Chapter2-pahiwatig

713 1 4
                                    

Nasa kalagitnaan sya ng pagtulog ng bigla syang magising ng makarinig sya na malakas na kalabog sa ibaba, alam nya sa bandang restroom yon, kumatok muna sana sa pintuan ng dalwa nyang kapatid na lalake si kyla pero hindi sya pinagbuksan ng mga ito, Oo nga pala baka natutulog pa.

Nang makababa sya, deretcho sya agad sa restroom, pag bukas nya sa pintuan, nagulat sya ng makita ang eksenang to......................

Hinahampas ng latigo ng matandang lalake ang dalaga. Sumisigaw sa sakit ang dalaga pero di ito tinitigilan ng matanda,parang nasapian ito ng demonyo. TAMA NA! TAMA NA PAPA'!,HINDI KUNA PO UULITIN. Hindi sya makapaniwala sa mga nakikita ng mga oras na yon. Patuloy sa paghampas ang matandang lalake, pero sino ang lalakeng ito? ang tanung ng utak ni kyla, gusto nyang pigilan ang matanda pero hindi sya makagalaw, ni hindi nya magawang sumigaw.

Tumingin sa kanya ang dalaga. "TULUNGAN MUKO. PARANG AWA MUNA, HELP ME KYLA.

"hA? kilala muko? sigaw ng utak ni kyla dahil hanggang ngayon di nya pa rin magawang ibuka ang bibig nya. "PAPATAYIN AKO NI PAPA".......Papa? papa mu ang taong kung hagupitin ka akala sayo kalabaw? Teka,parang kilala ko ang babaeng to ah? Parang nagkita na kami somewhere, diko lang maalala kung san kami nagkita. sAn nga ba? Ewan, pero alam ko at sigurado ako,nagkita na kami.

Habang iniisip ko yon, biglang humarap sakin ang matandang hukluban, matalim na matalim ang tingin nya sakin, nakakatakot ang mga tingin na yon. Itinaas nya ang latigo at alam ko, ako naman ang puntirya nya, gusto kung tumakbo pero diko tlaga maigalaw  ang katawan ko, Sumigaw na lang ako ng ubod lakas, at bigla akong nagising saka npabalikwas ng tayo. Panaginip. Panaginip lang ang lahat. Salamat sa Dios at panaginip lang ang lahat. Pero bakit parang totoong totoo sila?

*________*

Ng araw ding yon, dumating si mang poldo sa malaking bahay para sa isang balita na hindi kaylan man magugustuhan ni kyla.

kinakailangan ng umuwi ang may ari ng bahay dito sa pinas.

"Pero wag po kayong mag alala, hindi daw po ninyo kelangang umalis dito sa  bahay, masyado daw po itong malaki at kasyang kasya daw po kayong lahat dito. kakausapin pa daw po kayo pag dumating na sila dito. paliwanag ng caretaker.

"Pero hindi ba yon nakakahiya sa kanila?bakit ba kasi biglaan nman ang nila,eh hindi pa kami nyan basta basta makakahanap ng malilipatan. bukas makalawa naba ikamu? nakakahiya kasi kung sama sama kami dito.....paliwanag ni aling shiony sa kaharap.

"Oo nga poh eh. kung ako din ang tatanungin ayoko din silang kasama pero baka po may rason para talaga magka kasama kayo dito. sige po mauna nako. pumunta lang po ako dito para ipaabot sa inyo ang pinapasabi ng matatanda........pagkasabi'y sabay talikod at umalis.

kyla's POV..........

Rason? Anung rason? May mali eh. Parang may kung anung bigat ang naramdaman ko kanina nung andito pa si mang poldo sa bahay. Parang mainit kanina na ewan. ewan ko kung nagkataon lamang ang lahat pero nung umalis sya parang biglang humangin at lumamig ang paligid. Hindi ba yon napansin kanina ni mama? Ah...hindi nman siguro, ganto lang siguro ako dahil sa mga ngyari samin dito sa bahay na hindi pangkaraniwan. Paranoid lang siguro ako dahil sa panaginip ko kanina.

"Oh kyla bat nakakunot ang noo mu jan? Nagtatanung pala ang mga kuya mu kung anung oras daw ba kayo kagabi nakauwi? Galit ang mga kuya mu sayo, ganun na daw yong ngyari sainyo sa bar hindi man lang kayo nanggising.

"Pasensya na po ma. hindi na po namin kayo ginising kasi galing na po kayo sa pag tulog, tapos paggising nyo ganun yong maririnig nyo, di ho ba masama yon? baka magkasakit po kayo sa puso konsensya kupa yon ......mahabang paliwanag ni kyla sa inang nagaalala.

"Nakuh, mamya pagdating ng mga kuya mu sa kanila ka magpaliwanag. Sya nga pala kyla, kanino ba sa barkada mu ang naglalagas ang buhok?

"Buhok? bakit po? takang tanung ni kyla sa ina.

"Oo. buhok. Pagbaba ko kanina, madaming buhok sa gripo, baka naman sayo na yon kyla? Naku, patingin nga ng ulo mo't baka panut kana? nag aalalang tanung ni aling shiony saka tinignan ang ulo ng anak.

"Hi.....hindi po yon sakin ma.

"Eh kanino nga yon? Baka isa sa mga barkada mu,itanung mu nga? pagsabi non tumalikod na ang ginang at pumasok na sa loob ng bahay,habang naiwang matamang nag'iisip si kyla sa labas ng mga oras na yon.

kyla's POV................

"Buhok? buhok sa gripo? hindi kaya yon yong...............Oh my GOD, hindi maaari. Totoong may nakitang mga buhok at dugo si hazel sa gripo. At bigla, parang biglang nag FLASHBACK sa isip nya ang mga ngyari mula ng lumipat sila dito sa malaking bahay.

BIGLA SYANG NAPAPIKIT...............AT NAKITA NYA ANG SARILI NA BUMANGGA SA RESTROOM, DUMUGO ANG BRASO NYA. NAKAUPO SYA SA GILID KASAMA ANG MAMA NYA SA KWARTO, BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO NG KWARTO AT SARILI PA RIN ANG NAKITA NYA SA PINTUAN,PAPASOK SYA KASAMA ANG KUYA ROMEO NYA. ANG PAGPAPAKITA NG BABAENG DUGUAN SA BAR. ANG MGA BUHOK SA GRIPO, ANG DUGO. ANG BABAENG NILALATEGO NG SARILI NYANG AMA sa panaginip nya kanina lang. Bumilis ang pagpapalit palit ng eksena sa isip. Bigla syang napasigaw sa sobrang sakit ng kanyang ulo, saka sya nawalan ng malay at natumba.

Gabi na ng magising sya. Nasa kwarto na sya. Pagmulat ng mata nya, unang nakita nya ang kanyang mama at papa...sa kabilang gilid naman ang dalwa nyang kuya. Nakita nya sa mga mukha nito ang pag aalala.

"Anak, anu bang ngyari?  halos sabay pang tanung sa kanya ng mama't papa nya.

"Isa isa lang ang tanung (hehe) mahina ang kalaban. pabiro pang nasabi ni kyla.....ok na po ako. Ako nga dapat mag tanung kung bakit ako nandito diba?

"Kitams! ok na yan. alam mu sis sabi kanina ni kuya baka daw buntis ka. Sabi ko naman, panu mabubuntis eh wala ngang bf yan? .....sabat ng kanyang kuya romeo.

"SsSshHh!!! ........saway ng kanilang ina sa kanyang kuya.

"kuya roger talaga...tanging nasabi na lang ni kyla saka umiling.

-P I N T O-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon