a/n: Guys mga chickabebs ko, pakitulungan naman akong ispread ang story na to ohh. SALAMAT. VOTE PO TAYO.
.....................................................
"Ang kapal naman ng mukha mo para ganunin ako, hindi mo ba ako kilala?"
"Kilala, sa sobrang kilala, kinamumuhian na nga kita eh. Hindi pa ako nakakabawi sa mga pinag gagawa mo sakin."
"Well, excuse me miss. I can't remember what I have done wrong to you. What I actually remember is that you bump in to my life and now you're messing it up!!!!"
"Well sorry pipitsuging artista, the moment you embarrased me, that's the time you started to ruin my life. So may I correct you, you're the first one who brought trouble."
"At ako pa talaga ang sinisisi mo aroganteng babae? Hindi ba't isinusumpa ka na ng mga fans ko ngayon? Ang lakas naman siguro ng loob mo para awayin ulit ako, squatter."
"Alam ko, kaya nga delighted ako ehh, kasi alam kong malapit ka ng malaos, dahil kapag nalaman nila ang totoong ugali ng iniidolo nila, tiyak babay fandom ka na! Kaya ikaw, hanggat maaga pa, baguhin mo na yang ugali mong basura!!! Ayan ahh, nag ra-rhyme pa yan."
TEKA NANGYARI NA TO AHH.
.............................................................
Naka disguise ako ngayon, maraming salamat talaga dun sa nagpost nun sa internet at hirap na hirap akong lumabas ng dorm ko. Baka kasi anytime ehh may sumaksak sakin, oh di naman kaya sabunutan ako. Bakit kasi ang daming fan niyang Kevin na yan ehh, napaka sama naman ng ugali. Mukha tuloy akong tanga dito sa hoody na suot ko at shades, katirikan ng araw ganito get up ko, pawis na pawis na kili kili ko.
"Ateng."
"Ay garapatang binalot sa wrapper!! Ano ba yan Happy, papatayin mo ba ako sa gulat?" Nakakagulat naman tong si Happy, mukha ka na ngang tanga gugulatin ka pa sa maraming tao, doble doble na hiya ko ahh.
"Eh bakit ka ba kasi nakaganyan, ang init init tapos naka jacket with hood ka! Anong kabaliwan yan ateng?" Magtatanong pa, parang hindi naman niya alam yung mga happenings sa buhay ko.
"Nakalimutan mo agad yung nasa internet? Ano ka ba, alam mo namang mainit ako sa mata ng mga fans ng panget na yun!"
"Dont you dare na tawagin siyang panget! Ang guwapo guwapo kaya ni Kevin ko!!!"
"Hoy, mag tone down ka nga, nakaka kuha ka ng attention niyan ehh, baka malagay ako sa kapahamakan." Tumango nalang si Happy at naglakad na kami papunta dun sa school.
SA ROOM
"Ateng, may quiz nga pala tayo dito sa trigo no? Ano ba naman yan, nakalimutan ko na yung mga nareview ko kagabi."
"Kasi naman ang review, review, hindi sinasamahan ng landi. Ang ingay mo kaya kagabi sa harap ng laptop, makahalinghing ka naman kala mo sikat na sikat yung kausap mo, ehh yung varsity player lang naman ng university natin yun." Nakakabother talaga siya kagabi, napaka pa bebe. By the way, magkaklase nga pala kami nitong si Happy sa lahat ng subject, puwera lang sa mga major at sa psychology. Ang tinetake ko dito ay accountancy, samantalang siya naman ay business administration, choice ata ng parents niya yun para siya yung mag mana nung business nila.
BINABASA MO ANG
Love Camera Action!
RomanceHindi ba ako nagkakamali? Nasan na ba yung mga camera diyan ohh? Ilabas niyo na huwag niyo na kong lokohin. Kasi naman ehh, hindi ba ako na inform na ang buhay ko ay kagaya ng nangyayari sa isang TELESERYE? Nakakaloko naman to, kahit na walang mga c...