2 ♕ First Hug daw

56 5 0
                                    

Here you go! Next chapter na naman! Hehe ^_^

Comment, Vote, and Follow!

Thank you guys!

~~~~~

Lucy's ⓟⓞⓥ

"Pa, salamat ha? Mahal na mahal  din kita. Sige, pa, alis na ako."  Sabi ko sa puntod  ng papa ko. Death Anniversary niya ngayon.

Nagbike na ako papunta sa Bakery ni Mang Isko. May part time job ako dun bilang taga serve. Kumbaga waiter. Bakery nga siya pero parang small cafe na din.

"Oh, iha, kamusta ka na? Ngayon yung anniversary ng tatay mo ah. Binisita mo ba siya? Kinamusta mo ba kami sa kanya?" Tanong sa akin ni Manang Delia.

"Siyempre naman po, okay na okay lang. Kinamusta ko na din po kayo kay Papa. Palagi naman po eh." sagot ko sa kanya.

"Ay teka nga pala, Lucy. Napatawag ang boss mo sa Newspaper Office. Punta ka daw dun. May naghahanap ata sa iyo."

"Ha? Sino po?"

"Wala naman sinabi. Kaya  pumunta ka na dun.  Wag mo na kaming alalahanin dito, nandito naman si Joan. At saka konti lang naman ang tao pagweekdays."

"Sigurado po kayo? Sige po, balik na lang po ako kaagad."

Ano kaya ang kailangan ni boss? Hindi kaya ipapatalsik niya na ako sa trabaho? Hay. Sana hindi naman.

Pagdating ko dun sa office ni boss, may kausap siyang lalaki na nakasuit at si  Carter? Bakit siya  nandito?

"Oh, nandito na pala si Lucy. Halika, umupo ka, iha." Sabi ni boss. Umupo ako sa tapat ni Carter.

"Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Ah, ito nga pala si Sir Ash Parker at ang inaanak niya na si Carter Matthews. Kakausapin ka daw nila." sagot ni boss. Siya pala si Ash.

"Kung hindi ako nagkakamali Lucy Nicholas pangalan mo. Ah, iha, gusto ko sana kitang kunin bilang stay in na housekeeper ko. Pumayag naman ang boss mo na hindi ka na magdedeliver."

Nag nod lang ako at nagpatuloy siya.

"Ikaw na ang pumili ng kapalit, its either papag aralin kita o kaya pera."

Wait. Ano daw? Papag aralin niya ako,kapalit ng paglilinis ng bahay niya? Makatanggi pa ba ako?

"Ah, eh, kung okay lang ay gusto ko po sanang mag-aral. Sabi kasi ng papa ko na mahalaga daw ang pag-aaral. Marami ka naman daw pera pero kung wala lang pinag-aralan useless lang din." sabi ko. Ngumiti siya.

"Okay na okay lang siyempre. Mabait kang bata sa tingin ko. Hindi lahat ng mga ka edad mo ay pinapahalagahan ang pag-aaral. So, pumapayag ka na?"

"Opo. Ah, pwede po bang magtanong?"

"Kahit ano. Stay in diba ibig sabihin dun ako titira sa bahay mo po?"

"Oo, bakit? May problema ka ba?"

"Teka lang, Ash. Patitirahin mo siya sa bahay mo at pag-aaralin sa school ko. Grabe. Special siya ah." Singit ni Carter.

Wait. Sa school niya ako mag aaral? Mamahalin yun eh!

"Ah-" Napahinto ako.

"Anong problema dun?" tanong sa kanya ni Ash.

"Sigurado ka bang mapapagkatiwalaan yan sa bahay mo? Palagi ka kasing wala. Alam mo na." Sabi ni Carter.

Teka. Hindi niya ako mapagkatiwalaan? Eh, sa buong buhay ko hindi naman ako nagnakaw. Konsyensya ko pa yun. Magsasalita na sana ako pero si Sir Ash na ang nagsalita.

Just Above the Clouds ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon