Chapter1

1.9K 11 15
                                    

-Minsan madaming mga bagay tayong di nabibigyan ng pansin.

 lalo na kapag mga bagay na kalimitan ay di nakikita ng ating mga mata,

 dahil ang totoo, di naman talaga sila nkikita kapag ayaw nila.

 Minsan kinakailangan din nating patalasin  ang ating pakarmdam para sila ay mapag handaan,

 dahil anjan lang sila sa tabi tabi. Minsan nga dimo alam sa mga oras nato anjan sya sa tabi mu

 habang binabasa muto.

-Isa itong kwento ng isang pamilya na sanay magpalipat-lipat ng bahay dahil wala silang sariling  bahay at lupa. Si aling shiony ang may-bahay ni mang andoy, may tatlo silang anak, sina  kyla, romeo at roger. Si roger ang panganay 27 taong gulang, si romeo 23 taong gulang  ang pangalawa at si kyla 19, ang bunso at nag iisang babae pa , kaya naman mahal na mahal ito  ng buong pamilya at bantay sarado ng dalwang kuya. Maayos ang pagpapalaki sa kanila ng  kanilang mga magulang kaya naman lumaki silang may pagalang sa mga nakakatanda sa  kanila at pagmamahalan  sa isa't isa. Hanggang sa kailangan na naman nilang lumipat ng bahay  sa kadahilanang ang lupang kinatititrikan ng kanilang bahay ay kakailanganin na ng may ari nito.Nakahanap naman agad sila ng bahay sa may kayumanggi, isang bayan ang pagitan nito  galing sa dati nilang bahay. Maganda ito, malaki, bagama't medyo may kalumaan na, kung  titignan mu ang kabuuan ng bahay, parang tatlong dekada na ang pinagdaanan nito, maayos pa  naman ang bahay at ang mga gamit sa loob ng bahay ay maayos na nakalagay sa tamang lugar. Pero sa kabila ng kagandahan ng bahay na nkikita ngayon ni kyla ay di pa rin sya masaya, dahil alam nya mangungupahan lang naman sila sa bahay na yon at hindi nya alam kung hanggang  ilang taon lang sila sa bahay na yon.....ng Biglang.........................

**BLAGGG**

"Oouucchh!!!,..---Sigaw ni kyla.

"Si kyla yon ahhh!...--bulalas ni roger,ang panganay sa magkakapatid.

-Nagtakbuhan ang mga kapatid nya papunta sa kanya para tignan kung anung ngyari sa kanya. nakita sya ng mga kapatid nya na bumubuhos ang dugo sa braso nya. At pag tingin ng kapatid nya sa kanya dumudugo din ang ilong nya.

" Anung ngyari sau?..--nagtatakang tanung ng dalwa nyang kapatid.

"Ewan ko nga kuya eh, nasagi lang naman ng braso ko yong pinto ng restroom tapos ayan na, nasugat na pero diko alam kung papanu ako nasugat, wala naman kasing kung anung bagay na matulis jan sa pinto eh...--ang naiiyak ng saad ni kyla sa mga kapatid nya dahil hindi nya alam kung bakit natatakot sya ng ganun.

"Tara linisin natin ang sugat mu, hanapin natin si mang damian, yong caretaker ng bahay nato, baka may first aid kit sila sa bahay nato.,..-ang nag aalalang turan ni romeo.

-Ng mawala ang dugo sa braso ng kapatid biglang nawalan ng kulay ang mukha ni romeo. Dahil nakapagtatakang walang sugat sa braso ng kapatid, samantalang kanina di maampat ang pagdurugo nito.

-Samahan nyo kung tuklasin ang hiwagang bumabalot sa lumang bahay-

-P I N T O-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon