(Please listen to the MV; credits to the owner)
Third person
Hindi na alam ni Rob ang gagawin sa pagkawala ng matalik na kaibigan. Laging puyat at wala sa sarili. Hindi makapag-ayos ng tama at laging nakatingin sa kawalan."Sayang naman si Kuya, gwapo kaya lang mukhang nasiraan ng bait."
"Oo nga eh friend. Tara na umalis na tayo."
Tiningnan n'ya ang kanyang sarili. Mukha na nga siyang madungis, nangingitim ang ilalim ng kanyang mapupungay na mga mata, hindi nakaayos ang necktie at tulala.
Tumayo siya at naglakad-lakad hanggang sa umabot siya sa may dalampasigan. Wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad habang binubulong ito sa sarili...
"Sana inamin ko na sa'yo matagal na."
"Sana hindi ka ngayon nawawala."
"Sana... sana..."
"LOVELY! (li-li-li) kung nasan ka man ngayon (on-on-on) gusto kong malamang mo (o-o-o) na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA (a-a-a)."
Buong puso niyang ipinagsigawan ang kanyang nararamdaman kahit na maraming mga mata ang nakamasid sa kanya. Ang iba ay humanga. Ang iba naman ay natakot sa pag-aakalang nababaliw na siya. Hindi pa rin siya nagpatinag. Patuloy niyang hinanap si Lovely kung saan-saan...
Lilac's POV
Papunta ako ngayon sa opisina ni Rob at pagdating ko ay nakatungo siya sa table."Dito ba siya natulog? O nakatulog? Sabi ko na kasi ako na gagawa ng report ayan inumaga na naman ba siya dito?"
Author's Note
Hi guys una sa lahat Thank you sa pagbabasa labis akong nagagalak at binabasa niyo ang story. Pangalwa yung nasa parentheses po ay echoes po yun hehehe ^-^v. Pasensya na po kung maikli ang update exclusive po ang part na 'to kay THIRD PERSON eh. Lastly just want you to know na malapit na po s'yang matapos. Love you all <3 <3 <3PS.
Nasan na ba si Lovely? We'll find out SOON.
