...

7 2 0
                                    

"Oy, hintay ah!"

"Bilis, Lovely!" Christine said at akmang lalabas na ng classroom. "Mauubusan tayo ng ulam."

"Pero hindi ko talaga makita 'yong wallet ko," sagot ko habang naiinis na kinakalkal 'yong bag ko. 'Asa'n na kasi 'yong pesteng wallet na 'yon? Kung kailang nagmamadali saka mawawala.

"Ay, abilhan ka na lang namin," Cyville said at hinatak na si Lovely palabas ng room. Pagkatapos ay tumakbo na sila paalis bago pa ko makaangal.

Patay. Last time na sila ang bumili ng ulam ko, 'yong putahe pang hindi ko kinakain ang binili nila. After that, hindi na ulit ako sa kanila nagpabili. Susunod na sana ako sa kanila pero napabangga pa ako sa isang upuan at naglaglagan 'yong mga nasa taas.

Tsk. No choice kaya pinulot ko muna 'yong mga gamit.

I'm Lovely Mae Machete, a third year college student. And those two girls who just left me were Cyville and Christine, mga kaibigan ko.

I can't help but let out a sigh. Ang sama kasi ng schedule namin sa summer class na 'to kaya nagkakaganyan kami sa ulam. Magkakasunod ang tatlo naming klase. Buti nga binibigyan kami ng 15-minute break ng huli naming teacher bago magsimula ang klase. Unfortunately, by that time, halos ubusan na din ng ulam sa mga karinderya malapit sa school kaya pabilisan kami.

Nakabukas 'yong notebook na nahulog kaya hindi ko mapigilang hindi mabasa 'yong nakasulat sa loob.


I'm like a sunflower

And you're like my sun

Wherever you go

I couldn't take my eyes off of you

I think I like you, Zyrene.


Agad kong isinarado 'yong notebook. What the hell. Kanino ba 'tong upuan?

I curiously looked at the chair I bumped into. Adrian?! So... he... Oh my God.

"Machete, anong inagawa mo?"

Dahan-dahan akong napalingon at bumungad sa'kin si Adrian na kumakain ng tinapay.

"N-Nabangga ko kasi 'yong u-upuan mo. Hehe," medyo ninenerbyos na sagot ko sa kanya.

Hindi agad sumagot. I don't know what the hell he's thinking. Mabilis kong ipinatong 'yong notebook nya sa upuan nya at akmang aalis na sana nang tawagin nya ako. Kinakabahang lumingon ako sa kanya. Pakiramdam kong namamawis ang kamay ko.

"'Wag ka agad umuwi mamaya pagkatapos ng klase," he said.

"Eh?"

"May pag-uusapan tayo."

Napatango na lang ako. Alam nya.

Patay.

Pagkatapos ng klase, nagpalam ako kay na Christine at sinabing mauna na sila kasi may gagawin pa ko. Umalis din agad sila pati na din 'yong iba pa naming mga kaklase kaya kami na lang ngayon ni Adrian ang nandito sa classroom.

Tahimik lang kami habang nakaupo ng magkaharapan.

Ang awkward.

"Ipagsasabi mo 'yong nabasa mo?"

"Ha?"

"Ang weird para sa isang lalaking magsulat ng gano'n."

Namumula sya. Pati 'yong tenga nya. First time kong makakita ng lalaking nagba-blush.

[ONE SHOT] Machete, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon