Horror House

13 0 0
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.asdfghjkl mo Mandy! Lumabas na tayo dito utang na loob" Makabasag eardrums kong sigaw sa kasama ko.

"Utang na loob mo yang mukha mo Ninia Josepa,ginusto mo to diba.DIBAAAA?" Pinagdidiinan nia pa.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Horror Haus sa isang Carnival dito sa barangay namin. Niyaya ko kasi syang pumunta para naman maglibang. E,hindi ko naman sinabi sakanya na sa horror haus kami pumunta. E,kashu ga-shunga naman. Kesyo,mag eenjoy daw kami at makakalimutan ko daw ang masalimuot kong nakaraan.Eh,wala pa ngang nakaraan e,bubuin palang kaso nawasak na! .Pweeee! Eh,puro masasalimuot na pagmumukha ang nakikita ko dahil kung hindi aswang,mananggal at white lady ang makikita mo! Talaga naman.

"Halika na Bakla,lumabas na tayo dito. Please! Maawa ka,baka dina ko makatulog mamaya" pagmamakaawa ko sakanya.

"Eh,sino ba kasi ang pumunta sa bahay para guluhin ang pag aaral ko dahil ang nirarason sakin e broken hearted sya! Para nalaman mo lang na may girlfriend nanamang bago yang Mahal mo. Masokista na gaga pa!" Grabe ang Hard.

"Aray ha! Ikaw ba talaga ang bestfriend ko?" Habang hila-hila ko sya palabas ng horror churva na yon.

"Te,gusto ko lang ipaalam sayo na ako ang bestfriend mo at alam ko na malaki ang utang na loob ko sayo,na ikaw ang nagligtas sakin nung Grade 3 tayo dahil nakita nong kaklase naten na lalake na may baon akong panty sa bag dahil umiihi parin ako sa panty ko noon...."

"At ako rin lang naman ang sumagip sayo ng tumulo yung sipon mo nung grade four tayo ng nagpapatawa si Mam Salvador naalala mo naitakip ko agad sayo yung panyo ko bago pa maglingunan yung mga kaklase naten at bago kapa makita ng crush mo at nalaman mong bakla pala hahaha." Dugsong ko pa sakanya.

"At ikaw rin ang tinakbuhan ko ng mabrokenhearted ako sa first love ko nung 4th year highschool tayo dahil ipinagpalit niya ako sa isang babaeng mukang pugita" dugsong naman niya.

Tatango-tango lang ako sakanya habang naglalakad kami pauwi.

"Kaya please Mandy,iisa lang naman ang pinapakiusap ko sayo. Isang katangahan lang naman itong ginagawa ko, hayaan mo na akong maging tanga. Kahit yung sayo tatlo" sabay batok.

"Gaga ka talaga!" Sabi niya.

"Masakit yun ha,pasalamat ka at tanga-tangahan ang peg ko ngayon." Hinihimas-himas ko pa ang batok ko.

"Osige,ganto nalang. Don tayo sa dati pero mabilis lang tayo,tatadtarin ako ng talak ni Mama pag tumagal tayo,alam mo na man yung conservative na di mo maintindihan." Pag aaya niya sakin.

"Halata ko nga e conservative parents mo,kaya nga walo kayong magkakapatid hahahaha." Pang aasar ko sakanya.

"Siraulo ka talaga" sabay kaming tawa.

--------------------------------------------

Maiksi ba para sa chapter one? Yaan niu ayusin ko pag nabasa ko na lahat.

Chapter two na ah. :)

Ambilis ko gumawa hahaha.

The Irony of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon