TOSS #2

18 3 1
                                    

"Bakit hindi mo kase pansinin Ennie?"

Bumuntong hininga nalang ako sa aking naririnig. Section two ako, kaklase si Ennie na aking kinabubwisitan. Wala kayong paki, ayoko lang ang ugali niya. Masyadong pabebe. Hindi ako bitter kase siya ang nililigawan ni Harry-- na siya namang gusto ko, tinatanaw lang sa malayo.

Harry is a good guy. Biniyayaan siya ng napakagandang ugali, hindi lang masyado sa mukha. But whatever, hindi ako tumitingin sa looks, hindi katulad ni Ennie.

Maswerte nga siya, dahil siya 'yung nililigawan ng lalaking pangarap ko. Yung lalaking gentleman, kaya kang mahalin ng buong-buo, nasa'yo lang ang atensyon niya at kung mamahalin mo siya ay sure win. Walang pangamba. Matalino rin siya, nga lang ay nasali sa section three.

Oo mayabang siya pero walang wala sa kabaitan niya. Hindi rin siya ga'nong mayaman, 'di rin heart throb na siyang kina-a-adikan ni Ennie. Baliw din si Carmelo sa kanya-- iyong heart throb na naging gusto ko rin dati.

I wonder, lahat ng gusto ko, gusto niya or nakukuha niya. Lagi nalang siya. Pero hinayaan ko 'yun. Hindi ako warfreak na papatulan siya nang dahil sa lalaki. So cheap.

Isang araw ay 'di ko na nakayanan, hulog na hulog na ako kay Harrison kahit hindi naman niya ako pinapansin. Ang layo layo niya, hindi ko siya maabot. Hindi niya ako nakakausap pero ba't gan'on, siya pa rin ang natipuhan ko?

Kaklase ko na siya ngayong grade ten kaya kilala niya ako pero gan'on parin. Baka nga hindi niya alam na nag-e-exist ako.

I don't know which is better, 'yong malayo siya na hindi ako kilala at hindi pinapansin o 'yong ang lapit niya, kilala ako ngunit hindi parin ako mapansin?

Gabi no'ng nag-confess ako sa kanya. Ang baliw kong babae! Sa aming magbabarkada, ako 'yung may lakas ng loob at walang hiya na umaamin sa lalaki. But hindi naman kase personalan.. sa chat lang. Uso na ngayon ang social sites kaya okay lang.

Pagka-chat ko na gan'on ay naging magkaibigan kami. Hindi niya pinansin na may nararamdaman ako sa kanya bagkus ngayon ay napapansin niya na ako.

Ang saya ko! Feeling ko tuloy gusto niya na ako at wala na siyang nararamdaman kay Ennie na walang nagawa kung hindi ang saktan lamang siya. But I was wrong.

Valentine's day ay napatunayan kong si Ennie parin. Binigyan niya ng roses and chocolates, sa ngayon ay sinagot na yata siya. It hurts yes, hindi kami kaya wala akong karapatan. Kaso nagmamahal lang ako e.

Hindi ako umiyak. Nawalan lang ako ng gana. Alam ko na ang kapal ng mukha ko pero hindi makapal na makapal para pangalandakan na nasasaktan ako.

Umalis ako sa gym, nagtungo ako sa playground ng school namin. Ang saya saya ng mga batang naglalaro. Sana bata nalang ako ulit at wala ng iniisip.

Nang naging bakante ang slide ay umupo ako sa hagdananan. Napatulala ako. Simpleng side pero nagkaroon ng meaning sa akin.

Ang maranasan mong mahulog ng masaya pero alam mong walang sasalo sa'yo.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon