Kela Aling Banana/Ratatatatat

8 0 0
                                    

"Aleng Ba,dalawang bote nga,isang plastic na Chicharon,pakilagyan ng,suka at sili. Alam mo na yan,dating order lang" sabi ko sa tindera.

Nandito kami kina Aleng banana. May ari ng Banana's Videoke Lounge. Odiba,ang ganda ng pangalan. Pero,isa lang itong Kubo na may videoke at may mga lamesa. Puntahan namin ni Mandy tuwing may problema,sa school,pamilya o sa ano paman. Dito rin kami nagcecelebrate tuwing meron kaming singko at tres sa klaskard. Dito rin kami nagccecelebrate tuwing may bagong syota ang hinayupak na lalaking kinahuhumalingan ko at patay na patay ako,di ko malaman kung bakit.

"Oy,kayong dalawa. Tig isang bote lang ah,baka kung makailan nanaman kayo." Pagsuway samin ng matanda.

"Opo! Aleng ba,eto naman parang walang tiwala eh" sagot ni Mandy.

"Wala talaga,dahil nung nakaraan. Ay naku!" Yun nalang ang nasabi ng matandang tindera,habang tatawa tawa nalang kami ni Mandy.

Pano naman kasi,nung nakaraang ang dalawang bote namin ni Mandy e naging sampu. Sobrang lasing at kulit namin e,ipinakarga kami pauwi sa mga anak niyang lalake pauwi sa mga bahay namin at natadtad ng sermon sa magulang namin pagkaumaga.

"Don't worry Aleng Ba,hindi kami magpapakalasing ngayon dahil may pasok bukas sa kaya bawal ang hang-over." Paalala ni Mandy.

"At dahil dyan,Kampay tayo kapatid!" Tinaas ko ang bote mg beer tanda ng aking pagkalasinggera este pagkabrokenhearted.

1 hour after...

"Damn,Damn,Damn what I do to have you here,here. I wish you were here. Damn,damn,damn,what I do to have you near,near. I wish you were here!

Woaaaaaah,kapatid kampay pa tayo! Yooooooh,isa kang malaking shunga Josep. Ang manhid mo pre! Grabeeee!" Habang pakanta kanta ako,eh hilong-hilo na ako. Ang dalawang bote naging lima,naging sampu at naging dose at kaming dalawa ni Mandy ay parehas na bangag sa kalasingan. Basta naririnig ko nalang na nagtatalak si aling Banana na hindi ko naman maintindihan at naramdaman ko nalang na ako ay nakaangat at feeling ko ang gaan-gaan ko,naramdaman ko nalang na nasa kama na ako at nahimbing na sa tulog. Pero nagsuka muna ako bago ako tuluyang nahimbing. Isa akong

malaking EWWWWW.

GOODMORNING GUNS!

(Ratatatatatatatat/Sermon)

Bzzzzzzzt.bzzzzzzzzzt.bzzzzzzzzzt.bzzzzzzt.bzzzzzt

The Irony of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon