Hansiela Shot

197 13 1
                                    

I was walking along the corridor. Palinga linga ako sa mga iba't ibang mukha ng mga tao dito sa school. Maraming klase ng tao. May ibang, maganda pero hindi mabait. Maganda at mabait at meron din namang hindi na nga maganda, hindi pa mabait. Yun lang naman ang nao-obserbahan ko sa araw araw kong pag lalakad dito sa corridor ng first floor.


"CIELA MERCEDES!" Sigaw ng best friend ko sa hindi kalayuan. Lumingon ako sakanya at ngumiti tapos sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. First year College ako nang ma-tropa ako sa mga rich kids ng school na ito. Nahahati sa tatlong uri ng tao ang school base sa mga estado nila. Una, ang rich kids. Pangalawa, middle class at ang pang huli ay ang poor squad. Hindi mo na kailangan itanong kung paano sila naiu-uri dahil halata na naman ito.


"REANA!!" Sigaw ko pabalik sakanya. Nabibilang ako sa middle class at siya naman ay sa rich kids pero tinanggap niya ako nang walang pag aalinlangan. Iba si Rea sa mga nakikilala kong rich kids. Matapobre, mayabang at kung ano ano pa. Noon nga, akala ko wala nang rich kid na mabait. Na sila ay nabibilang sa mga klase ng tao na maganda pero hindi mabait ngunit nag bago ito nang makilala ko si Rea.


"Ciela, tignan mo iyong si Magenta. Magkasama nanaman sila ni Hans." Sabi ni Rea at tumingin kay Magie at kay Hans. Napailing nalang ako.


"Pabayaan mo na nga. hindi naman tayo dapat maapektuhan. Kung sila, edi sila. Hayaan mo na." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya at ngumiti. Nilapitan namin sila Mary na tropa din namin na nabibilang rin sa Rich kids. Si Mary ay orihinal na kaibigan ni Rea at pinakilala lamang ako nito.


"Oy Maria! Natutulog ka nanaman." Singhal ni Rea kay Maria. Tumingala naman siya saamin tapos ngumiti na parang antok na antok.


"Sorry mga girly. Antok na antok talaga ako." Napailing nalang ako nang sabihin niya iyon. Masyado kasi siyang nag fo-focus sa mga bagay na hindi naman dapat munang pag tuunan ng pansin.


"Ewan ko ba sayo, Maria. Wala ka namang love life pero lagi kang puyat. Palibhasa, walang nag sasabi saiyo na matulog ka na, magpahinga ka na at kung ano ano pa. Kaya ayan! Masyado mong sinasagad ang pasensya ng katawan mo." Pag sermon sakanya ni inay Rea. Natawa nalang ako sa conversation nilang dalawa. Palagi naman kasing nakakatanggap ng sermon yan si Mary galing kay Reana.


"Hoy Rea! Hindi purkit may love life ka eh ganyan ka na. Respeto naman sa mga single na katulad namin ni Ciela, di'ba?" Tumawa naman si Rea sa sinabi ni Maria. Pati ako ay natawa na rin.


"Sinong love life niyan? Pagkain? Tignan mo nga ang katawan niyan. Kung may love life yan hindi yan ganyan kataba." Pang aasar ko kay Rea. Nainis naman ito kaya tinigilan ko na. Pikon talaga ang isang ito.


"Uy Ciela!" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si Magie pala, kasama niya si Hans.


"Hi Magie!" Pag bati ko sakanya. Hindi kami close ni Magie pero kami ni Hans, oo. Hindi ko rin alam kung anong status nilang dalawa pero madalas ko silang nakikitang magkasama.


Dumami ang tao sa loob ng classroom hanggang sa dumating na ang prof namin. Nag discuss siya ng mga bagay na hindi ko talaga naiintindihan sa accountancy kahit kailan.


"Are you with us today, Magenta and Hans? It seems like you're both here physically but not mentally? Gusto niyo yatang lumabas at ituloy doon sa garden ang pag lalampungan niyo." Inis na sabi ng matandang dalaga naming prof. Maraming naiinis sakanya dahil bitter siya sa mga couples dito sa school. Ewan ko ba, matandang dalaga nga kasi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someday We'll Know [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon