Jomari's POV.
Uwian na namin. Grabe. Ang saya saya ko ngayon!!!!!!! ^__________^
For the First Time nahawakan ko ang kamay ng Crush ko! :">
Thankyou sa Shake hands!!! ^________^V
Teka wait. O___________O
Nasabi ko bang Crush ko si Loraine De Jesus?!?!?! O_______O Ang pinaka weird sa mga kaklase ko at nilalayuan ng mga estudyante dahil nga sa kaweirdohan nya?
OMG. Shtshtsht. sssshhh Lang kayo please!!!! :X
Oo Totoo! :(
Crush ko nga si Loraine. Pero hindi ko rin naman alam kung bakit eh. Alam kong ang weird-weird nya pero iba parin pag nakikita ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ang isang Jomari Pascual na Gwapo, Matangkad, Talented, Macho, At Heartthrob sa School ay inlove sa isang Loraine De Jesus na Hindi naman ganun Ka-ganda, Kaputi, Katangkad At Sobrang weird na tao!
Parang gusto kong maging parte ng buhay nya.
Tuwing nakikita ko ang mga mata nya, nararamdaman ko ang bigat na dinadala nya.
Siguro nga hindi siya ganun ka-open sa mga tao rito sa paligid nya, pero kahit isang tingin lang sa mga mata nya. Hay..
Pero nung narinig ko yung kwento nya kanina?
Naiintindihan ko na kung bakit sya ganun makitungo sa mga tao.
Siguro kaya nga ako nandito para samahan ang malungkot na kagaya nya.
Handa naman akong pasayahin sya e.
Kaya nga natutuwa ako ng sobra dahil may dahilan nako para makalapit at makausap sya.
Gaya ng sabi ko kanina, BestFriend na kami.
At wala nang bawian yon! ^_________________^
------------------------------------
Loraine's POV.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinausap ko si Jojo. [A/N: Jomari/Jojo is the same :) Nickname po nya yung Jojo.]
Hindi ako mahilig mag entertain nang mga kumakausap sakin. pero bat kanina habang kinakausap ko sya, pakiramdam ko nababawasan yung bigat na nararamdaman ko?
Yung feeling na..
Parang nabawasan ng 10 kilo yung 1 kaban ng bigas na bitbit mo.
Hindi malaking kabawasan pero kahit papano nabawasan yung bigat.
Kakaisip ko, hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng bahay namin.
Pero bago ako pumasok ng gate, dumaan muna ko sa tindahang katabi lang naman ng bahay namin at bumili ng 1 kahang yosi at isang bote ng redhorse.
Yes. I have my vices.
Naninigarilyo ako at umiinom.
Natutunan ko ito nung namatay si mommy.
*Flashback*
Nakita ko kasi yung isa sa mga pinsan kong nandun sa burol ni mommy na lumabas at pumunta sa likod bahay.
Dahil sa na-curious ako, sinundan ko sya..
Nakita ko syang kumuha ng lighter at sinindihan yung stick na nakalagay sa bibig nya.
Nagulat ako ng may lumabas na usok sa bibig nya.
Di ko namalayan napausod ako at nalaglag yung paso na nakapatong dun sa may harapan ko.. Kaya naman nabaling ang tingin nya sa kinatatayuan ko.
At dahil nga napatingin sya sa pwesto ko, nakita nya akong nakasilip..
Wala nakong nasabi bukod sa "Hi Kuya Gerald." Nag peace sign pa ko sakanya habang nakingiti. parang ganto oh. ^_______^v
"Tara nga dito. Nagtatago ka pa dyan eh." tawag sakin ni kuya Gerald.
Hindi kami ganong close neto pero ang bait bait nya sakin. Isa sya sa pinakamalapit naming kamag-anak dito kaya naman kilala ko sya..
"Ano palang ginagawa mo dito? Ba't ka nagtAno atago kanina dun sa may halaman?" tanong sakin ni kuya Gerald.
"A-ah, E-eh, Sinundan lang po kita." Nauutal kong sagot.
"Eh bakit mo ko sinundan? ikaw talaga! HAHAHA. Yosi? Gusto mo?"
"H-ha? Yosi po? Anu yun?"
"Eto oh.." Pinakita niya sakin yung stick na gawa sa papel na may sindi sa unahan at umuusok.
"Ano po gagawin ko dyan?"
"Ganto lang oh. lagay mo sa labi mo tas higop ka tas alisin mo tas higop ka ulit konting hangin tapos buga mo na."
"E-eh? Pa-try nga po."
"Sige. Eto oh." inabot nya sakin yung yosi daw then tinry ko. Nung una naubo pa ko pero nung huli hindi na.
Masarap din pala sa feeling kahit medyo mapait. Hanggang sa ayun pinagpatuloy ko na sya tapos Naging bisyo ko na.
*End of Flashback*
Sinindihan ko lang yung yosi ko then pumasok na sa bahay.
Nagulat naman ako nung tumunog yung cellphone ko.
Tinignan ko. May nag text.
From: Unknown Number. +63906xxxxxxx
Hi Bestfriend :)
Si Jojo yun. Alam ko. Ba't ganun? Bumilis bigla yung tibok ng puso ko? O_o
BINABASA MO ANG
Incomplete Me.
Teen FictionGaano nga ba kahirap ang mabuhay ng mag isa? Makakaya mo bang salubungin ang bawat problemang binabato sayo ng tadhana? Susubukan mo bang ipaglaban ito at patunayan kung anong kaya mo, O hahayaan mo nalang na bumagsak ang sarili mo at bumigay sa baw...