Chapter 3

30.6K 467 0
                                    

"No ma'am, I need some I.D." Matigas na sabi sa 'kin ng guard sa kompanya ni Lean, he owns the 'Oliquino Securities'. It's the second best security company all over the world.

"Pero kailangan kong makapasok, I need to see my son, he might be inside. " Naiiyak na tugon ko.

"Ma'am sa totoo lang gustong gusto ko po talaga kayong papasukin pero may protocol po kaming sinusunod dito. Sorry po ma'am ayoko po kasing matanggalan ng trabaho." Mahabang saad niya, naiintindihan ko naman pero baka kasi nasa loob talaga si Gabby.

"Sir, alam niyo po bang may asawa na si Lean?" Tanong ko dito, kumunot naman ang noo nito at tumingin sa paligid, "Ma'am baka po may makarinig sa inyo dito, wala po kasing nakakaalam non na outsider, sino pong-" Pero agad ko siyang pinutol.

"Hi! I'm Mervyn Kristel Amadeo-Oliquino. Lean Gabriel Oliquino's wife. Now, can I come in?" Napalunok naman ang lalaki, "Ma'am kailangan ko po talaga ng I.D." Saad nito, napansin ko kaagad na may hinahabol ito ng tingin, napalingon ako, si Rain-pinsan ni Lean, pero bakit siya nagmamadali?

"Rain!" Napalingon naman ito sa 'kin with her famous amused look, "Mervyn! Oh my gosh! How are you?" Napatawa ako, pinipilit pa rin nitong magka accent ang ingles niya, "Okay lang, can you get me inside? " Nahihiyang tanong ko naikinatawa naman niya.

"It's your husband's company. Bat hindi ka nalang magtuloy tuloy? Tita called me actually at kapag hindi ibinalik ng kumag na 'yon ang anak niyo e kakalat ang sekreto niya." Nakangising saad niya, "Now, pumasok na tayo." Malapit na kami sa pinto ng bigla akong tawagin ng guard, "Ma'am!" Napalingon ako, tinaasan ko siya ng dalawang kilay, "I need some I.D. po." Sabay kamot nito. Sasagot na sana ako ng-

"Didn't you hear me you moron? She's your boss' wife!" Sigaw ni Rain sabay hila sa braso ko, hinatid pa 'ko nito sa 82nd floor kung saan naroon ang opisina ni Lean, "Ma'am, do you have an appointment? " Nangmamatang tanong sa 'kin ng babaeng nakaupo sa table sa harap ng opisina-secretary niya 'to malamang, "Actually, she doesn't need one! Si kuya Lean ba nandyan?" Tanong ni Rain with her high-pitched voice. "W-wala po Ma'am Rain. Nagpaalam pong aalis." Natatakot na sagot naman ng secretary ni Lean. "Saan daw pupunta?" Tanong ko, bumaling naman ng tingin sa 'kin ang babae, "Ayaw niya pong ipasabi e." Tumaas naman ang kilay ni Rain, tsaka ito sumigaw, "Saan daw?!"

"Sa condo niya po. Sa Kardashian. Eto po ang key card. Please Ma'am Rain ayoko pong tanggalin ako sa trabaho ni Sir Lean." Dagdag pa nito.

"'Wag kang mag-alala he won't fire you...but I will. You're fired Ms. Bustamante." Sabay hila nito sa 'kin papasok ng elevator.

"Ruthless." Nginitian naman ako nito sabay angat ng keycard na hawak niya, sa wakas makikita ko na ang anak ko.

The C.E.O.'s Wife [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon