chapter 16

84 2 2
                                    

  Max POV.

  "Brylle please! Bumalik ka na saakin! I'll do anything just go back to me! Brylle! Im begging you! "

"stop this Erica!! "

Ayos ah! Para kaming nanunuod ng live movie o kaya ng taping. Nandito kami ngayon sa school quadrangle at kasalukuyang pinapanuod si Erica na nagmamakaawa habang nakaluhod sa harapan ni Brylle. Sobrang dami na din ng taong nanunuod sakanila. Yung iba kampi kay Erica yung iba naman kay Brylle pero ako? Wala akong bet sakanila kasi parehas silang mga siraulo!
I looked at Erica at nakita kong and dumi na ng palda nya dahil sa pagkaka luhod nya samantalang si Brylle parang wapakels lang.

"Sam, tara na nga. Parang mga siraulo lang yang mga yan. Baka mahawa pa tayo."

Hinatak ko na si Sam paalis pero naramdaman ko na biglang may humatak ng braso ko at bigla akong sinampal ng pagkalakas lakas. I looked at her eyes at kitang kita ko kung gaano sya kagalit ngayon. Im still in state of shock dahil sa ginawa sakin ni Erica kaya ngayon saamin na ang atensyon ng mga studyante.

"dahil ba sakanya?! Dahil ba kay Maxine kung bakit ka nakipag break saakin?! ANSWER ME BRYLLE! "

Pagsigaw ni Erica kay Brylle.

"shut up Erica! Walang kinalaman si Maxine dito! "

Lumingon ulit saakin si Erica at this time mas galit na ang mukha nya.

"Ang landi mo talaga Maxine! May boyfriend kana pero pinatulan mo padin si Brylle! "

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na din si Erica! How dare her to speak to me like she knew all the things that Brylle did to me?!

"unang una sa lahat Erica, Brylle told me na wala na kayo! Sa ating dalawa ako yung mas nasaktan Erica! Sa ating dalawa ako yung legal at ikaw yung kabit! I even asked him kung sino ang mas mahal nya saating dalawa at alam mo ba kung ano sinabi nya?.. "

Lumapit ako sakanya at sinampal sakanya ang sumunod na mga salitang sinabi ko.

"he doesn't love you in the first place. You are just a rebound and a toy that he could play with. But don't worry, he's all yours now. Hindi ako kumakain ng tira tira. "

Nakita ko na muling tumulo ang mga luha nya. Tinaas nyang muli ang palad nya para padapuin sa pisngi ko pero may mga brasong humarang sa palad nya.

"Don't you dare hurt her or else.......... Baka makalimutan ko na babae ka"

Hinila na ako palayo ni Alec. Muli akong sumulyap kela Brylle at Erica. Si Erica nakita kong nakatulala habang nakatitig saamin ni Alec habang si Brylle naman ay nakakuyom ang kamao at nakatingin din saamin ni Alec.

Magsama kayong dalawa! Kadiri kayo! Mga manloloko!!

__________________________________________  

"okay ka lang? "

Tumango naman ako kay Alec na kanina pa nag-aalala saakin. Nandito kami ngayon sa classroom. Yung mga classmates ko kanina todo comfort saakin at yung iba naman kay Erica. Alam kong walang pinapanigan yung mga classmates ko pero nabibwisit padin ako kapag may dumadamay kay Erica! Akala mo kung sinong santa eh demonyita naman!

"next time wag mo nalang patulan okay? "

Tumango tango naman ako. Para akong bata na inaway ng kalaro at nagsusumbong sa tatay ngayon.

"Nakakainis kasi eh! Akala mo kung sino! Haaaay! Pigilan mo ako Alec! Kakalbuhin ko yang babaeng yan! "

Nakita ko naman na natawa si Alec. Anong nakakatawa? Nabubuang na ba si Alec?

"hoy! Mukha ba akong clown? Kanina mo pa ako tinatawanan ah! "

"ayusin mo kasi yung mukha mo! Akala mo inagawan ka ng candy dyan eh. Smile ka na! Pag di ka nag smile hahalikan kita. "

At ayun! Para akong siraulo na bigla biglang ngumiti kahit ngiting doggy doggy pa! Mahirap na noh! Mamaya bigla pang manuklaw yan dito sa room eh tapos makita pa nung teacher namin.

Dumating na yung teacher namin pero nagulat ako nung hindi nag-iisa yung teacher namin. May kasama sya, isang babae... Isang magandang babae na limang taon ko nang hindi nakikita.

Brother Slash BoyfriendWhere stories live. Discover now