"Babe!!!!!!!!!!!" sigaw nung babaeng tumatakbo palapit sa amin. "kanina pa kita hinahanap"
"wow, talking higad" sabi ko kay Saturn, napatawa naman sya.
Ngayon lang ako nakakita ng real life na higad, ang landi eh, at kung makamake-up, sus wagas na wagas, at ang suot mini skirt and sleeveless, anong kadramahan yan teh, kinulang ka sa tela, dami sa bahay, bigyan kita.
"ahahahaha, girlfriend mo?" akalain mo yun, may girlfriend pala tong mokong na to at higad pa.
"bakit, selos ka?" ewww, as if na magselos ako.
"mukha mo, bakit ako maseselos, ahahah, nakakatawa talaga" mukha silang ewan nung babae.
"babe, who's that girl? wow, englishera.
"the girl has a name and that's Betsy" sabi ko, wow umeenglish na din ako.
"ahm, betsy? What's funny?" funny? Your face, hahaha, joke lang.
"hahaha wala, pero seryosong tanong miss ha, Anong nagustuhan mo sa abnormal na yan?." Possible palang may magkagusto dyan sa kabila ng kasamaan ng ugali.
"what the hell are you talking about?" hala, galit na si ate.
"anyway miss, condolence nalang." Sabi ko dun sa babae. Daig pa niya ng nagluluksa, kapag araw-araw niyang kasama si abnormal.
"uwi na ko, hahaha, counterclockwise na ata ang ikot ng mundo, nagkakahimala na eh, hahaha" sabi ko.
"hoy, baka maholdup ka."
"okay lang, may wallet na ko oh" tinaas ko yung wallet ko. "may ibibigay na ako sa holpdaper, hindi na nakakahiya"
"baliw ka talaga"
"same to you"
___
Nakakatamad naman, wala akong magawa.
Beep, beep (message tone yan, hindi po yan karneng baka, ngeks, nagjoke)
SATURN/Mongoloid/abnormal/: hui, babaeng malas.
Well, well, well, My enemy, nemesis, advensary, opponent txted me in the middle of the night. Mahaba talaga ang name niya sa contact ko, sa tuwing naiinis ako sa kanya, nadadagdagan pa yan.
Reply: What do you want?
SATURN/Mongoloid/abnormal/: mag review ka na, may retake quiz tayo bukas
Reply: ay oo nga pala, magreview ka na din.
SATURN/Mongoloid/abnormal/: ayoko nga, pakopya nalang ako.
Reply: tamad ka talaga kahit kailan.
SATURN/Mongoloid/abnormal/: basta patulad ako bukas.
Reply: bahala ka sa buhay mo, mangamote ka bukas sa quiz. Mongoloid ka.
SATURN/Mongoloid/abnormal/: is that your way of saying goodnight?
Reply: mukha mo.
SATURN/Mongoloid/abnormal/: well then, goodnight. Sana mapanaginipan mo ko. Hahaha
Reply: ayokong bangungutin. Wag nalang.
SATURN
Nak ng, wala akong masagutan dito. Mabuti nalang at iniwan kami dito ni maam sa Library para dito magretake ng exam.
"hoy Betchay, patulad naman"
"ahaha, ayoko nga, mag please ka muna"
"ang sama mo, sige na please"
"kasalanan mo yan, puro kalandian ang inaatupag mo, nakipagdate ka pa kagabi, ayan tuloy, ano ka ngayon, hahaha"
"the world does not revolve around you Betchay, let me tell you something Ms. Lim, the world is a sphere"
"i know, the world is a sphere and we're the point at the perimeter which mean we are equidistant to the center"
"wow, ang galing galing, palakpak na tayo, oh sya, patulad na ako"
"basta libre mo ko mamaya"
"sige na libre na kita, mukha kang libre"
AFTER EXAM
"Saturn, 1 + 3?" tanong ni betchay habang naglalakad kami palabas ng school.
Kakatapos lang namin maglinis ng Storage Room
"tanga ka ba edi 4" ano ba namang tanong to, pang grade 1 eh.
"eeeeh, mali" ako pa ang mali. nakaform yung dalawang daliri nya na x.
"bakit, anong sagot ha" tao ba talaga itong kasama ko, mukhang ewan eh.
"edi B" pano naman nangyari yun?
"kasi diba 1+3 (13) pag pinagsama mo edi B, ahahaha"
"yung totoo? Ilan ang IQ mo?"
"bad ka talaga, sige eto nalang, use LBC and MNLF in a song"
"sige ano nga?"
"edi, LBCDEFGHIGKMNLFOP, hahaha, aminin mo natawa ka" kumanta lang naman sya ng Alphabet Song, parang may sapi.
"hulaan ko kung anong araw ngayon" sabi ko.
"ano?"
"araw siguro ng mga Mais, corny mo eh" sarcastic na sabi ko.
"hahahaha, infairness, bumenta sakin yung joke na yun" sumasakit na ulo ko sa babaeng ito.
"shunga ka talaga, hindi yun joke" tumingin ako sa langit. Alam ko na kung bakit sya nagkakaganyan, kabilugan pala ngayon ng buwan.
"ano na? San na yung libre ko?" ay oo nga pala, nakalimutan ko na yun ah, ang kulit kasi nito.
"ang takaw mo, kakakain mo lang kanina, kakain ka na naman"
"pakialam mo ba? Basta libre mo ko"
Pumunta kami sa isang Ice cream parlor.
"anong flavor ng ice cream mo?"
"fragaria ananassa" ano namang pinagsasasabi nito.
"ha? ano daw?" naging alien na ata.
"hahaha, joke lang, Strawberry yun, scientific name" hmp, may sapi talaga to.
"oh, ayan na" inabot ko sa kanya yung ice cream.
"thanks" sinimulan na nyang kumain,
"wow, ang sarap naman nito, as in sobrang sarap"weird girl alert, weird girl alert. "tamang-tama ang paghahalo ng milk, sugar at strawberry, pati paraan ng paghahalo counter clockwise, hahaha" jusko, hanggang kailan ba ito baliw?
*insert ringtone here* (free ang imagination kung anung ringtone ang gusto niyo)
Calling Nico...
"pre, iligtas mo ko, may nababaliw na babae dito"
-haha, nagtaka ka pa, kabilugan ng buwan ngayon"
And that's explains why...
BINABASA MO ANG
You + Me= Syntax Error
Teen FictionWHAT BETCHAY THINKS ABOUT SATURN... >Stupid >trouble >abnormal >brainless jerk >arrogant WHAT SATURN THINKS ABOUT BETCHAY.. >walking disaster >trouble maker >clumsy >hard-headed >annoying >childish pag pinagsama silang dal...