- BASIC INFORMATION -
* Screen Name/Username: XavierJohnFord
* Where did it come from? : Isa sa mga ginamit kong karakter sa ongoing story ko. Hehehe. Ewan ko kung bakit. Naastigan lang. LOL
* Age: 18 yrs. old
* Location: Wall Sina ng SNK. LOL
* Relationship Status: Single, pero gagraduate na ‘ko sa pagiging single… soon pa naman. Hahaha!
* Ambitions/Dreams: Mairaos ang course ko ng ayos. ‘Yun lang naman. Tas kasama na ro’n yung mabili ang lahat ng gusto ko.
* Beliefs: ‘Di ko alam kung beliefs ba ‘to o kung ano eh, “Makuntento sa kung anong meron ka.” Isa lang kasi ‘yan sa mga nagpapaalala sa ‘kin sa mga bagay na kahit napakaimposible eh pilit ko pa ring ginagawa o kinukuha. Kapag napasok ‘yan sa isip ko, nasasabi ko nalang sa sarili ko na, “Oo na, tama na. Tanggap ko na.”
* Short description about yourself
Pogi, ano pa ba? Ay! Medyo obvious ba? Oh sige, ibahin. IGOP. Ayan, okay na? LOL
De, seryoso. Ahhh… payat, mga 5”8 o 5”9 ‘ata ako. Tas nocturnal.
- WATTPAD -
I. Reading
* Member since: October 2011, nakaka-two years nap ala ako rito.
* Reason kung bakit naging Wattpad user:
Napukol lang yung interes ko nung maraming nagbabasa ng SDTG sa room naming nung HS ako. Na-curious ba, kasi seryoso, ‘yung iba kong kaklase noon eh puro mugto ang mata matapos basahin ‘yun. Basta yun na yon! Palag pa? Halika rito, sapakan! Hahaha. Joke lang.
* Hinahangaang Wattpad writer:
HaveYouSeenThisGirl, Alylooney, Peachxvision (tama ba spelling?), jonaxx, BlackLily, _Miguelito_
* Unang istoryang nabasa dito. Komento ukol doon
SDTG, ito ‘yung kwentong dinaig pa ‘yung gripo ng tubig kung makapagpaagos ng luha. Hahaha. Hindi ako humagulgol syempre, sabihin na nating, namuo lang ‘yung luha. Lalo na nung may mamamatay na. Aba! Hands down ako sa kwentong ‘to dahil ito ang unang pagkakataong na pinagiliran ako ng luha ng isang storya.
* Kasalukuyang binabasa at pinagtutuonan ng pansin
‘Yung mga gawa ni Jonaxx tas ni Blacklily. Bilib ako sa format of writing nila eh. Para silang professional tagalong writers.
* Mga hinahanap mong katangian sa isang istorya
‘Yung storya na hindi ko pa nababasa sa iba. Kasi karamihan sa mga istorya ngayon eh, iisa ang plot ng story pero naiiba lang sa mga scenario base sa utak ng manunulat.
Mas gusto ko rin ‘yung istoryang, kahit tipikal mo ng nababasa sa iba eh kaya niyang baliktarin ‘yung sudden turn of events pero in the end ganoon pa rin.
Mas gusto ko rin yung pinapaisip ako sa pupwedeng mangyayari at kung mystery man eh talagang mystery.
* May naitutulong ba ang title nang isang istorya upang mapag-tuonan mo rin ito nang pansin?
Oo naman. Kung minsan kasi sa title palang malalaman mo na agad ang pupuntuhin ng buong storya eh. Pero kalimitan kasi ngayon, may mga title na relate sa plot pero sa huli saka mo palang ma-aappreciate yung silbi nung title na yun sa kabuuan ng nilalaman.
BINABASA MO ANG
POV ng mga POGI
No FicciónContaining SOME informations about us. Interview conducted by: SushiBoyPickUp