CHAPTER 1

22 0 0
                                    

Kainis na mga mayayaman yan! Puro pasosyal at kayabangan ang alam sa buhay! Ako nga pala si Angelyn Romero, simple, mag-isa nalang sa buhay dahil bata palang ako ay wala na ang nanay ko at never ko naman nakilala ang tatay ko, at base sa kwento ng Tiya ay isang mayaman na tao ang ama ko samantalang hamak na tindera lang si inay kaya nung nagkainlaban sila at nalaman ng magulang ng ama ko na buntis na si inay sa akin ay pilit silang pinaghiwalay at never yun ipinaglaban ng magaling kong ama kaya ako natutong tumayo sa sarili kong mga paa at kung di dahil kay Tiya baka kung saan na ako pinulot kaya bilang pasasalamat nag-aaral ako habang nagtatrabaho para may maipadalang pangpaaral ng pinsan ko. Hay....

"Ano ba Rusell! Kahit ibigay mo pa sakin ang buong mundo eh di kita magugustuhan so please, stop courting me!" -

pagsusungit ko sa isa sa classmate kong si Rusell.

Actually mabait naman si Rusell but being rich and famous ay ang ayoko. Kaya tahimik nalang itong umalis sa harap ko.

"Hanggang kelan mo ba dededmahin ang pagmamahal ni Rusell sayo,?"

It's Valerie my bestfriend.

"Wala akong time sakanya, mas iniisip ko pa kung paano makakahanap ng pera!" -

pambabalewala kong sagot kay Valerie.

"Sus! Anong ginagawa ko? I can help you with that naman!" -VALERIE.

"Val- alam mong ayokong umaasa sa iba kahit pa magbestfriend tayo!"- pagtanggi ko.

"Fine! Eh saan mo ba kasi gagamitin yung pera?"- Valerie.

"Si Tiya kasi, umaatake na naman daw yung rayuma nya kaya hirap sya magtrabaho ngayon tapos mag-eexam si insan, actually ayaw sana ni Tiya pero pinilit ko!"

"Anong plano mo?"-Valerie.

"Maghahanap siguro ako ng boardmate di kasi talaga sapat yung sinasahod ko sa shop!"

"Ah.. sige tulungan kita makahanap ng ka-boardmate mo!"-Valerie.

"Talaga? Sige! Kahit lalaki ok lang pero please ayok-"

"Yeah! Ayaw mo ng mayaman! Alam ko na yun!"-Valerie.

"Good! Oh sya! Alis na ko ah? Baka malate na 'ko sa shop!"

paalam ko.

"Ok! Bye!"-Valerie.

"Bye!"

*JAMES HUNTER POV

"D*MN!"-

bulalas ko.

James Hunter Salazar nga pala, gwapo, at gwapo! Haha! Yan lang masasabi ko about myself kasi talaga namang gwapo ako! Tanong nyo pa sa fangirls ko.

"Anu ba kasing kinagagalit mo dyan ha?!" - Rico.

(Bestbud ko, pero mas gwapo parin ako) haha!.

"I just hate the idea na ititira ni Dad yung mistress nya sa bahay!"

reklamo ko.

"Mistress? Ok ka lang brad? Wala naman na mom mo di ba? Kaya paano naging mistress yun? I can't see any problem with that!"- Rico.

"Kahit na! hangga't nabubuhay ako she can never be a legal wife to dad!"

"Fine! If you really can't stand living with her eh di dun ka sa condo mo!"- Rico.

"No! Di ako titira dun!"

Tanggi ko, property kasi nung mistress na yun ang kinalalagyan ng condo unit ko.

PRETENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon