Author's Note:
Happy and blessed Sunday! This ends The Devil's Secrets! Salamat sa paghihintay sa updates nito. Thank you for putting up with Travis Reyes's POV. Naniniwala ako na I have the most silent yet the best readers there is here on Wattpad.
You will still be seeing Travis and Freia on HER UNRULY WAYS as cameos and side characters as promised. Happy reading!
~~
Baby,
Maybe I lied when I said the only favorite moment of my life is our wedding or our honeymoon. Somehow, when I knew that you are pregnant with our first child it became the best news I have ever heard in my life.
Mas maganda pa kaysa sa balitang pwede na kaming magexpand internationally, my love. Mas maganda pa sa nadagdagan na ang branches namin, Freia.
I felt like I was on top of the world. Mas mataas pa sa mga ulap sa langit, Freia. To have a family with you is one of the greatest dreams I always had ever since we were together 2 years ago. Halos matalo ko pa ang mga doctor mo sa pagaasikaso sayo. Kada-isang buwan bumabalik tayo sa ospital para sa updates at lahat ng bilin ng obstretian-gynecologist ay sinunod natin. Pagkain, oras ng tulog and even the exercises that can help you.
Naiyak ako nang makita ko ang unang ultrasound mo, Freia. So see our child's heart beating. We have our daughter now! Hindi na lang tayong dalawa ngayon.
I will always work hard and try to be the best husband and father for our family, my love. I will treat her like a princess and you as my only queen.
Love,
Travis
~~
"Sinabi ko naman sa'yo Travis isang manga lang ang gusto ko. Hindi iyang hinog gusto ko yung maasim na green." Inis niyang sabi sa akin habang nakaupo sa kama.
A green mango in the middle of the night. Can anyone believe this girl in front of me?
"Baby, I asked all round the stalls pati sa palengke pero halos sarado pa sila. Isa nga lang ang naabutan kong bukas at ito lang ang manga nila wala iyong hilaw pa." Pag-aalo ko sa kanya habang sinubukang iabot sa kanya ang nakahiwang manga.
"No! Ayoko na ng mangga. Isaw na lang ang ibili mo sa akin. Gusto ko 5 piraso ngayon na." Pagbabago ng isip niya sabay tulak sa akin.
Napanganga na lang ako sa hiling niya. Is she crazy? Isaw habang alas-tres ng madaling araw? Sinong nagtitinda ng ganon ng ganito kaaga! Sayang 'tong mangga, pinagmadali ko pa iyong nagtitinda para makauwi agad.
"Alis ka na! Baka wala ka pang makita mawalan ulit ako ng gana. Sige na, baby. Ang baho mo na naman. Ayoko na yang pabango mo." Sabi niya habang tinatakpan ang ilong niya.
Kakabago ko lang nitong pabango ko. Sabi niya sa akin ito raw ang gusto niya dahil mabaho iyong luma, tapos ayaw na naman niya. Minsan pakiramdam ko mababaliw na ako sa mga hiling niya pero hindi ko talaga siya sinusukuan.
I can go crazy if it means satisfying the woman of my life.
~~
"Ikaw, ikaw ang may kasalanan kung bakit masakit 'to, Travis! Hindi na tayo mag-aanak ulit!" Sigaw na naman ni Freia.
"What? No! I thought we planned on having 2 boys and 2 girls?" Tanong ko sa kanya.
We are currently in the labor room of the hospital. Mag aanim na oras na din kami dito at halos panlalait lang mula sa asawa ko ang naririnig ko. Tinanong ko na sa doctor ang tungkol doon. Mas mabuti na lang daw na huwag kong patulan iyon dahil marahil dala lang sakit na nararamdaman niya ang mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Devil's Secrets (MDIMB: Travis's POV)
Cerita PendekTHIS IS NOT A SEQUEL FOR MR. DEVIL IS MY BOSS! These are a compilation of short parts written in Travis Reyes's POV. |-| When cupid hits you with his arrow, love will smack you in the chest hard. Hard enough to make you feel like you're loosing your...