[ The Battle Of The Band ]
Lorane's POV
Days has past!
Ganito pa din ako nerd haha!masaya naman ako kasi 3 na bestfriend ko
Si Jasha ang pinaka mahal kong friend!
Si Rizza naman ok lang naging close na close na kami sabihan ng secret, crushes etc.
Samanatalang si Clarence ayun sya ang pangalawa sa pinakaClose ko! Minsan kasi pagnagkikita kami nag aapir pa kami tas sabay tawa!haha
Di na kagaya ng dati na hindi kami nagpapansinan,
kami na lagi magkasama, kopyahan sa assign.
Yun bang matatawag mo na official friend mo na talaga sya!
Ang nakakainis lang ang lakas nyang mangasar!!
Pero ok lang!haha sanay na din ako eyy!
~ You are my obsession you are my obsession ~
May tumatawag
"Hello -- ahh jasha! -- oo pupunta ako! Sige daanan nyo ko ni Rizza dito-- sige bye :)"
Oo nga pala ngayon ang Battle Of The Band!
Hindi dapat ako pupunta pero pinilit lang ako nung dalawa! Medyo close na din kase sila
"Rane! Andito na sila! Baba na dyan" sabi ni kuya
bumaba na ko at andun nga sila.
Si Jasha nagpapapansin kay kuya si Rizza naman medyo namumula!hala ka XD
Umalis na kami at andito na kami sa school!
"Ladies and gentlemen let's give their a big clap! the next group who perform is BLue Kiss IsLand"
Nagsimula na pala at saktong sila na ang magpiperform!
Buti naabutan namin sila.
"Late na tayo girl!" sabi ni Jasha
"Ok lang yan buti nga naabutan pa natin sila Clarence magperform" sabi naman ni Rizza.
Hindi na ko kumikibo ang ingay hirap magsalita haha!
Rinig na rinig ko ang tilian ng mga tao lalo na ng mga babae!
Pano ba naman nagsama sama sa Blue Kiss Island ang apat na pinaka famous dito sa school na to?
Oh diba? Kamusta naman yun?
Umupo lang ako sa sulok nanunuod ako sa kanila.
Malapit lang kase ko sa harap! Sila Jasha & Rizza naman hindi ko alam kung nasan.
Clarence POV
Kami na ang magpipresent!
Nakita ko si Lorane na ngumiti sakin at nag Fighting!
Bakit ganun?
Kapag nakikita at kasama ko sya ang saya saya ko, minsan may biglang may nagbavibrate sa puso ko hindi ko alam pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya!
Nagstart ng maggitara si Tristan.
Tagalog ang first song at kung sinong manalong grupo kakanta naman ng english song!
Nagsimula na kong kumanta
~ Nakaupo sya sa isang madilim na sulok ..
Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nanduon
wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa iyo~
Lalo akong ginanahan sa pagkanta nung nakita kong pumalakpak sya!