1 ♕ Hoy! Ikaw! Newspaper girl!

66 4 0
                                    

Thanks for reading my first book here in Wattpad. Filipino story po ito. Requested by my dear cousin, @Sk8rGirl22.

Okay. Let's start :))

LUCY ON THE SIDE --->>>

~~~~~~~~~~~~~~

Lucy's ⓟⓞⓥ

   "Remy Parker! Huwag na wag ka nang tatapak dito sa bahay na ito, naintindihan mo? Huwag mo din pagtangkaang kunin si Lucy sa akin!"

   Ayan na naman si Daddy. Sinisigawan na naman si Mommy. Pero. Iba na ang lumalabas sa bibig niya. Hindi na masasakit na salita. Hindi na insulto. Kundi pinapalayas niya na si Mommy.

   Tumingin ako kay Mommy. Umiiyak na siya. May tumulong luha din sa aking pisngi. Tumakbo ako sa kanya  at niyakap ko siya nang mahigpit.

   "Lucy! Layuan mo yang bruhang yan!" Sigaw ni Daddy at hinila niya ako kay Mommy.

   "Patawad, anak. Gusto ko sana isama ka sa America. Kasama ni Liam. Maganda dun. Pero hindi pwede eh. Mahal kita, anak. Tandaan mo, babalikan kita, ha?" Tumango ako kay Mommy. Ngumiti siya nang kaunti.

   "Anong babalikan? Sabing wag ka nang bumalik eh!" Akmang sasaktan na naman ni Daddy si Mommy.

   "Liam, anak, halika na. Nandyan na ang kotse." pagyaya ni Mommy kay Liam, ang kambal kong Kuya.

   Tumingin ako sa kanya. Hindi sa kumibo, umiiyak lang. Tumakbo ako sa kanya at niyakap.

   "Kuya, wag kang umalis, please. Wag mo akong iwan. Hindi tayo maghihiwalay diba? Kuya," sabi ko habang tuloy pa rin ang agos ng aking luha. "Hindi kita iiwan." sabi ni Kuya.

   Katulad ni Mommy, hinila din ni Daddy si Kuya sa hawak ko. "Umalis ka na at magsama kayo ng ina mong impakta!" Sigaw ni Daddy kay Kuya.

   "Wag! Mommy, Kuya, wag kayong umalis!"

"Huwag!"

Minulat ko ang aking mga mata. Hay. Kailan ba ako titigilan ng nakaraan? Kinamot ko ang ulo ko at napaupo sa kama.

"Past is past. Kailangan ko na iyon kalimutan. Hindi na din ako babalikan ni Mama. Ten years na kaya ang nakalipas." sabi ko sa sarili.

Tumingin ako sa clock. 3:30 am na pala. Kailangan ko ng maligo at magbihis. Napahikab ako. Magdedeliver pa ako ng mga dyaryo. Binilisan ko ang pag-ayos. Lumabas na din ako sa apartment at tumingin sa langit.

"Ma, Kuya, kamusta na kayo?" sabi ko nang mahina at tuluyang nagbike sa kalsada.

"Good morning, Lucy. Ang aga mo na naman. Wala pa'yang alarm clock ah." Napangiti ako kay Mang Isko. Siya ang may ari ng bakery. Maaga din yan magbukas ng shop niya.

"Oo naman po. Kailangan po eh." Ngumiti ako.

"Good morning, dear. Ito oh pandesal, mainit pa." Abot sa akin ni Manang Delia, asawa ni Mang Isko.

"Maraming salamat po. Hindi niyo naman po kailangan mag-abala pa."

"Ano ka ba? Okay lang iyon. Parang apo na nga ang turing namin sayo eh. Naku! Namiss ko na ang apo ko. Siya. Iha, umalis ka na at baka mauna pa ang araw sayo. Sige ka. Mapapagalitan ka na naman. Kainin mo yung tinapay ah?"

"Ah, eh, sige po. Maraming salamat po ulit!" sigaw ko kay Manang Delia. Ang bait talaga nilang mag-asawa.

Isa lang ang apo nila. Isa lang naman din kasi anak nila. Pero hindi na dito nag aaral ang apo nila. Sa London na nakatira yung pamilya niya.

Just Above the Clouds ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon