When Josep Bardon,Talks to me Again..

5 0 0
                                    

"Ang lalim ng iniisip mo Bestfriend". Okay! Nawala ako sa rewind momentum ko ng umeksena ang bestfriend ko.

"Hindi naman,namomroblema lang kasi ako kasi napagalitan nanaman ako ni Mama kanina." pagkkwento ko sakanya.

"Diyos ko! Ano pa kaya ako? Grounded kaya ako forever." Maluha luha namang sabi ni Mandy.

"Pero,Mandy bat ganon.. Kilala mo ba kung sino naghatid sakin kagabi? Kasi wala talaga akong matandaan eh." Pagtataka ko,kasi naman mga bes sino ba naman tanga hindi mag iisip kung sino lang ba na pontio pilato ang kumarga sakin kagabi.Hay napapaisip tuloy ako.

"Baka si Kuya Jeboy,yung anak ni Aling ba?Siya lang naman naghahatid satin lage diba?" Komento nya. Siguro nga.

Dumating na ang professor namin sa Basic Acctg(Accounting)hay nakakaboring na subject tho. Pero okay lang matatapos din naman to one hour lang.. Kelan kaya ako ulit aasarin ni Josep,yung dating ako lang yung pinapansin nya. Nagbago na talaga ang ikot ng mundo. Hay :'(

"Okay class,that's all for now.It's weekend so I'll be giving you assignment,open your books on page 45,there's a problem there and answer it at home. Make sure it is balance okay? Are there any questions?" Pagtatanong ng prof namin,hay naku ang hirap hirap pa naman ng accounting yung tipong inopen nakatunganga ka nga sa harap ng prof mo dimo parin mabalance ang problem. Hays.. Kelangan ko ng magpatulong kay Liza,isa sa mga Student assistant na napakagaling sa accounting. 

"Class you can go now." Ani ng professor.

"Bes,tara kay Liza sa Finance office. Patulong tayo sa assignment para bukas wala na tayong gagawin sa acctg." Aba't parehas kami ng iniisip ni bruha haha.

"Sige,tara" pagyaya ko.

Agad naman namin nakita at tinawag si Liza.

"Be,patulong naman kami sa acctg oh." Ani ni Mandy. "Yan tayo eh,hahaha mga looser talaga kayo sa acctg" Grabe talaga tong babae nato porke magaling sya magbalance.. Hays

"Sige na tutulungan ko na kayo,in fact.. Lemme take good care of your assignments basta kayo bahala sakin pag ako naman nangailangan huh?" Habang kinukuha nya mga notes namin at book.

"Oo naman Liz ikaw pa" pag sang ayon ko sakanya..

"Osya balikan nyo nalang to mamaya mga 2:30pm" sabi ni Liza..

"Sige,don muna tayo bes sa bench,manood tayo ng nagprapractice ng sayaw." pag aaya sakin ni Mandy.

"Tara" pag sang ayon ko. Ngunit habang nasa bench ay,hindi ko maiwasan maisip si Josep. Hay bakit kaya sya ganon sakin. Nag iisip nanaman ako.

"Siya nanaman ba? Bakit ba kasi hindi ka nalang tumingin sa paligid mo. Hindi yung isang tao lang tinitingnan mo." May sumingit. Kilala ko sya,ang matagal ng sumusuyo at matagal ko ng binabasted araw-araw na si Luigie.

"Alam mo ikaw Luigie,nagmomoment si Ninia tapos umeeksena ka. Epal ka talaga ever." Magsisimula nanaman po sila ng bangayan. Ganyan naman yan dalawang yan e.

"Bakit ba? Selos ka nanaman kasi Magdalena. Gusto mo kasi ikaw nalang ligawan ko." Napapatawa nalang ako sakanilang dalawa. Mas bagay kasi sila,para silang aso't pusa. Away dito-away doon.

"Pst! Tumigil na nga kayong dalawa,mamaya nyan malaman ko kayo na pala." Pang aasar ko sakanila.

"Ewww lang ha. Kaderder ka naman bestfriend." Umaakto pa syang nasusuka.

"Mas ewww ka kaya." Si Luigie nanaman ang umaaktong parang nahihimatay.

"Ewan ko sainyong dalawa,tara punta tayo sa Caf. Bili muna tayong food." Pag aaya ko sakanila. Habang naglalakad papunta sa Caf nahagip ng paningin ko si Josep parang nag uusap sila ni Dinna.Biglang sinampal ni Dinna si Josep,dahilan para pagtinginan sila ng mga studyante.

"Break na tayo Josep." At tumakbo palayo si Dinna.

"Okay." Walang kaemo-emosyong sabi ni Josep. Imbis na maging masaya ako parang naawa ako kay Dinna dahil sa ganong reaction lang ni Josep. Nuknukan talaga ng pagkababaero. Tsk

Napatingin naman sakin ang dalawa kong kasama,bikit balikat nalang ako at inaya sila sa Caf at saka bumili ng pagkain bago pumasok. Dami-daming diniscuss dahil parating na ang Midterm kaya todo kayod na para sa review ang psychology students.Last subject ko ay Rizal. Halos lahat kami ay gusto ng matulog dahil sa sobrang boring ng professor namin,masyado akong naeexcite sa phrase na "okay class dismissed" kaya ng marinig ko ito ay dali-dali akong lumabas sa classroom. Si Mandy? May tatapusin pa raw sya sa Lib. (Library).Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan kong maglakad pauwi since walking distance lang naman ang school at bahay namin ni Mandy.Nilagay ko ang earphones ko sa tenga at nakinig ng music tinodo ko ito sa maxvolume para wala akong care sa nasa paligid ko.
Isang himala ata ang naganap ng may sumabay sakin.

"Bakit mag isa kalang ata Ninia Josepa" sabi ng lalaki.

"Ah-eh. May ginagawa pa si Mandy sa Lib e." Sagot ko naman.

"Sabay nalang tayo." Sabi ng lalaki.

Speechless po ako actually. Kasi,after 23million years e nakasabay ko nanaman sya. Yes,si Josep po.

"Kamusta kana? Napagalitan kadaw ng Nanay mo kanina ah?" Intrigang tanong niya sakin.

"Hala? Pati sayo nakarating pa talaga yon. Sino ba nagsabi sayo mga kuya ko ba?" Iritableng tanong ko sakanya.

"Hindi. Alam ko lang." Nye? Pano naman niya nalaman e wala naman syang pakealam sakin. Hala? San nanggaling yon.

"Ah,bakit ka sinampal ni Dinna kanina?" Pasegway kong tanong.

"Ahh. Wala,nakipagbreak na sya sakin." Wala parin akong makitang emosyon sakanya.

"Ah. Ganon?" Nangangati akong magtanong kung bakit. Pero,naisip ko parang napaka chismosa ko naman ata.

"Alam mo Josepa,ayoko naman talaga sakanya e. Ang itim kaya ng kili-kili non saka bad breath pa." Halos matawa tawa syang ikinikwento yon.

"Eh,bakit mo syinota?" Balik tanong ko sakanya.

"Wala lang. Sabi ng tropa.. May gusto naman talaga ako e,ang kaso hindi niya ata ako gusto." Bigla akong kinabahan. Teka,ako kaya yon? Weh,imposible. Alam ko naman na halata niyang may gusto ako sakanya e di sana nanligaw nsya? Shet! Abg lakas ng heartbeat. Tsk

"Ah. Eh,bakit di mo tanungin? Malay mo may gusto rin sayo?" Pahaging ko pa sakanya.

"Hindi. Wala yon,malabo." Yun lang ang sagot niya. Hay.. Ako na kaya yon? Dinaan niya lang ako sa bahay saka nagmano kay mama. Akala nga ni mama inihatid ako ni Josep,pero ang sabi ko lang e nagkasabay lang kami. Yun at yun lang ang araw na nagkausap kami ulit ni Josep. Ano kayang nangyayari sakanya.Nakulam ata! Anyway It's Friday today and let's have some fun tomorrow is Saturday and Sunday walang pasok. Yiieeeeeeha. Ngunit biglang napawi ang saya ko ng maalala kong grounded pala ako.


a/n two years ago ko napala ginawa to. icocontinue ko lang.. hihihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Irony of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon