Chapter 1

134 4 0
                                    

Chapter 1: Meet Her


" Anak, tumigil ka na lang sa pag-tatrabaho. " Aish, kulit ni mudrabels eh! Kanina pa ako kinukulit na tumigil sa pag-tatrabaho. Paano kami makakabili ng gamot niya kung hindi ako magtatrabaho.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. '' Mama, kailangan ko mag-trabaho. Kailangan mo gumaling sa sakit, at hindi ako papayag na mag-suffer ka sa sakit mo. ''

Napayuko siya at pinaglalaruan ang mga kamay niya, '' Dapat nag-aaral ka, at ako ang nag-tatrabaho para sayo. ''

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at napabuntong-hininga. Gusto ko rin naman ang mag-aral, gusto ko makapagtapos ng pag-aaral para sa aming dalawa. Pero, kailangan ko mag-trabaho para lang magamot siya.

Lumapit ako sa kanya, at hinawakan ng mahigpit ang dalawa niyang kamay. '' Ma, trabaho lang 'to. Pero, ang tinutukoy ko na ngayon ay ang buhay mo. ''

'' Ba't mo kasi ako nilagay dito sa private room, anak? Okay naman ako kahit sa labas na lang. '' umiling ako. Ilang beses na namin itong napag-usapan, pero mas pipiliin ko ang ilagay siya sa alam kong komportable.

'' Hindi naman ako papayag na ilagay ka sa labas, mas lalo ka nila hindi maasikaso. '' tumingin ako sa kanya at nginitian siya. '' Okay lang ako, Ma. H'wag mo na isipin yung mga bayarin dito sa hospital, ang isipin mo ay ang sarili mo para gumaling ka na. ''

Binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti bago ako bumalik sa pag-aayos ng aking gamit. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.

" Athena, wag mo rin naman sana masamain na mag-alala ako. Isipin mo rin ang kalusugan mo. Nanay mo ako, 'di ko maiiwasan na isipin na dapat ako ang nagtatrabaho sa ating dalawa. Ako ang mag-aalaga sayo at ako ang magsasakripisyo. '' alam kong nahihirapan na si mama. Pero kailangan kong maging positive sa mga oras na ito.

Nilagay ko na sa bag ko ang mga natitirang gamit at nilagay ito sa likod ko. Ngumiti ako kay mama, " Pwede naman na ako naman ang mag-alaga sa iyo, d'ba? Karapatan ko rin 'yon bilang anak mo. " Hinalikan ko siya sa noo, bago lumabas ng room niya.

Athena Rosales, 19 years old at 2nd year college na at ang kursong pag-dodoktor ang kinukuha. 9 years old pa lang ako, nagtatrabaho na ako para kay Mama. At nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil nakapagtapos pa ako ng high school. Bata pa lang ako ng ma-confine si Mama sa sakit niya sa puso. Hindi ko kaya na makita si Mama ng nahihirapan, kaya no choice kung hindi ang magtrabaho.

Dahil sa tatay ko, naghihirap kami ngayon. Ginawa ko ang lahat para mapagamot lang si Mama kaso kahit isang tulong ay hindi ginawa ng tatay ko. Naging maramot siya sa mga pera na nakuha niya, pinagpalit niya kami sa mayamang pamilya.

8 years old pa lang ako nung iniwan niya kaming dalawa ni Mama. Pinigilan ko siya, at nagmakaawa na 'wag kaming iwan, pero mas pinili niya parin ang iwan kami ng parang wala lang kami sa kanya. Nang ma-confine si Mama sa hospital, pumunta ako sa kompanya niya at humingi ng tulong. Pinilit ko na makapasok, at lumuhod ako sa harapan niya habang humihingi ng tulong.

At ang mga salita niya na hinding-hindi ko makakalimutan. '' Hindi ko kayo kilala, umalis ka na. Wala kang matatanggap na tulong mula sa akin, bata. ''

Tinalikuran niya ang responsibilidad niya bilang isang tatay sa akin at asawa kay mama. Naging makasarili siya, kaya't simula noon nangako ako sa sarili ko na iaahon ko ang buhay namin ni Mama sa hirap. Ipapakita ko sa kanya na hindi na namin siya kailangan.

Sikap-sikap kong dala ang mga canvas ko habang naglalakad sa pwesto ko. Ang pagpipinta na lang ang bumubuhay sa amin ni Mama. Ang mga naiipon ko ay sakto sa pagkain at gamot ni Mama lang. Inaamin ko na isa sa isang araw lang ako makakain para lang kay Mama.

Inayos ko at sinandal ang canvas sa isang fence habang nakangiti. Konting tiis lang, Ma.

'' Wow! Ang ganda ng painting ito. '' tumingin ako sa isang mag-asawa na masayang nakatingin sa painting ko about family.

'' Magandang tanghali po, gusto niyo po ba ang painting na ito? Saktong-sakto po sa inyo! '' masaya kong wika sa kanilang dalawa. Napangiti naman sila sa akin. '' Sakto lang ito, hija sa aming dalawa. Magiging isang pamilya na rin kami. ''

Napangiti naman ako sa sinabi ng babae, '' Magkano ba ito, hija? ''

'' 2,500 pesos po, Ma'am. '' Inabot niya ang isang 3,000 pesos. Mag-sasalita na sana ako dahil sobra ang binigay niya sa akin. Pero, natuwa ako dahil sinabi niya tip na n'ya yun sa akin.

'' Ang ganda naman ng mga gawa mo, ateng! Kasing ganda ko. '' sabi ng isang bakla habang nakatingin sa mga gawa ko.

Luh, mas maganda ako sayo! May bonus pa, sexy pa. Oha!

'' Oooh! Ang ganda ng monkey na ito. Bibilhin ko siya, kamukha at kasing ganda ko siya. '' tama lang po talaga na binili niyo 'yan. Saktong-sakto sa inyo, omyghad! Ang sama mo, Athena!

Habang patagal ng patagal, dinadagsa na ang pwesto ko, at kahit nakakapagod dahil sabay-sabay silang lahat tinatawag ako, masaya naman ako. Dahil isang marangal na trabaho ang ginagawa ko.

Tinaas ko ang kamay ko, " Pila po muna tayo, madlang pipol! Makakabili kayong lahat, promise! Easy lang kayo. '' natawa naman sila at sumunod ng tahimik. Lahat ng gusto nila ay inabot at binigay ko, hanggang sa naubos na lahat ng canvas ko.

Umabot sa 35,000 pesos ang pera ko ngayon. Binuksan ko ang bag at hinulog ang 32,500 pesos sa alkansya ko. Tinago ko naman ang 2000 para pambili ng gamot ni mama at ang 500 pesos para sa panggastos ko sa gamit ko.

Natitira na lang sa paintings ko ay ang mga maliliit na may quotes at kung ano-ano na lang. Itinago ko na ang mga ibang gamit ko at hinintay na baka sakali may mga bibili pa.

Habang nag-aayos, nakita ko sa gilid ko ang isang cute na batang babae na manghang-mangha sa tatlong paintings.

Lumapit ako sa kanya habang dala ang mga gamit ko. " Hi, baby! Gusto mo ba iyan? " sabay turo ko sa tatlong paintings, yung isa ay lalaki at isang batang babae na magkayakap, yung isa ay isang ina kasama ang kanyang anak na babae, at yung isa ay isang tatay at anak rin na babae.

Tumango siya bilang isang sagot sa tanong ko. Sino kaya nanay nitong batang ito? Ang cute, sarap iuwi. Kalma, Athena!

" Magkano po? " sweet niyang tanong sa akin. Pigilan n'yo ko. Magkakasala ako, ang cute ng bata!

" 50 pesos ang isa, baby. Pero, dahil cute ka, free na. "

" Really? Thank you po! " tumango ako sa kanya at napatawa ng nakita ko na tuwang tuwa siya.

" Baby Jane! Ay nako, papagalitan na ako ng kuya mo! Saan ka kasi nagtatakbo eh! " sigaw ng isang babae na may edad na.

" Calm down, yaya! Bumili lang po ako ng gift. One for Kuya, one for mommy, because it's her birthday, and one for daddy, para hindi na po mainit ulo ni Daddy kay mommy at kuya. "

Ngumiti na lang ang yaya nito sa bata. Pumunta sa akin ang kasama nilang lalaki. " Salamat, Miss? "

" Athena na lang po. " magalang kong sabi sa kanya.

" Salamat, Athena. Dahil kung hindi namin nakita si Jane, mawawalan kami ng trabaho. Salamat. " nag-bow na lang ako at umalis na sila.

I-uuwi din kita, next time pag nagkita tayo. Joke!

My Naughty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon