Chapter 1

23 0 0
                                    

Cast:
Choi Ji Woo as Sophie
Kwon Sang Woo as Shawn
Ha Ji Won as Riley

Author's note
Hi there! I know ilan sa inyo familiar sa tambalan na Jody at Cholo ng Stairway to Heaven at Sophie at Shawn ng Temptation. (hehehe fan din nila ako) Now, I'm making a sequel of Temptation (fanfic made, nabitin kasi ako) at lahat po ito ay imagination ko lang po wala po akong intensyon na kahit ano. Gusto ko lang po masagot yung mga tanong ko na; ano ang nangyari? Hope na magustuhan niyo rin 😊.

Sophie's POV
Anong oras na bakit wala pa siya? Sabi niya 7 pm ang baba niya. Shawn nasan ka na ba? Naiiyak na ko. Baka...

"Sophie!" May tumawag at ngayon kumakaway siyang lumapit sa akin. Sa inis ko...

"Ahh! Bakit mo ko sinuntok sa braso?" Tanong niya. Ang gwapo ng boyfriend ko. Are you crying?

"Eh kasi sabi mo 7pm! Anong oras na?" Sob sob

"Wag ka na magalit Sophie, I'm here safe and sound. Sorry wag ka na umiyak" sabay ngiti at akbay sa akin. Lumakad na kami.

"Alam mo ba kung gaano mo ko pinag-alala?"

"San mo gusto kumain?"

"Hindi mo sinabing na-delayed un flight mo."

"Alam ko na! Ipagluluto na lang kita."

"Shawn ano ba?!" Singhal ko sa kanya hindi niya kasi ako pinakikinggan. Tumigil ako sa paglakad pero siya tuluy-tuloy pa rin. Naiinis na ako. Pinaghintay niya ako tapos iiwan niya rin ako dito.

Shawn's POV
Wag ka naman ngayon topakin Sophie! Expected ko na magagalit siya pero hindi ganto kabilis may surprise pa ako sa'yo. Umiiyak pa. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Parang wala na akong choice tinawagan ko na ang staff ng airport para patayin ang ilaw sa arrival area. Para makita niya yung dahilan ko.

Tumugtog na... handa na ang mga lobo at ang mga katagang sasabihin ko sa kanya.

(Please Play the video: credits to the owner)

Sophie's POV
Namatay ang ilaw tumugtog ang isang awitin nag-flashback lahat sa akin ang nangyari sa amin ni Shawn.

Kung paano niya binuo ang pagkatao.

Kung paano niya ako tinulungan maka-survive sa cancer at alagaan ako.

Kung paano niya ako pinaglaban at ang pagmamahalan namin.

At ngayon nasa harapan ko siya nakatayo hawak ang isang maliit na kahon. Lumuhod siya. At sinabing...

"Will you marry me, Miss President?"
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang siya sa 'kin. Sincere siya. At yung luha ko tuloy-tuloy lang sa pagpatak.

"Sophie? Ssshhh tahan na" Tawag n'ya sa 'kin hindi kasi ako makapaniwala na ginagawa niya 'to.

"Oo naman Shawn" niyakap niya ako at bumulong.

"Thank you Sophie, saranghae"

"Saranghae Shawn"

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Eto pala yun dahilan kaya late na siya lumabas. Kanina pa pala siya dumating from HK.

(FLASHBACK)

Shawn's POV
"Excuse Sir, my isang passenger po from Hong Kong ang gusto pong kumausap sa inyo." Flight attendant.

"Good afternoon, I'm Shawn"

"Good afternoon Sir, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"I have some favor..."

End of Flashback

Napangiti na lang ako, everything went perfect.

Ayoko na ulit siya makitang umiyak lalo na ng dahil sa akin

Pangako Sophie hindi ka na iiyak. Pangako.

At napatingin ako sa mga taong tumulong sa akin.

"THANK YOU" I mouthed to them at nag-thumbs up sila.

Paalis na kami ni Sophie sa airport at magdi-dinner sa bahay ko. Nagpatulong ako kay Director Kim na ayusin ang bahay.

Riley's POV
Bakit kaya ang daming tao? Anong meron? Ahh may nag-propose pala, parang kilala ko siya, Shawn? Bakit may kasama siyang babae?

"SHAWN! SHAWN!" Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumilingon. Dire-diretso lang sila sa paglakad.

"Shawn sandali." Napaluhod na lang ako. Nanlalambot ako. And everything went black.

"Uy yung babae hinimatay!"

"Tulungan natin!"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Sophie's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina.

"Baka naman matunaw yang singsing." Nakangiti siya habang sinasabi yun. Ihahatid niya na ko sa condo ko.

"Masaya lang ako." Sagot ko sa kanya tapos kinuha niya yung kamay ko at hinalikan. Kinilig naman ako dun.

"Wag ka na ulit iiyak ha?" Naalala ko na naman yun. Pauwi rin siya galing sa HK.

FLASHBACK

Sophie's POV

"Bakit kaya wala pa siya?"

Ring... ring...

"Hello? Sophie?"

"Shawn! Nasan ka na?"

"Minawo, hindi pa ako makakauwi nagkaproblema dito sa hotel. Tatawagan na lang ulit kita."

"Ok."

End call

Kasabay ng pagbaba ko ng phone ko ay may dumaang pamilyar na mukha at may kasama siyang ibang babae. Masaya silang naglalakad.

"Shawn?"

End of Flashback

"Sophie? Ok ka lang ba?" Nakita ko si Shawn sa tagiliran ko binuksan ang pinto ng kotse.

"A, oo ok lang ako."

"Sigurado ka? Kanina ka pa tulala eh."

"Oo naman. Sige mauna na ako mag-iingat ka sa pagdada-drive." Naglalakad na ko ng bigla niya akong hilahin at niyakap.

"Sophie."

"Hmmn?"

"Kung may problema tayo sabihin mo ha?" Napangiti ako.

"Yes Director!"

Tapos hinalikan niya ko sa noo.

"Goodnight."

"Goodnight."

~End of chapter 1~

Just A Dream: Last TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon