CHAPTER 7- THE NEW GUY

333 20 6
                                    

"nakakainis ka naman eh, ayaw nga kitang katabi, si Acel ang gusto ko eh" sabi ko kay Saturn,  nandito kami sa bus papunta sa Student's Camping namin sa Tagaytay, for fourth year students only.

"wala kang magagawa dahil ito ang seating arrangement, it's like serendipity, we're meant to be, hahaha." sabi niya.

Nakalimutan ko, LEE nga pala sya at LIM ako. Nakakainis talaga to, napakakulit.

"serendipity mo mukha mo, hindi ako naniniwala sa serendipity, at kung ikaw lang din naman ang soulmate ko, naku, pakamatay nalang ako, hahaha" ewww ha, san nya nakukuha ang ganyang idea.

"hahaha, ang cute mo talaga Betchay"

"tagal na, kaya shoo, kausapin mo nalang yang bintana, at ako ay matutulog na"

Bakit ba katabi ko to, si Acel ang katabi si Dylan, wala naman syang magagawa, sigurado akong sura mode na yun.

Nagtxt ako kay Acel "Cel, i misyu, ayaw ko sa katabi ko."

Nagreply naman agad sya. "misyu2, ayaw ko din sa katabi ko"

Parehas kami ng kapalaran, isang masaklap na kapalaran.

_____________________________

"hoy, gising na.... Betchay baboy gising na dyan" ano ba naman to, istorbo sa pagtulog ko eh.

Minulat ko ang mga mata ko, at bumungad ang pagmumukha ni Saturn sa harap ko.

"petchay ka naman oh" nagulat naman ako, akala ko gwapong nilalang, abnormal na nilalang pala.

"tao ako, hindi petchay, saka punasan mo yang laway mo, nagtutulo, hahaha, nagagwapuhan ka sakin noh?" pinunasan ko ang bibig ko.

"kainis ka, wala namang laway ah"

"tara na, kanina pa bumaba yung iba"

"ah, nandito na tayo?"

"ah wala, panaginip mo lang ito, tulog ka ulit" napakasarcastic naman nito.

"aray" binatukan lang naman nya ako.

"oh ano, gising ka na?, tara na dun"

"okay fine" sagot ko, kainis na naman ito. Kinuha ko na ang mga gamit ko. Infairness, may kabigatan. Kaunti lang naman, isang luggage bag, isang backpack, isang handbag at tent bag.

"naglayas ka na? Di ka na uuwi sa inyo? Bakit ang dami mong dala?" tanong niya sa akin, napakaungentleman, di manlang ako tulungan.

Nasan na ba si Acel? nawala na agad.

"dami mong tanong, kung tinutulungan mo nalang ako"

"ayoko nga, kasalanan mo yan, dami mong dinala, siguro may dala ka ring rice cooker"

"ang why would i bring a rice cooker?" oha, umeenglish ang ate nyo.

"because you're weird, hahaha"

"ang bad mo, patulong na nga kasi"

"a-yo-ko"

"edi wag, bad ka talaga, tse, madapa ka sana, una mukha"

Talagang iniwanan ako nitong mokong na ito, hindi na naawa, may flavor kaya ang daan, Rocky road. Ang hirap hilahin ng luggage bag ko, ang bigat pa ng bag ko.

"miss, tulungan na kita" sabi nung gwapong lalaking lumapit sa akin, wow naman, may good effect din naman pala ang pang-iiwan sa akin ni Abno (short for abnormal).

"ay, thank you very much, ang bait bait mo kuya" kinuha na niya yung mga dala ko. Hindi manlang sya nahirapan. Hindi katulad ni abno na ang bading bading.

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon