Chapter 6: Hired

36 2 0
                                    


Athena Rosales

Matatag kong sinabi ang kaya ko. Mukha pa lang ng unggoy na ito, feeling ko mahihirapan na ako. Jusko, help me!

Calm down, Athena. Para kay mama, okay?

" Ano ba ang sinabi ni Vince sa iyo? " tanong sa akin ni James, bakit pa kasi niya pinaalis si Vince? Wala akong tulong.

Mamaya makalimutan ko, edi sablay? Tch.

" M-maging yaya daw at baby-sitter. " nauutal kong sagot sa kanya. Paano ba naman ako hindi mauutal, silang magkakapatid ang kaharap ko, katabi ko sa kanan ko si Jane.

Samantalang sila ang harap ko.

" James, stop being so serious. Tinatakot mo siya eh. " arteng sabi ni Iya sa kapatid niya. Kahit anong sabihin mo sa kanya, wala parin mangyayari. Huhu.

Naging pipe na ako sa harap nila.

Tinignan naman ako ng sobrang seryoso 'yong Ian, kaya napayuko ako. Anong klaseng nilalang sila, at bakit sila ipinababa sa lupa?!

" Gosh, both of you. Isusumbong ko na kayo kay mommy, masyadong bad eh? " sabi sa kanila ni Iya.

" Are you okay, Ate? " tanong sa akin ni Jane. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tumango naman ako, para hindi siya mag-isip ng kung ano ano.

" Kuya Ian, why are you looking at her like she do something bad. " sabi ni Jane sa kanya.

Tinignan naman ni Ian si Jane at ngumiti. " Hindi baby, inoobserbahan lang namin. " sabi nito sa bata.

Silents remain....

Tumayo na ako, " Waah, ayaw ko na! Makatingin kayo sa akin, nakakatakot na. Uuwi na ako, asan na ba si Vince? Waah! " sigaw ko, habang naglalakad papunta sa pinto.

Pero humarang ang body guards, " Kuya, palabasin n'yo po ako! " kaso hindi nila ako pinagbigyan, kinuha ko phone ko at tinawagan siya.

" Hep Hep Hep! Teka muna, kailangan mo nang trabaho diba? Bakit ka aalis? " pigil sa akin ni James. Napa-harap ako sa kanila.

" Kasi makatingin kayo sa akin e, huhu! Maghahanap na lang ako ng iba, kahit ano. " sabi ko sa kanila.

Hinihintay ko parin na sagutin ni Vince ang tawag ko. Walanghiya ka, Vince! Papatayin talaga kita, kapag nagkita tayo. Ipapalamon kita sa kamao ni Thor. Promise ko iyan, kahit pa sa biceps ni Captain America.

" Why? Is there something wrong with that? We're just observing you, malay mo isa kang drug pu-- "

" Ano? Ako, isang drug pusher? Hah! Mas pipiliin ko na lang mag-pahabol sa aso, kaysa mag-kasala sa batas at sa Panginoon. " sa gandang kong ito? Magiging gano'n. Isang malaking kawalan sa earth ito.

I swear!

Humarap ako sa pinto, at nakita ko na wala ng harang.

Mabilis kong binuksan ang pinto, kaso may pumipigil sa labas, " Waaah! Vince, walangjo ka! " sigaw ko nang narinig ko boses niya sa labas.

" Hahaha. Sorry naman, kaya mo iyan. Mabait naman sila e, goodluck! " goodluck mo mukha mo, pakakainin kita ng dalawang daan na tsinelas for 3 years.

Humarap ako sa kanila at tinaas ko ang dalawang kamay ko, " Suko na ako, palabasin n'yo lang ako. Pupuntahan ko pa ang trabaho ko at ang customer ko. "

Nagkatinginan silang dalawa ni Ian, nakita ko naman na umakyat na sila Iya at Jane sa itaas. " Tanggap ka na, 100,000 ang sahod mo per week. "

Napalaki ang mata ko, " Seryoso kayo? As in totoo?! " sabi ko sa kanila.

" Ayaw mo ba edi-- "

" Ay hindi po, gusto ko. Salamat po ng marami. At ikaw unggoy ka, salamat din! " sabi ko at sabay turo ko kay James,

" Boss mo na kami, gusto mo mawalan agad ng trabaho? " seryoso niyang sabi sa akin.

Umiling ako.

Lumabas ako at nakita ko si Vince na nag-iintay sa labas. Tumakbo ako at niyakap siya.

" Salamat, Vince. Makakatulong ito, para mapa-opera ko si mama. Salamat ng marami. " sabi ko sa kanya.

James Monterde

" Ibang klase din siya, bro. " natatawang sabi sa akin ni Ian.

Tinignan ko lang siya na kayakap si Vince, " Kaya nga e. Nag-taka ako, hindi 'man lang nagtataka kung bakit gano'n kalaki ang sahod niya. " sabi ko kay Ian.

" Baka may pangangailangan. " sabi niya sa akin bago pumunta ng kusina.

" Hey, James! Where is she?! " sigaw sa akin ni Iya, nginuso ko yung sasakyan na kaaalis lang.

" Aish, ang tagal kasi matulog ni Baby Jane, dapat may girly talk pa kami. Kayo, nako! " sabi niya sa amin dalawa,

" Syempre, concern kami sa safety ng family natin. Baka mamaya, may sabihin pa ang tatay natin. " sabi ni Ian.

Ngumuso naman ito. " Kung sa bagay. "

My Naughty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon