One: Karma Is Everywhere, No Kidding

110 4 1
                                    

My Bad-boy Angel

Chapter One

“Xander! Xander! Xander!” Narinig ko nakakabinging sigaw at palakpak ng mga taong nasa paligid ko. Naghihiyawan sila na para bang may artistang lumalakad sa harap nila. Kung sa bagay, artistahin din naman ako. Ngumiti ako ng parang demonyo at sinuntok pa ng isang beses ang Head Teacher ng Academy.

“Mr. Alexander! You better stop this instant or I’ll-“ Sabi ng gurong dugong-dugo na. Nakahandusay na sa sahig ang guro. Sa lagay niyang iyan, nagawa niya pang magbanta ah. Siraulo talaga ang mga guro dito. Natawa lamang ako sa sinabi niya.

“Or you’ll what?” Hamon ko, sabay tadyak sa kanya. “Send me to the Principal’s Office? Expel me from the school?”

Binigyan niya ako ng naiiritang mukha at nagbukas ng bibig niya. Pagkabukas nito, umubo siya ng dugo. Ngumiti ako at natawa.

“Ano? May sasabihin ka?” Sabi ko, sabay luhod at lagay ng kamay ko sa tenga ko para tipong gusto kong marinig ang sasabihin niya. Parang gusto niya ako sigawan, pero hindi niya kaya. Kung mabait lang ako, dinala ko na siya sa Clinic. Sorry siya, hindi ako mabait. Demonyo ako.

“Tch.” Sabi ko at sabay tayo. Tinaas ko yung kamay ko, sabay hiyawan lahat ng tao sa paligid ko. Ngumiti ako, at tiningnan ang naiiritang Head Teacher namin.

Ako nga pala si Alexander Fernandez, ang hari ng Empire Academy. I’m a 4th year high school student, who has been retained for three years.The bad-boy who can do anything and everything he wants. I’m the richest, most popular and the filthiest among all the students. Nakita niyo naman na, di ba?

Lumapit yung best friend ko, si Jamie Reyes, at hinawakan ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niya ay parang nagmamakaawa na pumigil na ako.

“Saglit lang ha? Gusto ko itong sira-ulong ito ang magmakaawa sa akin.” Sabi ko, sabay tingin sa teacher. Aba, wala talaga. Kung sa bagay, hinimatayan na ata yun eh. Tinandyak ko nalang, para siguraduhing nahimatay na nga.

“Sige, Jam, halika na.” Sabi ko, habang nagpapagpag ng aking kamay at nag-ayos ng aking uniporme. Napabugtonghinga si Jam at sabay nagpaalis ng mga bystanders.

“Pwede ba, Xands, wag ka nang mambugbog ng tao?” Bigla niyang sabi sa akin habang lumalakad kami sa field ng Empire Academy. Tumingin lang ako sa kanya.

“Ayoko nga. Iisipin nila na duwag ako.” Sabi ko, na para bang walang pake. Sumimangot siya.

“Concerned lang kasi ako sayo, Xands. Baka makarma ka eh.” Sabi niya, na may nag-aalalang tono sa boses niya. Tiningnan ko siya na para bang baliw siya at tumawa ako.

“Hindi naman totoo ang karma, pare. Kung totoo yan, edi dati pa sana ako nakarma.” Sabi ko. Hindi to yung unang beses na nag-alala sa akin ang best friend ko. Totoo nga naman. Halos pang-limang beses na ito sinabi ni Jam sa akin, at hangang ngayon, wala pa ring karma.

Jaime is my right-hand man. He’s the school’s Casanova and the best athlete among all the students. We’ve been best friends since we were Kinder and believe me, he is a huge worrier. I swear. He always worries about the smallest things, like if he looked good enough or not. From his hair to the color of his shoes, he needs to be perfect. Medyo nakakairita pero nakakatuwa din kasi pwede kong sabihin na bakla siya.

“Whatever you say, pare. Basta, wag mo nang gawin, ayoko na masaktan ka.” Sabi niya, habang nakatingin sa akin. He placed his arm on my shoulder and he gave me a worried stare. Aish, kulang nalang halikan niya ako  at sabihing bakla na siya sa akin eh.

“Dude, are you gay?” Sabi ko, naiirita sa alala niya. Namula siya.

“Ano ba Xands! Seryoso na nga eh! Pepektusan na talaga kita!” Sabi niya, hindi tumitingin sa akin.

I nodded, yawning slightly to myself. Today was boring. Si Head Teacher lang ang nabugbog ko ngayon.

I’ve beaten up so many people. From the nerds to the teachers to the thugs outside the school. I didn’t give a damn about those people. Sagabal lang sila sa mundo,wala namang may pake sa kanila eh. They deserve to die.

“Hindi naman talaga totoo ang karma.” Sinabi ko nang mahina. Napatingin ako sa kanya at para bang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya masabi. Nanahimik nalang ako kasi bihira lang naman si Jam manahimik eh.

Tumingin ako sa paligid ko upang makahanap ng taong pwede kong pagtripan. Ngumiti ako at hinakbayan si Jam.

“Hey Jam! It’s Miss Weirdo!” I said, pointing at the nerd who was sitting by the bench. Palagi ko siyang tinatawag na Miss Weirdo. Palagi siyang mag-isa, palaging nag-aaral, at madalas para bang may kausap pero wala naman. Linapitan ko siya, tumatawa. Hinablot ko ang librong binabasa niya, at tiningnan ito.

“Ano ito, hm?” Sabi ko, sabay basa sa mga nakasulat. Nakita ko na may Dear Diary na nakasulat. Natawa ako. Grabe talaga, uso pa pala ang mga diary ngayon?

“Xands, tigil na…” Sabi ni Jam sa akin. Napabugtong-hininga ako. Ito nanaman siya, magiging Prince Charming para may makatulog nanaman siya mamayang gabi. Tapos sa dinami-daming tao, itong babae pa?

“Ayoko nga! Babasahin ko pa ‘to!” Sabi ko, sabay simula sa pagbasa sa mga diary entry. Biglang hinablot ni Jam ang libro mula sa kamay ko at binigay ito kay Miss Weirdo.  Pagkatapos, hinawakan niya ako at sabay dala papalayo sa babae.

“Ano ba yun Jam!” Sabi ko, galit na galit, nung bumalik na si Jam.

“Wag mo nang pagtripan yun. Wala namang ginagawang masama eh.” Sabi niya sa akin, habang nakasimangot. Hay nako, nakakairita naman oh! Tumalikod ako sa kanya, sabay lakad papalapit ulit sa babae.

Bigla nalang tumunong ang kampanilya ng Academy. Argh! Ano ba naman yan! Pagtingin ko bigla nalang lumayas yung babaeng iyon. I clenched my fists. Aish, ayoko na nga magklase, badtrip na ako eh.

“Nakakairita!” Sabi ko, sabay sipa sa maliit na bato sa harap ko. I heard Jam sigh, at tumingin ako sa kanya.

“Ayoko magklase. Sabihin mo pumunta ako ng Starbucks.” Sabi ko sa kanya. Yes, Starbucks, medyo rich kid ako eh. Pake mo naman? Tumalikod ako kay Jam at lumakad paalis.

He didn’t stop me anymore, because he knows it won’t work.  Kaya lumabas na ako ng gate ng Academy, at tumawid papunta sa harapang Starbucks. Syempre, tumingin ako sa parehong direksyon at wala namang katao-tao. I sighed and walked across the road.

Nakakainis na ang mundo.

Ayoko na.

Gusto ko nang mamatay.

I hate my life.

Bigla akong nakarinig nang isang malakas na pito. Isang malaking trak ang dumeretso sa akin na galing sa kanang direksyon. Lumaki ang aking mata, at bigla kong naramdaman ang lakas ng impact ng truck.

Potang-inang karma.

><><><><

A/N: Sana po na-enjoy ninyo! Haha, sorry po kung medyo mabagal! Thank you so much sa votes, adding to your Reading Lists and comments! Hope you'll support this book to the end! :D

Tsa nga pala, many thanks para sa movie poster!

My Bad-Boy AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon