- BASIC INFORMATION -
· Screen Name/Username:
prince_heart01
· Where did it come from? :
Yung prince yun kasi yung turing ng pamilya ko sa akin simula pagkabata, yung heart came from my congenital heart decease kaya heart yung napili ko , yung 01 naman malaki kasi ang significance sa’kin ng number one dahil ang birthday ko ay 01/31/91.
· Age:
22 years old
· Location:
Exact location Bañadero, Tanauan City, Batangas . kapag may kailangan kayo, sugurin ninyo ako dito sa address na ‘to ahahaha
· Relationship Status:
Single. Not yet ready to commit another relationship
· Ambitions/Dreams:
Wala sa isip ko noong una ang maging teacher pero naisip ko na may kakulangan nga pala ang bansa natin sa mga guro, kaya ito I’m taking my Bachelor of Elementary Education para makapagturo sa mga bata na kailangan ng tulong ko, at mas pinili ko maging teacher ng mga pre-school dahil gusto kong ako ang magbibigay ng pundasyon sa matututunan ng mga bata. Seryoso yan . hahaha
· Beliefs:
“Do your best and god will do the rest.”
· Short description about yourself
Di naman ako masyadong mataba, pero payat ako dahil na rin sa sakit ko,(nurse please! hahaha)kung makikita mo ako ikaw na bahala magjudge kung karapat-dapat ba talaga akong tawaging Poging Wattpad Writer.
- WATTPAD -
I. Reading
· Member since:
November 2011
· Reason kung bakit naging Wattpad user:
Dahil sa mga girls ko na classmate na narinig ko na lang na may pinag-uusapan silang parang movie or drama sa TV kaya napaisip ako kung ano yun, and sinabi nga nila na story nga daw yun dito sa wattpad. Kaya dahil nga sa hindi ako mapakali kapag may nalaman akong kakaiba nagpunta ako sa website na ‘to at ayun nga, iba’t ibang story ang nakita ako at doon na rin nagsimulang tumakbo ang isip ko na magsulat din ng kwento.
· Hinahangaang Wattpad writers:
1. modernongmariaclara
2. Kuya_Soju
3. i_love_kyle
4. _Miguel_
Randomly arranged po iyan, wala akong pinili sa galling it’s just that dahil siguro mahirap akong icatch sa isang story ng isang writer kaya kaunti lang yung hinahangaan ko, wala akong pakealam kung sobrang ganda ng prologue mo, once na nabasa ko yan at nabored ako to continue hindi ko na talaga yun babasahin.
· Unang istoryang nabasa dito. Komento ukol doon
“A Kiss In The Rain” ni i_love_kyle, sobrang cool ng story na ‘to na kahit nakainom ako eh binabasa ko siya, yan kasi yung story na unang muntik nang magpaiyak sa’kin and I want to congratulate Miss Jen dahil napublish na yung AKITR
BINABASA MO ANG
POV ng mga POGI
Non-FictionContaining SOME informations about us. Interview conducted by: SushiBoyPickUp