PART EIGHT: ENDING

13 0 0
                                    

Dear Pangit,

Sa malamang kapag nabasa mo na ito nakasakay na ako ng bus.

Hindi mo ako masisigawan o mababatukan.

Uso pa pala ang magsulat ng diary ngayon.

Oo nabasa ko iyang diary mo, lahat lahat.

Ikaw ah may gusto ka pala sa akin hindi mo sinasabi.

Sabi ko na eh you cannot resist my charisma. Hahaha!

Sorry hindi ko napansin na matagal ka ng nasasaktan.

After 8 years siguro ako babalik ng bahay.

Sorry nagsinungaling ako na kada summer break uuwi ako.

Sorry hindi kita masasamahan sa West Academy.

Sorry hindi kita kinausap sa bagay na ito.

Alam ko napakaharsh ko last month na hindi kita kinakausap.

Naitulak pa kita at nabunggo ng sasakyan.

Sorry wala akong nagawang nakapagpasaya man lang sa iyo.

Sorry pinaiyak kita.

Alam ko nasosobrahan na ako sa kakapikon sayo.

Sorry na.

Sorry sa lahat lahat.

Hoy pangit huwag kang iiyak hindi pa tapos.

Hindi ko alam kung hanggang saan mo ako mamahalin.

Hindi ko din alam kung pagbalik ko ako pa din ang andyan sa puso mo.

Hindi ko alam kung kaya kitang pasayahin.

Hindi ko alam kung ako pa rin ba magpapangiti sayo o iba na.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nasa kamay ka na ng iba.

Ang tanging alam ko lang mahal kita.

Alam ko bawal.

Alam ko hindi pwede.

Alam ko may limitasyon.

Alam ko maraming manghuhusga pati na magulang natin.

Pero Erika Jewel Sarmiento kapag after 8 years ako pa din pwede bang maging tayo na lang?

Ako na lang?

Hindi kita gustong paghintayin.

Gusto ko lang malaman kung kahit magkalayo tayo ako pa din ba.

Mahal kita! Mahal na mahal at sana ako na lang.

After 8 years, Erika Jewel Sarmiento will you be my bride?

AKO NA LANG!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon