CHAPTER-1 TROUBLE, TROUBLE

848 29 14
                                    

"I'm late, i'm late, i'm really late"

Feeling ko ako yung rabbit sa Alice in Wonderland. Always running out of time.

Tumatakbo ako ng hallway papunta sa Classroom, 5 minutes akong late, sa tansya ko lang.

Bonggang-bonggang pagmamadali ang ginawa ko, oha, kamusta naman ang five minutes na ligo, pero mabango ako ha. XD

Yes, totoo ang himala, mas maagap ako kay Maam, wooooo. I'm not late.

Nahahati sa ilang section ang klase namin.

Section 1- ang mga geniuses ng klase, straight A's student.

Section 2- ang Campus Godesses, samahan ng mga magaganda, kaya yung wala kang gift of beauty, wag ka lalapit sa grupong ito.

Section 3- Mga Campus Hearthrob/Musician, dito kabilang ang mortal enemy ko, kung sino sya, mamaya niyo na sya makikilala.

At ang huling section, Section 4- Mga loner, walang friend, mag-absent man, walang makakapansin. At dito ako kabilang.

"Good morning classmates ^__^" masayang pagbati ko pagkapasok ko sa room.

-_- Tumingin lang sila sa akin. And whooosh, back to business na naman sila.

Walang pumansin sa akin.

T__T

That explain why i belong in Section 4.

At dahil sa walang pumansin sa akin, ipapakila ko nalang ang sarili ko.

Ako nga pala si Elizabeth Lim, 4th year student dito sa Canfield's Academy. Everyone calls me Betchay. Hindi ako kagandahan, pero sabi nila CUTE daw ako, hohoho ^___^v. Mahaba ang hair ko, at ansabe naman ng blunt bangs ko. Hindi rin ako katangkaran, mga 5 lang ang height ko. Hindi din ako ganun kataba (aba, sankatutak ang effort ko para maimaintain ang figure ko).

Kumuha ako ng candy sa bag ko, ang cute kasi nung balat eh, sobrang colorful, kaya ang dami kong binili.

"ang sarap naman nito, gusto mo?" inabot ko sa katabi ko yung candy. Ano na nga bang pangalang nito, basta ito yung weird na classmate ko, pero mukha namang mabait.

Nora?

Vilma?

Lorna?

Ah basta may konek sa artista, Sorry naman at di ako kagalingan magmemorya ng mga pangalan, pakiramdam ko goldfish ako nung past life ko eh, haha may 3 second memory.

"hmm, no thanks" sagot niya sakin.

"ah okay, sabi mo eh" sagot ko. Bastusan ba? Binibigay ko na nga ng candy, ayawan ba naman? Ang tipid magsalita, akala mo sisingilin sya sa bawat words sa lalabas sa bibig niya.

"ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko, kanina ko parin iniisip kung anong pangalan nito eh.

"Maricel, lagi mo nalang tinatanong yan" whooo, sabi ko na nga ba artista eh. ang galing ko dun, waha.

"sorry palagi ko kasing nakakalimutan" grabe naman sya kung maka palagi, mga every subject lang naman yung pagtatanong ko. Kakatransfer lang kasi niya kahapon, kaya di ko sya masyadong kilala.

"Maricel, Maricel, tatandaan ko yan" sabi ko.

"Acel nalang" sagot niya.

Mukha naman syang mabait eh, sana maging friends kami. wohoo.

"Elizabeth, Betchay, Betsy, kahit anong itawag mo sa akin basta wag lang batchoy ha, hehe, friends na tayo ha" sabi ko sa kanya with matching smile pa na ganito kalapad

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon