Face Off

9K 257 35
                                        

//// Oh my, siomai! How long has it been? Pasensya na po kung antagal ko nang di nakapag update. Alam niyo naman ako, busy. Ang hirap pala ng Architecture ano? Haha

Anyway,  salamat nga po pala sa mga taong walang sawang naghintay ng update. Dahil po sa inyo kaya ko ito nagawa ulit at sana, SANA!, tuloy tuloy na ako sa update ne?

So heto na po. I'm sure some of you if not all, are wondering. Ano na nangyari kay Aiax? well, heto oh! /////


<Aiax's POV>

"Haaaaaaaaaaaay.... ang boring naman. Asan na kaya nakarating yung lovebirds? Nakuuuu! kung di ko lang friend yung si Franz hindi ko na siya pinayaang masolo si Mavey ngayun eh." pag mamaktol ko habang nakaupo ako ng mag-isa ngayun sa aming cafeteria. Mag sisimula na ang event pero hindi naman mandatory kaya dinto na lang ako. Wala naman akong mapapala doon eh. Buti sana kung mamimigay sila ng lovelife pero waz!

Kaya naman heto ako ngayun.... MAG-ISA na naman. Kelan kaya ako makakahanap ng taong magmamahal sa akin? Buti pa si Mavey kahit di na maghanap ng jowa meron na siyang mainit-init na Brandy. Ewan ko ba kung bakit masungit yun sa kanya. Eto namang si tanga, nagpapaka martir. It's all about love nga naman no? Kaso, kahit gaano karmi niyo yan sabihin sa akin, di ko yun maiintindihan. NBSB kaya ako! I'm a hopeless romantic, yung tipong gusto ko pag nagmahl ako ay yung una't huli na.

Naka-on naman ang radyo sa cafe' at naintriga ako ng may marinig ako.

"Virgo, mahahanap mo ngayun ang taong magmamahal sayo ng tapat at buo."

OMG!! Virgo akes mga ateng! Mahahanap ko siya ngayun! Mahahanap ko ang lovelife na matagal ko nang hinihintay! Hahahaha! Take that you stupid God of Singleness!!! Simula ngayon, wala na ako sa kulto mo!!!!

Hinintay ko na may dumating sa cafe na lalaking aamin sa akin na mahal na mahal niya ako at sasagutin ko agd siya ng I DO!!!

~2 minuites later~

Antagaaaaaaaaaaaaal!!!!!!!! Kanina pa ako nag hihintay!!!! Baliw naman ata yung nagbigay ng horoscope kanina eh!!!

Tumayo ako at nagpasyang maglakad-lakad na lang muna para naman maiba ang atmosphere nang may naisip akong ideya.

"Kung hindi lalapit si kupido sa akin, AKO ang lalapit sa kanya kung ganoon!"sabi ng makulit kong utak. Hahaha sakto, madaming tao ngayun sa school, mahahanap ko din ang love of my life dito! Kumuha agad ako ng papel at ballpen at nag sulat.

Requirements:

1. GWAPO!

2. MAS MATANGKAD SA AKIN

3. SPORTY

4. HOT! HOT! HOT!

Ayun, so heto ang plano, maglilibot ako sa school at hahanapin ang taong nagtataglay ng mga katangiang ito. Syempre cross-out na si Brandy kasi kay Mavey na siya. Ayokong mang-agaw no!

Nag-simula na ako sa pag lilibot at hindi pa umaabot ng isang minuto ay may nahanap akong nag fit sa mga description ko. Sugod agad ako pero nung tinanong ko siya kung pwede ko siyang maging boyfriend eh tinanong niya kung magkano ang sweldo. Kinutusan ko nga. Ano ito? Job offer!? Ganun ang mga nangyari sa mga sumunod pa. May nagsabing oo pero sa huli ay nagbibiro lang pala. May iba namang nagalit at pinagsabihan ako pero keber! Desperada na akes magka jowa!

Pilit na &quot;I DO&quot; [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon