EPISODE 1
“ Ano ba?! Ang kulit kulit mo naman ehh, tigilan mo nga ako!”
“Inaano ba kita?”
“Bakit mo ba kasi ako sinusundan. Ha?”
“Kasalanan ko bang parehas tayo ng daan?”
“Ewan!”
“Ewan, eh diba pabor pa sa iyo to, kasi crush mo ko!”
“Crush kita DATI! D.A.T.I”
……………………………
“Oh my god kakai! Ang pogi pogi talaga ni Kevin my labs ohh! Ang galing pa umarte” Ano ba yan ang harot harot naman nitong kasama ko! Kala mo higad ehh, talandee. Nandito nga pala kami sa isang coffee shop, nagpapalipas ng oras bago umuwi ng dorm.
“Magaling ba talagang umarte? Nako kung alam mo lang ang ugali niyang tinitilian mo, kasusuklaman mo! Kaiinisan mo! Argghh! Naiinis lang ako pag naaalala ko yung ginawa niya sakin!” Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung kawalang hiyaang ginawa niya sakin nung nagdouble ako sa ka love team niya. Nako! Isang napakalaking turn off nun!
“Uso ang move on ateng, Laksillie naman, ilang buwan na ang nakalipas, tignan mo nga’t heto na ohh, pinapalabas na yung Teleserye niya, usad usad din.”
“Basta! One thing is for sure! Hindi siya magaling at ayaw ko na sa kanya!”
“Gaga! Two things is for sure yun!” Hahaha -_- patawa!
“Period!”
“Ooops Tapon susi! Bawal na malock ang words mo. Ehem Laksillie naunahan kita this time, kaya sure ako na kakainin mo din yang sinasabi mo.” May pagka isip bata talaga tong si Happy, siguro dahil narin ito sa kanyang pangalan, well if that really affect her attitude. Katulad ko, baliw baliwan din tong si Happy, mas mahaba ng konti ang buhok niya sakin, mas matangkad, 5’ 2’’ ako, siya 5’ 6” mas maputi. Tapos sabihin na nating mas maganda siya. Pero sa isa lang ang sigurado akong nanalo ako sa kanya, mas matalino akong di hamak, ang boba kaya ng bestfriend ko na to! Hahaha, bad natin!
“Never! Like Ever, Never! Ever! I hate that Kevin! I will always hate that stupid, unfeeling jerk!” Tapos dahil sa pag mumuwestra ko, nabunggo ko yung nasa likod namin.
“Who’s jerk?” Chismoso ang lintek, nakahood yung nasa likod namin tapos nakatingin siya sa baba, mukha siyang introvert dahil sa suot niya, creepy lang nung tinanong niya ko.
“Sino pa ehdi yung nasa TV, tignan mo nga yung itsura oh, mukhang manloloko, at tiyaka….” Teka parang kilala ko to ahh. Tinignan ko pa siya ng ilang beses. Tingin, talikod, tingin, talikod, tingin, talikod then realization came.
“Oh my god! Ateng!” Kinalabit ko si Happy, habang nakatingala pa rin ako sa matangkad na lalaking nasa harap ko.
“Ano ba Kakai!” Nag shrug lang si Happy, hindi niya ko kinausap kasi naririnig ko siyang umoorder dun kay ateng nasa counter.
“Ateng, si ano….”
“Sinong ano! Huwag ka ngang magulo! Umoorder ako, mamaya ,mo na sabihin yan.”
“Who’s jerk? Im asking.” Sinabi niya yun in a commanding voice, sapilitan lang.
“Gusto mo talagang malaman?”
“WHO-IS-THE-JERK You’re calling?!!” Aba! Sigawan pala ahh.
“Ikaw!” Yes, he is a jerk, Kevin Casmiro my ex crush is a jerk! Jerkpid! Inirapan ko lang siya ng todo.
BINABASA MO ANG
Love Camera Action!
RomanceHindi ba ako nagkakamali? Nasan na ba yung mga camera diyan ohh? Ilabas niyo na huwag niyo na kong lokohin. Kasi naman ehh, hindi ba ako na inform na ang buhay ko ay kagaya ng nangyayari sa isang TELESERYE? Nakakaloko naman to, kahit na walang mga c...