Chapter 9

29 1 0
                                    


James Monterde

Iniwan namin siyang tatlo sa kusina, malamang, mag-huhugas siya ng mag-isa. Ano siya? Swerte, at kailangan tulungan pa namin. Hah, asa!

Umakyat kaming magkakapatid ng sabay. Tahimik lang kami. " Argh! Alam mo ba? Nakakainis ka, James! She may be a maid or a babysitter, pero. Argh! " sigaw sa akin ni Iya, habang umaakyat kaming tatlo.

" Pero, bilib din ako sa kanya ah? Kahit anong inis niya kay James, natitiis niya ng...konti. " natatawang sabi ni Ian.

Sinimangutan ko silang dalawa. Mga kambal talaga. " 'Wag mo kaming sisimangutan. Kung ayaw mo dukutin ko mga mata mo. " seryosong sabi ni Ian sa akin.

Tch.

Umupo kami sa sala dito sa itaas ng bahay namin. Tinignan naming lahat si Athena, habang nag-huhugas. Kita namin siya dito.

" Sinong hindi siya sisimangutan, at hindi magagalit. Masyadong tanga. " sabi ko sa kanilang dalawa. Sinamaan naman ako ni Iya.

" Mas tanga ka kaya, nasaktan ka dati kay ano, eh. Hmmp. " sabi niya sa akin.

Walang hiya, kailangan pa ba ipaalala iyon.

Nag-mahal lang naman ako sa isang babaeng nangngangalan Bianca. First love ko, at first girlfriend ko. AT first ex-girlfriend.

I saw her, cheating on me. Just like that. Sinayang niya ang mga ginawa ko, pero bahala na siya. Siya ang gumawa niyan. Tch.

Athena Monterde

Nako, pupusta ako! Kapag ako hindi nakapag-timpi sa unggoy na 'yon. Ipatatapon ko siya sa Manila Zoo, kasama ang mga unggoy. Kauri niya 'yon e. Tch.

Pagkatapos kong mag-hugas ng pinagkainan namin, umakyat na ako, baka gising na si Jane.

" Baby Jane? " mahina kong sabi.

" Ateeee! " sigaw nito sa akin, nakita ko nanonood pala ng cartoons e. " Gutom ka na ba? " umiling siya,

" Hindi po ako kumakain ng breakfast, hihi! Milk lang po ako e. " juskong bata ito. Ang liit pa lang, diet agad? Ako nga na ang konting kumain e, jowk.

Hinatak niya ako papunta sa sahig na may carpet na Barbie, umupo kami do'n at seryoso ulit siya nanonood ng cartoons, habang yakap ang bear niya. So cute~

Tumingin ako sa pinapanood niya, kinuha ko 'yong panda niya. " Ate, you and that panda is so cute. You can have that! " nakangiting sabi sa akin ni Jane.

" Ay nako, baby. Hindi na, hahaha. Malaki na si ate. Sa iyo na lang. " nag-pout siya at nanood uli.

*knock knock*

" Comeee innn! " sigaw ni Jane.

Pagkabukas, nakita ko ang isang babae na mid 40's. Tumayo ako at nag-bow. " Ahm, hello po. Athena po pala, bagong kasambahay at baby sitter kay Jane po. " sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin, " Ikaw pala ang sinabi nila. Ang ganda mo, hija. Ako naman ang mommy ni Jane at ni James. Mother na rin ng twins. " ngumiti na lang ako.

Umupo uli ako, pero medyo nakaharap na nakatagilid. Ano daw?!

" Ilang taon ka na, Hija? " tanong niya sa akin akin.

Ngumiti ako, '' 19 years old na po ako. Pero, huhulaan ko po age niyo. '' sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko. '' Sige nga, ano na ang age ko? '' natatawa niyang sabi sa akin.

'' Hmmm. 29 years old po, no'? Wow! '' sabi ko habang pumapalakpak. Galing mo naman, Athena! You're so great at being a bolera. One clap for you!

Napatawa naman siya sa sinabi ko. '' Nakakatuwa kang bata, Athena. '' sabi niya sa akin habang hinahaplos yung buhok ko. Napangiti naman ako, naalala ko agad si Mama. You're so drama, Athena. Stop na nga! Baka masira yung ugly-- este beauty face mo.

'' Bakit napatahimik ka, hija? '' nagulat ako nang nag-salita si Ma'am sa akin. Napakamot ako sa ulo ko, '' Hehe, may inisip lang po. Ah, alis po muna ako. May pupuntahan lang po ako. '' sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at nag excuse na rin ako para makaalis na rin ako.

Hindi ko na dinala ang backpack ko na naglalaman ng mga paints at churvanes ko, dinala ko na lang ang maliit na pocket bag ko na pwede pang cellphone at wallet.

Nag-madali agad ako tumakbo galing sa bahay nila James papunta sa hospital. Parang feeling ko ang tagal ko hindi nakabisita kay Mama. Kulang parin ang pera ko. Hindi pa naman ako nakakasweldo kina James.

Agad kong binuksan ang room ni Mama, kahit hingal na hingal ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit kaya siya nagising.

" Anak? "

Humarap ako sa kanya, at ngumiti. " Mama, nandito na ako. Namiss kita, mama. "

Ngumiti rin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, at nilagay niya ito sa mukha niya. " Namiss rin kita, anak. Asan ka ba nanggaling, anak ko? Masyado mo ba pinapagod sarili mo ah? "

Umiling ako, at pinigilan ang mga luha na lalabas sa mga mata ko." Hindi po, Mama. Kailangan mo pa ako, 'wag ka mag-alala, Ma. Gagaling ka. "

" Anak... "

" Hindi, Ma. Gagaling ka, ako ang nagsasabi na gagaling ka. Hindi natin sila kailangan. Hindi natin siya kailangan. " niyakap ko pa siya ng mahigpit.

Mag-titiis ako...

My Naughty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon