Chapter 15

28.2K 739 8
                                    

HABANG nanonood ng TV si Shun ay bigla itong ipinatawag ni Jae-Hwa. Wala itong kaalam-alam sa maaring mangyari kung bakit siya pinatawag nito.

"Shun, pinapatawag ka ni boss." Anang isa sa mga taohan ni Jae-Hwa.

"Bakit daw?" Takang tanong niya dito.

"Hindi ko alam." Sagot nito sa tanong ni Shun. Kaya nagkibit balikat lang ang binata na tumalima. Agad nga itong nagtungo kung saan si Jae-Hwa.

"Pinapatawag mo daw ako boss?" Anito ng marating niya ang kinaroroonan ni Jae-Hwa. Nakatalikod ang ginoo habang humihithit ito ng tabako.

"Oo, dahil may gusto akong malaman. Dahil ayaw kong tinatraydor ako ng mga tauhan ko lamang." Anitong may diin ang pagkakasabi. Naguguluhan naman si Shun na nakikinig sa tinuran ng ginoo.

"What do you mean?" Kunot noo nitong tanong kay Jae-Hwa.

"Anong pinag-usapan niyo ni Sandy kagabi?" Anitong nagtaas ng boses.

"Nothing!"

Sagot nito. Ngunit agad din napaigik si Shun ng tamaan siya ng suntok mula kay Jae-Hwa sa tiyan.

"Ang pinakaayaw ko ay pinagsisinungalingan ako. Kaya inuulit ko, anong pinag-usapan niyo?" Pag-uilit niya dito ng tanong.

"W-wala kaming pinag-usapan." Mariin nitong tanggi. "Ouch!" Muli itong napaigik ng sikmuraan siya ni Jae-Hwa ng hindi niya napaghandaan.

"Pinakaayaw ko sa lahat ay pinapakialaman ang bawat plano ko." Anito kay Shun. "Ikulong niyo yan, wag na wag niyong palalabasin. Maging ang tawagan niya ay kunin niyo." Utos nito sa mga tauhan. Agad naman nila itong sinunud.

Walang nagawa si Shun nang bitbitin na siya ng mga tauhan ni Jae-Hwa. Halos habul nito ang paghinga dahil sa ginawa sa kanya ng lalaki.

SAMANTALA gaya ng tinuran ni Tyrone ay nagpahatid lang siya ng breakfast nila ni Mizzy sa kabigan nito. At bago siya pinagbigyan ni Mark ay ininterview pa siya nito kung ano ang nangyari at nagpapahatid siya ng breakfast nila ni Mizzy. Kaya wala itong nagawa kundi ang umamin kay Mark. Kung kaharap siguro niya ito ay malamang kaylapad ng ngiti niya sa kanya.

Hanggang sa lumipas ang araw ay mas ipinasya na lang ni Tyrone na manatili sila sa bahay. Hindi muna ito pumasok sa trabaho. Dahil mas gusto niyang makasama sa bahay ang nobya, isa pa wala din siyang planong mahiwalay dito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit habang tumatagal ay mas lalo ata siyang nababaliw sa pagmamahal sa nobya. Siguro nga ganito rin ang mga kaibigan niya. Kaya naiintindihan na niya ngayon kung bakit minsan ay nagiging OA na ang mga ito at over possessive na dahil yun sa pagmamahal nila. Dahil kung ihahalintulad siya sa mga ito ay ganun narin siya ngayon. Ayaw niyang pinagtitinginan si Mizzy ng ibang lalaki kung nasa labas sila ng nobya. Dahil mas gugustuhin pa niyang hubarin ang damit niya at isuot ito sa nobya ng sa tuwing may titingin na ibang lalaki dito ay siya ang mahuhubaran nila sa kanilang paningin.

"Wala ba tayong gagawin ngayon?" Tanong ni Mizzy kay Tyrone. Bigla naman ngumisi ang binata dahil sa tanong ni Mizzy sa kanya.

"Tst! Siraulo ka talaga, iba naman yang nasa isip mo e." Nakapuot na ani ni Mizzy kay Tyrone.

"Oh! Wala naman akong sinasabi dito, babe ah." Kunwari ay dipensa nito sa nobya.

"Wala nga babe, pero yang tumatakbo sa isip mo ay alam ko na yan. Maghunus dili ka dahil masakit pa talaga ang ano ko." Anitong kasing pula na ng kamatis ang mukha niya. Dahil kahit sabihin pang nobyo na niya ang binata ay hindi parin niya maiwasang hindi mahiya.

Bigla naman natawa si Tyrone dahil sa tinuran ng nobya. Kaya agad niya itong kinabig at napaupo si Mizzy sa tiyan ng binata.

"Babe, naman e. Nanggugulat ka." Anito kay Tyrone sabay tampal niya ng mahina sa dibdib ng binata.

Falling In Love With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon