Rob's POV
Hindi ako makatulog. It's been 3 days ng mawala siya. No text, no calls."Arrgghh" nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa inis. Nandito nga pala ako sa bahay ni Ian.
"Hey bro! Here's your coffee. You know what wag ka mag-alala kay Love baka nasa kanila lang yun. Tinawagan mo na ba si Tita Len?"
"Actually hindi pa eh. Alam mo Ian! You're a genius. Thank you."
"You're welcome bro."
Agad kong tinawagan si Tita Len sa bahay nila.
Ring... ring...
Isa pa.
Ring... ring...
"Good morning, Mendel's residence." Pamilyar ang boses.
"Yaya Chayong! Si Rob po 'to nandyan po ba si Lovely?"
"O, hijo ikaw pala. Si Señorita ba? Wala s'ya dito."
"A, ganun po ba? kung sakali pong tumawag si Lovely paki-contact n'yo po ako agad. Sige po salamat po."
Hay nasan ka na ba Lovely?
FLASHBACK
(Young Lovely and Rob)"Rob hahanapin mo ko kahit san ako mapunta ha?"
"Oo naman Bovelytot!"
"Stop calling me Bubblytot! It's Lovely. Okay? L.O.V.E.L.Y"
"You are my Bovelytot! Ok?"
"Ouch! Stop it! It hurst!"
"Hahaha" kinurot ko kasi ang pisngi niya.
"You brat!"
"Hahaha"
*End of Flashback*
"Huy Rob gising. Nananaginip ka. Tumatawa ka pa"
"Ha? Nasan ba ko?"
"Nandito ka sa bahay ko bro, it seems that you are not able to go home. Nakatulog ka kanina d'yan sa sofa. I don't bother to wake you up sobra ang pagod mo."
"Tol ano ba tong nararamdaman ko? Bakit hindi siya mawala sa isip ko"
"It's Love dre! P.A.G - I.B.I.G! Hahaha"
"Shut up Ian! Alam mong hindi pwede he likes someone else."
"Paano mo naman nalaman? In denial stage ka bro."
"I ask her..."
FLASHBACK
"Bovely pwede ba magtanong?""Nagtatanong ka na." Sagot niya habang nagta-type.
"H'wag na nga! Basag trip ka eh."
"Hahaha ano ba kasi 'yon?"
"Na-in love ka na ba?" Napatigil siya sa tanong ko pero bumalik ulit sa ginagawa niya.
"Hahaha ano bang tanong yan? Oo naman noh? Ano ako? Ikaw?"
"Ehh? Hindi ko ata alam 'yon? Sino 'yon ha?"
"Hahaha malalaman mo rin." Tumingin muna s'ya sa akin at sinabing.
"SOON."
*End of Flashback*
"Hahaha curious ka kung sino yun noh?" Nang-aasar na tanong ni Ian.
"Ewan ko sa'yo!" Binato ko siya ng throwing pillow sa mukha.
"Hahaha"
"Ano ba niluto mo?" Tumayo na ako at pumunta sa kusina, mula doon ay rinig na rinig ko pa rin ang tawa ni Ian.
"Hahaha pikon! Meron d'yang pizza at soda." Sigaw niya.
Hindi talaga marunong magluto ang taong to. Sagana sa order sa fastfood chain. Magluluto na lang ng biglang naalala ko s'ya. Nung time na pinaglinis niya ako ng bahay ko.
"Hoy Robinhood! Ang kalat ng kusina mo. Maglinis ka nga."
Napangiti na lang ako.
"Where are you?" Bulong ko sa sarili ko.
Author's Note
Hi! Guys thank you ng marami sa mga bumasa ng first part. Thank you sa pag-appreciate ng story na 'to, so overwhelming sa pakiramdam. Pasensya na po sa mga grammatically incorrect sentences na nakita n'yo. Thank you ulit goodnight 😙😙😙
