Surprises

4.6K 140 18
                                    

<Brandy>

2 weeks later

Ito na yata ang pinaka masayang gising ko sa nakalipas na mga taon, ang imulat ang mga mata ko para makitang nasa tabi ko ang isang anghel. Alam kong hindi ko deserve na makuha si Maverick pero dahil alam kong kaloob siya sa akin ng Diyos ay pag sisikapan kong maging karapat-dapat sa kanyang pagmamahal.

Nag replay sa akin ang mga nangyari kagabi na para bang isang sirang plaka. Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang sinabi niya sa akin, "Mahal kita Brandy... mahal na mahal." Gumuhit sa aking mga labi ang isang kuntentong ngiti. Hindi ko mapigil ang hagkan ngayun si Mav.

"Mmmmmm... mamaya naaaaa... pagod pa akoooo..." ungol nito nang mejo magalaw ko siya. Napa iling na lang akong nakangiti sa kanya. Ang cute niyang matulog, yung ilong niyang mejo mapula, mga labi niyang naka pout, yung noo niyang naka kunot... lahat na.

"Sige mahal, gagawa lang kita ng agahan ah? I love you." sabay halik sa kanyang ilong. Aalis na sana ako sa kama pero hinigot niya yung baywang ko at pinigilang umalis.

"Dito ka munaaaa... Pleaaaassseee?" ungol niya muli. F*ck, kung di siya titigil sa kaka ungol magkaka roon kami ng round 13. Oo, hangang round 12 kami kagabi and mind you! Siya ang hindi tumigil ah. I stopped at round 4 pero pagkagising ko eh paupo na siya sa aking Jr. so ayun hanggang umabot na nga sa 12. Ewan ko pero napansin ko na parang nagging horny ang asawa ko after naming mag sex? Normal ba yun?

"Mav, sige matulog ka muna. Hindi naman ako aalis sa bahay eh, sa kusina lang ako." Yan din ang isang napansin ko kay Mav after ng aming first time. Naging clingy siya after a week. Yung tipong ayaw niyang nawawala ako sa tabi niya. May time nga nun na sinamahan pa niya ako sa cr ng school nang na-ihi ako. Ooops walang nangyari ah.

"*sniff Ang sabihin mo... Aalis ka kasi pupuntahan mo si Sonia!" at yun na nga, umiyak na naman siya. Naging sobrang moody niya din. Nung dumalaw nga sina Lolo kasama sina Tita eh sinabi lang nila na parang tumaba daw siya ayun, parang bata nang umiyak at nagkulong sa kwarto.

"Hindi po, ok sige kung di mo ko papayagang umalis, di ko papalagyan ng peanut butter yung kanin mo." pagkasabi ko nun eh siya na mismo ang nagtulak palabas sa akin.

"Ano bang tinatayo mo jan!? Dali na magluto ka na!" sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya at naglakad papunta sa kusina.

Naabutan ko sina Manang na abala sa pag luluto ng agahan. Simpleng hotog at kamatis na may kasamang orange juice. Napansin niya ako at nagtakip siya ng mukha.

"Jusko SER! Mag damit nga kayo! Bat wala ka pantaas!?" sigaw niya. Doon ko lang napansin na wala pala akong suot na kahit kamiseta man lang. Kaya kinuha ko na lang yung apron sa tabi ko at yun ang sinuot ko. Pink ito at may design na mumunting pusa. Ok lang nasa bahay nman kami eh.

Kinuha ko na ang pagkain naming ni Mav at inilagay sa isang bed tray. Kinuha o din ang peanut butter sa counter at ibinuhos sa kanin ni Mav.

"Ser, ano po bang nagyayari kay Ser Mab? Pansin ko laging may peanut butter sa pagkain niya. Minsan nga po nakita ko sinawsaw niya sa peanut butter yung manggang hilaw." Tanong sa akin ni Manang. Napaisip din ako, bakit nga ba?

"Ewan ko po, yaan nyo na lang po. Basta ba hindi siya magkasakit dahil doon eh ok lang." Sagot ko naman. Nagkibit balikat na lang kami ni Manang at itinaas ko na ang agahan namin.

Pagkapasok ko pa lang ay mabilis na pumunta sa akin si Mav at kinuha ang pagkain. Ni hindi man lang ako binate ng good morning?

"Oy, bat ka nakasimangot jan? Kain na!" aya niya sa akin. Nakasimangot parin ako na pumunta sa kama at tinignan ang masama ang pagkain.

Pilit na &quot;I DO&quot; [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon