KABADONG sumakay ng buss si Mizzy patungong Davao airport. Ng tuluyan siyang makasakay ng buss ay bahagya pa niyang nilingon ang kinalakihang lugar. Lumaki si Mizzy sa pangangalaga ng kanyang lola ngunit ng sumakabilang buhay ito kamakaylan lang ay saka naisipan ng dalagang maghanap ng matinong trabaho. Alam niyang hindi sapat ang kinikita niyang pera sa pagiging treasurer sa kanilang barangay at pagiging tindira lang sa coop na pag-aari ng kanilang kapitan.Gustuhin man niyang mag-aral ng kolehiyo ay hindi niya magawa. Dahil hindi sapat ang naiipon niyang pera para tustusan ang pag-aaral niya, kaya natigil siya ng pag-aaral. Kung hindi siguro dahil sa lola niya ay baka isa na siyang pariwarang babae.
Nang maalala niya ang kanyang lola ay hindi niya maiwasang hindi maluha. Ang lola kasi niya ang nagtaguyod sa kanya mula ng siya ay isilang ng kanyang ina. Ayun sa kwentong naririnig niya ay nabuntis daw ang kanyang ina ng isang Korean-Pilipino na business man pero hindi pinanagutan ang kanyang ina. Dahil sa wala naman daw siyang kasalanan ay kaya itinuloy siya ng kanyang ina sa pagbubuntis hanggang sa masilayan nga niya ang liwanag ng mundo. Yun nga lang makalipas ang ilang buwan ay iniwan din siya ng kanyang ina at nagtungo ito ng ibang bansa. Kaya ang lola na lang niya ang naghanapbuhay at kumayod mabuhay at matustusan lang ang pangangaylangan niya. Hindi na kasi siya binalikan ng kanyang ina. Kaya ng magkaisip siya at tumungtung ng paaralan ay puro pangungutya ang inabot niya noon dahil sa wala siyang magulang na maipakita sa tuwing kailangan ang magulang sa paaralan. Pinagtiisan niya ang pangungutya ng ibang kabataan sa kanya hanggang natotoo siyang lumaban.
Natigil lang sa pagmuni-muni si Mizzy ng tumunog ang mumurahin niyang tawagan. Sinaunang cellphone pa ang ginagamit niya kung tutuusin. Ang iba kasi ay iphone, Samsung Galaxy ang karamihang mga gamit e siya pinag iingatan niyang wag masira ang Nokia 2310 niyang cellphone.
Agad nitong sinagot ang tumatawag ng mapagsino ito. "Hello, manang napatawag po kayo?" Bungad niya ng sagutin niya ang cellphone.
"Ay! Neng, kinukumusta lang kita. Nasaan kana ngayon, nakuha mo ba ang perang pambili mo ng plane ticket?" Anang kausap niya.
"Opo, maraming salamat po talaga manang huh! Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." Anito.
"Naku! Wala yun Neng, napakabuti ng lola mo sa'kin. Kaya kahit ito man lang ay matulungan kita kahit papano." Saad nito kay Mizzy. "Yun nga lang e pagpasinsyahan muna Neng at kasambahay lang ang maibibigay kung trabaho." Dagdag pa ng matanda sa kanya.
"Okey lang po yun manang, mabuti nga po at kahit papano e magkakaroon ako ng trabaho at makapag-ipon ako, baka sakali po e makapag-aral ako ng koliheyo sa susunod na taon." Naka ngiti nitong turan sa kausap.
Nang malaman kasi nitong sumakabilang buhay ang lola niya ay agad siyang tinawagan nito. Kinausap siya nito na kung gusto ba daw niyang pumunta ng Maynila at magtrabaho kahit sa bahay man lang daw. Natuwa naman siya sa inalok nitong trabaho sa kanya. Ayun narin sa narinig kasi niya ay mababait na pamilya ang pinaglilingkuran ng matanda. Matagal nang naninilbihang kasambahay sa Maynila si aling Clara. At parang kapamilya na daw ang turing sa kanya ng mga amo niya. Kaya kampante si Mizzy na tinanggap ang alok sa kanya ng ginang na trabaho.
"Wag kang mag-aalala, Neng. Mabait naman ang magiging amo mo. At kapag maayos ang trabaho mo ay sigurado akong matutulungan ka nun para mag-aral sa magandang paaralan dito sa Maynila." Anito kay Mizzy na kinangiti ng dalaga.
"Sana nga po, manang." Pagsang ayon nito sa tinuran ng kausap.
"Oh! Siya mag-iingat ka sa byahe, Neng. Ipapasundo na lang kita kay Tyrone kapag dumating kana ng Maynila. Itext mo lang sa'kin kung anong oras ka darating ng NAIA." Anang kausap ni Mizzy.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Me(Completed)
RomanceZANE TYRONE JAVIER(GSB-7)-One of GSB. Saksakan ng kapilyohan at kilalang playboy. "I'm Zane Tyrone Javier and you know who I am." Written By: WILD AMBER