panget na bagay, bukod sa mukha ko lahat na ng bagay sa mundo na to panget! Talaga nga naman oh, nakuha ko pang mag maganda.
Bakit pumanget ang araw na to? Pag ka gising ko kasi kanina, binalitaan ako ng nanay ko na yung bunso kong kapatid ay dinala nanaman sa hospital, tapos yung si kuya naman natanggal daw sa trabaho. Dahil dun walang aasahan sila nanay kundi ako lang naman, hindi ko na nga alam kung paano isisingit sa oras ko ang ibat ibang raket tapos heto nanaman may bagong problema. Tapos kanina, habang nagkaklase eh nahuli ako ng teacher ko na nagbebenta ng rinaraket kong mga make up, bukod sa hindi ako kumita eh, babawasan daw niya ng .25 yung possible grade ko, hindi naman sa nagpapaka gc ako ahh, pero malaking bagay na yun sa isang tulad kong scholar.
Ngayon, papunta ako sa trabaho ko. Ito yung tuwing m w f, nagbebenta ng sapatos, to be exact sa cashier ako nagtatrabaho. Usually sinasamahan ako ni Happy na pumunta dito, pero ngayon missing in action siya, sabi niya may inaasikaso daw siya sa isang subject niya. Pagkapasok ko yung manager agad yung bumungad sakin.
"Kakai, puwede ka bang pumunta muna dun sa main office, dalhin mo tong financial reports ng branch natin?" Kakarating ko pa lang papaalisin na agad ako, kaloka to ahh!
"Sige po boss, ehh matanong ko lang po. Nasaan po ba si ss Kuya Jack?" Ss ang tawag namin dun sa isa naming kasamahan, yun yung madalas magdala ng fr.
"Wala daw, nilagnat ata ang kabit! Joke lang! Ahahahaha." Natawa naman ako dun, buti na lang hindi masungit type tong manager namin, kung hindi dagdag burden nanaman sa buhay ko yun! Baka ikabaliw ko na.
Pag dating ko dun sa main office, na nakakaloka at nakakalula ang taas at ang kagaraan. Siyempre dahil bago ako sa lugar dahil first time ko palang magdala ng fr eh umatake nanaman ang katangahan ko. Kala ko dun sa mga naka americana sa pintuan ay mga manager din ng ibang branch kaya kinamayan ko, tapos pinagtinginan ako. Guard pala yun! Sorry naman ahh, ngayon palang ako nakakita ng guard na naka porma.
"Miss ano po bang kailangan mo?" Tanong sa akin nung guard.
"Ay kuya, mag susubmit po ako ng financial report nung branch namin ehh, saan ko po ba makikita yung pasahan nun?"
![](https://img.wattpad.com/cover/8943067-288-k701031.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Camera Action!
RomanceHindi ba ako nagkakamali? Nasan na ba yung mga camera diyan ohh? Ilabas niyo na huwag niyo na kong lokohin. Kasi naman ehh, hindi ba ako na inform na ang buhay ko ay kagaya ng nangyayari sa isang TELESERYE? Nakakaloko naman to, kahit na walang mga c...