Chapter 3

15 0 1
                                    

Shawn's POV
Pabalik na ako sa hotel nang may makita akong isang babae sa tabing dagat at naglalakad siya mag-isa. Teka, magpapakamatay ba siya? Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Miss, teka lang hindi sagot yan." Nabigla ako kasi bigla niya ako niyakap tapos nawalan na siya ng malay.

"Shawn? Shawn bumalik ka nga!
Akala ko iiwan mo na talaga ako." Sob sob

"Kilala mo ko?" Umiiyak siya. Dinala ko muna siya sa hotel.

Riley's POV
Ang sakit ng ulo ko. Aray! Napakapit ako sa ulo ko. Teka bakit nandito na ako? Sino nagdala sa 'kin dito. Tumayo na ako para mag-shower.

Sa elevator...

"Hey ikaw pala yan!"

"Shawn?"

"Kilala mo nga ako, have we met before? Sorry ha hindi kasi kita matandaan. Who are you?

Nakangiti siya pero may kirot akong naramdaman sa puso ko. Shawn bakit hindi mo ako matandaan?

Namatay ang ilaw at napakapit ako sa kanya.

"Nasira ata elevator Miss."

Ganto rin yung unang beses na nagkita kami. Same scenario. Nakayakap ako sa taong hindi ko pa kilala noon.

FLASHBACK
Hay Mommy! Bakit mo kasi kinalimutan yung susi ng kotse? Pasakay na ko ng elevator.

"Teka... wew! Naku male-late na naman ako."

Nagpupunas siya ng pawis. Hmmn mabango siya ha?

"Ayyy!"

Tumigil bigla ang elevator. Suddenly, napakapit ako sa lalakeng hindi ko kilala. Awkward.

"Sorry."

"Nasira ata elevator Miss."

"HAYYY! Late na ako! Tulooong!"

"Kalma ka lang, Miss."

"Paano ako kakalma? First day of school ngayon!"

"Hahaha"

"Anong nakakatawa?"

"Wala naman ang cute mo kasi."

Ok so much awkwardness. Namumula ako. Hanggang sa bumukas ang ilaw ay nakakapit pa rin ako sa kanya.

"See you at school Riley!" Sabi niya sa akin at tumakbo na ulit.

"Huh?" Kilala niya ako?

At school...

"Ok class may bago kayong classmates. Please behave and be kind to him. Pwede ka na pumasok hijo." Ang sabi ng teacher namin.

"Good morning I'm Shawn Lee!" Nice to meet you all."

Familiar ang boses at pagtingin ko siya nga yun lalake sa elevator.

End of Flashback

"Miss? Miss ok na yun elevator yung kamay mo." Ngumiti siya.

"Aww sorry." lumakad na siya palabas.

Parang hindi ko na siya kilala pero ang mga ngiti niya ay may kahulugan sa puso ko.

"Shawn."

FLASHBACK

"Pwede ba kong umupo sa tabi mo?" Tanong niya sa 'kin

"Yeah sure." umusod ako ng konti. Kumakain ako ng lunch at siya rin.

"I'm Shawn!" Out of nowhere bigla siyang nagsalita at nilahad ang kamay niya. Napangiti ako.

"Hahaha" Natawa ako bigla at sumeryoso ang mukha niya.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya.

"Kasi nagpapakilala ka eh magkaklase naman tayo."

Hindi niya pa rin inaalis yung kamay ko. Poker face.

"For formality."

"Sige, I'm Riley."

Ang gaan ng loob ko sa kanya. At ngumiti siya. Starstruck ako. Hindi ko makakalimutan ang unang ngiting 'yon.

Lagi na kaming magkasama outing dito, gala doon. Camping, tour, out of the country.

Summer days.

"Shawn! Wag mo na ko hilahin kaya ko maglakad."

Hindi siya bumibitaw at tumatakbo kami sa may dalampasigan.

"Ang bagal-bagal mo naman eh!"

"Shawn napapagod na ko."

"Sandali na lang malapit na tayo. Pagod ka na ba talaga? Bubuhatin na lang kita."

"Wag na! Uy Shawn ibaba mo ko ano ba?"

"Di ba sabi mo napapagod ka na?"

Napangiti na naman niya ako. Malapit na kami.

"Wow! Ngayon lang ako nakarating dito. Kailan mo pa nakita ang spot na 'to?"

"Kahapon."

"Maganda ba?"

"Oo, sobrang ganda! Ang tagal na natin nagpupunta dito ah ngayon ko lang to nakita."

"Oo sobrang ganda talaga."

Pagtingin ko sa kanya sa 'kin siya nakatingin. Nag-init ang mga pisngi ko. Unti-unting lumalapit yung mukha niya sa akin.

"Bakit ka nakapikit Riley?"

"..."

"Hahaha akala mo hahalikan kita?"

"..."

"Hahaha"

"..."

Tumakbo ako palayo. Napahiya ako. Assuming ka kasi Riley! Assuming ka!

"Uyy Riley sandali!"

"Uuwi na ako!"

"Riley teka lang!"

Hinahabol niya ako. Para kaming ewan dito. Hanggang sa inabutan niya ako. Naiiyak ako. Nakakahiya.

"Hey, stop crying. Ssshhh sorry."

"Kasi nakakainis ka!"

Hinahampas ko siya sa dibdib.

"Tahan na."

Tapos he held my chin. Hindi na ako pumikit baka nag-a-assumed na naman ako tapos hindi naman pala. Pero, pero nagulat O_O ako at...

Napapikit na lang. Lumapat ang labi niya sa labi ko. 3 seconds, 5 seconds... 10 seconds???

"I love you, Riley."

Ang sweet ng pagkakasabi niya. Nakakatitig kami sa isa't isa.

"I love you too, Shawn."

Naglakad na kami pabalik sa hotel. Pero tahimik lang kami tanging tunog lang ng alon ang naririnig namin. Nakangiti kami. Masaya ako. Sobrang saya ko. Finally...

End of flashback

"SHAWN!!!"

Napapagod na ako. Wala ng bumubuhat sa akin.

"Bumalik ka na please."

Nag-uunahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko.

"Shawn! Mahal na mahal na mahal kita."

"Shawn..."

"Shawn..."

"Shawn..."

Your memories, your smiles, your laughs always on my mind and its my everything.

Yun na lang ang meron ako.

"Bumalik ka na."

~End of Chapter~

Just A Dream: Last TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon