"Jumaii! Dyusko, Jumaii! Yung notebook mo nasaan na! Pahiram ako!" naghi-hysterical na sabi sakin ni Dessa. Bestfriend ko.
"Saglit lang! Ikaw na nga nanghihiram ikaw pa sumisigaw!" sabi ko. Oo! Ako hiraman ng notes dito.
Mga tamad kasi kumopya ng lecture. Kaya pagdating ng deadline na ichi-check na, ayun! Binubulabog na ako ng mga kaklase ko para manghiram ng notebook ko.
"Ay naku! Salamat! Kaya love na love kita eh!" sabi ni Dessa ng makuha niya na yung notebook.
"Naku! Lagi na lang ako hinihiraman niyo ng notebook! Paano na lang kapag wala na ako??" sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Naku, Jumaii! Nag-amok ka na naman! Sige na! Gagawin ko na toh bago pa dumating si Mam Celestino." sabi niya saka umalis na.
Nangalumbaba na lang ako saka tumitig sa kawalan.
Papasok kaya si Sean??
Itago niyo na lang ako sa pangalang Johara May Padilla. 18 years old. At ang crush ko nga pala, para walang makakilala, itago niyo na lang siya sa pangalang Sean Kloune Christian Sta. Maria. ^_^
Maya maya, pumasok na yung first subject teacher namin. Wala tuloy akong kausap ngayon! Mukhang absent kasi siya, eh. :(
Birthday ko pa naman ngayon.
Birthday ko pero hindi ako nagsasalita. Ang gusto ko, babatiin nila ako without saying na 'hey, it's my birthday. and this is crazy!'
Nag-start na yung discution. Nakakatamad makinig. Wala kasi akong inspirasyon eh.
Maya maya may sumigaw.
"Mam! May birthday po!" o? May kasabay ako na may birthday??
"Sino??" tanong ni mam.
"Si Jumaii po!" sagot nung isa.
"Talaga??" Tumingin sakin si mam."Happy birthday Johara!" :)
"Thank you po mam." sabi ko sa pilit na ngiti.
"O, bakit parang hindi ka masaya??" tanong ni mam.
"Eh kasi po mam, hindi pumasok si Sean kaya malungkot siya." sigaw ni Dessa. Nakuu.. Makakatikim ka sakin mamaya.
Tapos ang dami pang nangyari. Hindi ko na lang pinansin. Natulog na lang ako. Bored na ako, eh.
Lumipas ang dalawang subject at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na hindi papasok si Sean.
"Jumaii, beybeh. Halika dito, dali!" Maya maya ay tawag sakin ng kaklase kong si Zac
"Kung mang-aasar ka lang Zac, wag mo ng ituloy. Wala ako sa mood ngayon." walang ganang sabi ko saka umub-ob sa desk ko.
"Edi wag! Sungit nito!" narinig kong sabi niya.
Maya maya dumating na yung next teacher namin.
"Mam, may birthday po! Kaya lang po wala yung man of my dreams niya." sabi ni Zac.
Naku, Zac, makakatikim ka talaga sakin. Kainis.
Lahat na naman ng classmates ko nag-'AYIEHH'. Umirap na lang ako.
Nakayuko lang ako sa desk ko at wala akong pakielam kahit magalit sakin ang teacher ko. Basta wala ako sa mood, wala ako sa mood.
"Sino toh?" Narinig kong sabi ni mam. Siguro ako yung tinutukoy niya. Mukha kasing malapit yung boses niya sakin, eh.
"Si Jumaii po." sabay sabay na sabi nila.
"Eh bakit nakayuko? May sakit ba siya?" naramdaman ko ang paghawak niya sa leeg ko.
"Mam! Wala po kasi yung inspirasyon niya kaya wala po siyang ganang mag-aral. Birthday pa naman niya ngayon." narinig kong sabi ni Dessa.
Hinayaan ko na lang since totoo naman. Wala akong ganang mag-aral ngayon dahil wala yung Sean My Labs ko. Hindi kumplote ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang gwapo niyang mukha.
Naalala ko ang happy memories namin ni Sean. Kapag magkatabi kami sa upuan, nagkikilitian kami. At kung anu-ano pa. Kahit alam niya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, hindi niya ako nilalayuan.
Ewan ko ba, napapansin ko minsan, parang ako lang yung kinakausap niya ng matino. Yung iba kasing girls sinusungitan niya. Hindi ko lang alam kung bakit.
Lunch break na. Wala na talaga akong kagana-gana. Birthday ko pa naman tapos wala siya. Haysst. Nakapangalumbaba lang ako.
Naririnig ko lang yung classmates ko na pinag-uusapan ako. Kesyo kawawa daw ako dahil birthday ko daw tapos wala yung sinisinta ko.
Haysst.. Sana pala hindi na lang ako pumasok.
Gusto ko ng umuw--
"AYIEHHH!!!!!!" kinikilig na sigaw ng mga kaklase ko.
Pagtingin ko sa may pinto ng classroom namin.
o.O --> >/////<
Si Sean mylabs ko! Yayks! Pumasok!
Kanino kaya yung hawak niyang teddy bear na may nakasulat na "I Love You"?
Nalungkot ako bigla. Mukhang may nagugustuhan na yata siyang iba. :(
Pero..
Lahat ng classmates ko tahimik lang na naghihintay sa susunod na gagawin ni Sean. Ako din.
Maya maya pa..
Nagha-hallucinate ba ako o talagang papalapit siya sakin?
"Hi Jumaii!" bati sakin ni Sean paglapit niya.
"Ahm.." >_> --> <_< "H-hi.." nahihiyang bati ko sa kanya.
"For you nga pala." sabi niya saka iniabot sakin ang teddy bear. Lahat ng classmates ko nagsigawan nung kunin ko yung teddy bear.
"Para sakin toh??" tanong ko habang nakaturo yung pointed finger ko sakin.
"Yes. Anong nakasulat dun sa unan na hawak ng teddy bear?" tanong niya.
"Ahm.." Tiningnan ko yung teddy bear. "I love you. Bakit?" takang tanong ko.
"Wala lang--"
"I love you, too kasi."