Two: Just One Chance To Make It Right

36 0 0
                                    

My Bad-boy Angel

Chapter Two

Nang nagkamalay na ako, bigla nalang nagpakita sa akin ang iba't ibang imahe na hindi ko kayang ipaliwanag. Yung tipong nakakakilabot at wala ka talagang masabi tungkol doon. Mayroong isa na nakita ko na para bang libing ko na at nagmimisa ang isang pari. Mayroong isa na umiiyak ang mga magulang ko at kasama na dun si Jam. Hindi ko maintindihan pero tumaas ang mga balahibo ko dun.

"Alexander S. Fernandez," isang malalim at napakalakas na boses ang tumawag sa akin. Napatalon ako. Paano? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nakakagalaw ako nang normal. Na para bang walang nangyaring hit-and-run. Tumingin ako sa paligid ko, ngunit hindi ko makita kung saan ito nanggagaling. Ang nakita ko lamang ay isang napaliwanag na ilaw na pumapalibot sa akin. Nang hindi ako makaimik, tumuloy ang boses.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" Sabi nito. Natahimik nalang ako. Alam mo ba yung feeling kapag nanonood ka ng PBB tapos nandun ang paborito mo sa Confession Room? Alam mo yung feeling na pinatawag ka sa Principal's Office at ayaw sabihin sayo ang rason? Ganun ang feeling. Napalunok ako. Hindi ako natatakot sa mga tao, maliban nalang kung nanay ko sila o ganito sila makipag-usap.

"Hindi? Ah, edi sasabihin ko na sa iyo, para makasimula ka na din sa misyon mo." Wika ulit nito. Napalunok nalang ako. PBB nga ata to. Big Brother naman, wala nang suspense. Sabihin mo na. "Patay ka na."

"Ano?" Napasigaw ako bigla, bago ko man mapigilan ang sarili ko. I felt my hand clench into a fist. Medyo napipikon na ako dito ah. Nagsalita ulit ang boses.

"Patay ka na. Ngunit, hindi ka pwedeng maging anghel."

"Bakit naman hindi?"

"Masyadong marami ang ginawa mong kasalanan dito sa mundo." Napatahimik ako dito. Ito na ba ang karma na sinasabi? Ito na ba si God? Dadalhin na ba ako sa impyerno? Grabe, ang init na nga sa Pinas at hindi ko na kaya, sa impyerno pa? Grabe naman ata yun.

"Ngunit, hindi ka din masyadong masama kaya hindi ka pwedeng pumunta sa impyerno," sabi nito na para bang nababasa ang nasa isip ko. I let out a relieved sigh. Good. Very good. Tama yan! Ngunit hindi pa tapos si God, "kaya bibigyan kita ng misyon."

Ay, may karugtong pala. Sige, kaya to ko. Psh, si Alexander Fernandez pa!

"You need to learn the true meaning of happiness. You need to learn how to have warmth in your heart. Once you accomplished that, only then will you be an angel." Sabi nito. Teka, ano? Nag-English pa si God eh, kaya medyo nalito ako.

"Wait, how will I know if I'm done?" Tanong ko, medyo nalilito pa rin sa pangyayari. Happiness? Heart? Ibig ba sabihin, hindi na ako pwedeng maging bad-boy?

"Eto, tutulungan na kita: isang babae at isang lalaki" Sabi ng boses. Napakunot ang noo ko.

"Anong isang babae at isang lalaki?" Tanong ko. Halata sa mukha ko na naguguluhan ako.

"You'll know. Kilala mo naman sarili mo, di ba? Mararamdaman mo yan." Sabi niya. Bago pa man ako makaimik, biglang lumiwanag ang paligid ko. Halos mabulag ako sa lakas ng ilaw, kaya napapikit ako ng mata ko.

><><><><

Nang namulat ko na ang mata ko, ngumiti ako. Sabi na nga ba na panaginip lang yun eh. Nakahiga ako sa kama ko at nakita ko na nandun ako sa sarili kong kwarto. Napabugtong-hininga ako. Masaya akong panaginip lang iyon at hindi ko kailangang gawin ang kung ano-ano.

"Screw that." Binulong ko sa sarili ko, habang tumayo ako sa kama ko. Inayos ko ang buhok at damit ko. Huminga ako nang malalim at lumabas ng kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bad-Boy AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon