5 ♕ Ash Tells the Story

53 4 0
                                    

So, hello ulit! Next chapter na!

~~~~~

Ash's ⓟⓞⓥ

Nagulat siya nung sinabi ko na ako si Rico na kilala niya. Kaya pala nagdoor bell siya noon.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? At kamusta na ba sila Mama? Saan na sila nakatira? At akala ko ba na babalikan nila ako? Bakit hindi?" Tanong ni Lucy. Napatawa na lang ako.

"Ah, sorry Sir Ash. Ang daldal ko ata."

"For starters, call me Tito Ash or Tito Rico. But like Carter, pwede mo akong tawagin ng Ash."

Nagnod lang siya.

"At kung gusto mo talagang malaman, sasabihin ko sa iyo ang nangyari. Dito tayo sa Starbucks." Nagsteer ako at nagpark. Pagkatapos ay lumabas na.

Nag order na din ako ng makakain at maiinom ni Lucy.

Pagkatawag ng name ko ay kinuha ko at sinerve.

"Ano ang unang mong malaman?" tanong ko sa kanya.

"Ah, eh, tito, kung pwede sana ay yung sa simula?"

Nagnod ako at ngumiti.

*FLASHBACK*

Narinig ko ang mga sigaw ni Stephen sa loob. Pinapalayas niya si Remy. Matagal na niyang sinisigawan ang kambal ko ah, nakakarindi na siya!

Papasok na sana ako, ng lumabas si Remy kasama si Liam.

"Kuya Rico." sabi niya sabay yakap sa akin at umiiyak.

"Remy! Matagal ko ng sinabi sayo na lumayo na diyan sa lalaking iyan kahit mahal mo siya!"

"Kuya, aalis na kami ni Liam papuntang America." Sabi ni Remy at tumingin sa akin.

"Mas mabuti pa. Paano si Lucy?" tanong ko.

"Kuya, ayaw ni Stephen. Can you do me a favor please?"

"Ano iyon?"

"Bantayan mo si Lucy. Bisitahin mo siya kung maari. Basta bantayan mo."

"Sige. Gagawin ko."

At umalis na sila ni Liam.

*END OF FLASHBACK*

"Binantayan kita nun. Pero hindi ako makalapit sayo. "

"Dahil kay Papa. Si Mama, umuwi ba sila dito?"

"Binisita nila ako. Binisita ka ni Remy. Pero katulad ko, hindi rin siya makalapit. Ang huli nilang bisita ay nung 6 years ago."

"Yung namatay si Papa?"

"Oo."

*FLASHBACK*

Gumising ako sa lakas ng tunog ng video game. Hay. Nandito nga pala sina Remy at Liam. Baka naglalaro nanaman yun si Liam.

Bumaba ako sa entertainment room at nakita ko si Liam at Carter naglalaro. Narinig ko yung kotse nagstart.

"Oh, Liam, saan pumunta ang mommy mo?"

"Di ko po alam, Tito." sagot ni Liam habang nakatingin pa rin sa TV.

Tumakbo ako sa labas at nakitang nakalabas na ang kotse niya. Sumakay ako ng motor ko at sinundan siya.

Tumigil siya sa harap ng bahay ni Stephen. Bakit siya nandito?

Pumasok siya. Teka pumasok? Alam naman niya na mainit ang ulo ni Stephen sa kanya. Babalikan niya si Lucy? Hindi rin eh. May pasok sa school yun ngayon.

Naghintay ako sa labas ng biglang, sumigaw si Remy.

"Tulong! Tulungan niyo kami!"

Tumakbo agad ako sa loob at nakita ko si Remy, yakap yakap niya si Stephen. Nakapikit ang mata ni Stephen.

"R-rico? B-bakit k-ka nandito?" tanong ni Remy.

"Wala na munang tanong. Tara dalhin na natin yan sa ospital." sabi ko at dinala namin si Stephen sa ospital. Pero huli na kami.

"We tried everything we could, but it none prevailed. It seems that Mr. Nicholas had a heart failure since before and didn't take his medicines. I am sorry, Mrs. Nicholas." Sabi nung doctor.

Umiiyak si Remy.

"Doc, thank you for doing everything. But my sister here, is not anymore Stephen's husband."

Nagulat ang doctor. Napansin niya siguro kasi kung gaano nasaktan si Remy.

"Oh, I am sorry. Excuse me."

Pina upo ko si Remy sa bench. At kinomfort ko siya.

"Paano na si Lucy? Anong gagawin natin? Dadalhin mo ba siya sayo sa America?"

"Hindi pwede ngayon Rico. Magagalit sa kanya si Daddy." sabi ni Remy. Matagal at ang tindi ng galit ni Daddy ko kay Stephen. Dinamay niya pa si Lucy.

"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Remy.

"Siguro naman ang daming kaibigan ni Stephen. Baka pwedeng may mag alaga sa kanya." sabi ni Remy.

"Tatawagin ko siya sa school, Remy."

"Wag! Hindi pa ako ready na makita siya. Hanapin muna natin si Manang Delia. Hayaan mong siya na ang tumawag."

Pumunta kami kay Manang Delia at sinabi sa kanya ang balita. Nagulat siya at umiyak.

"Manang, pwede po ba huwag mo muna sabihin kay Lucy na nandito kami sa Pilipinas? Pwede po bang sabihin mo po na kayo po ang nagdala kay Stephen sa ospital. Pwede po ba? Hindi pa po ako handa at magagalit lang iyon sa akin."

"Kung yun ang gusto mo gagawin. Hwag ka ng mag-alala. Ako muna mag-aalaga sa anak mo."

"Salamat po."

Umuwi na kami ni Remy. Umiiyak pa rin siya.

"Mom? Ash, bakit umiiyak si Mommy?" tanong ni Liam.

"Ah, Rico. Uwi na kami ni Liam sa America. Baka, matatagalan pa bago ako bumalik dito." sabi ni Remy na hindi sinagot ang tanong ng kanyang anak.

Nag nod lang ako at nagpaalam.

*END OF FLASHBACK*

Natulala lang si Lucy pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.

"Patawad kung hindi kita nakita. Hinanap kita noon, pero lumipat na daw kayo ni Manang Delia pagkatapos nun." sabi ko.

"Okay lang. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ako binisita ni Mama." sabi niya. Hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Hindi siya handa." sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "Teka lang, tito, salamat sa pagkwekwento sa akin. Pero diba may client ka pang puntahan?" tanong niya.

Teka. Meron nga.

"Ay tama! Hay naku! Bakit ko yun nakalimutan? Ah Lucy, sorry ha. Alis na ako. Ay, hatid na muna kita pauwi. Tara." Tumayo ako.

"Ah, okay lang po ako Tito. Magcommute na lang po ako."

"Ah, sigurado ka? Eto. Pamasahe. Uwi ka ha? Ingat."

"Ingat din po kayo."

Hay. Mabait na bata ang pinalaki ni Remy, Stephen, at nila Manang Delia at Mang Isko. Kamukang kamukha niya si Remy. Kumbaga, ako din. Haha. Kambal kami eh.

Client. Tama. May client pa ako.

~~~END OF FIFTH CHAPTER~~~

Thank you for reading guys! Naintindihan na ni Lucy!

NEXT CHAPTER-- first day of school ni Lucy! Ang bilis noh?

Haha...

xoxo ♥ Bailey Autumn

Just Above the Clouds ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon