[1] Ang alamat ng candy ko. *bow*

622 26 8
                                    

Ako po si Rhea Nicole Catronuevo. 19 years old. Second year college sa course na business management.

Nandito ako sa school right now.

Kasalukuyan akong nakaupo sa paboritong tambayan ng mga estudyante sa aming school.

Kumpleto kasi ang facilities dito. May mga mesa para sa mga gustong magdaldalan lang at mayroon namang anim na billiard tables para sa mahihilig magbilyar.

Di-kalayuan sa pwesto ko ay may mga nagda-darts at ilang metro lang mula doon, ang glass door papasok sa computer shop para sa privacy niyon.

Bukod doon ay maganda rin ang ambiance ng buong lugar kaya kahit anong oras ay maraming estudyante ang naroon.

Pero kung sila ay tumatambay ako naman ay busy sa paggawa ng homeworks ko kasi 15 minutes na lang matatapos na ang break namin.

Kung bakit kasi tatlong araw nasira ang laptop ko ey! Yan tuloy kung kelan deadline saka ko ginagawa tong journal ko..

"Hi!"

Mula sa mata kong nakatutok sa laptop ay lumipad ang tingin ko sa taong nagsalita sa harap ko.

"Pwedeng makiupo?"

Hindi ako sumagot. Nakatutok lang yung mata ko screen habang tuluy tuloy yung kamay ko sa paggalaw.

*dugdug-dugdug*

Pesteng puso ka manahimik ka! Pag narinig ka ng impakto sa harap ko tatanggalin na kita sa organ ko! Papalitan kita ng bato.. Ano yun pusong bato?

"Bakit kaya kailangan pa nating pag-aralan ang tangent at cotangent sa Math, noh?" Narinig kong sabi niya. "Ang sakit lang sa ulo. Hindi naman mapapakinabangan."

Hindi talaga ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Mabuti pa ang alphabet, nakakagawa ng equation, 'no?" Patuloy niya. "C equals A plus B. Sa numbers, hindi mo naman pwedeng gawan ng sentence, kasi ang weird. Thirty-one asked three thousand seventy-eight if ten will be sixty-nine eight. Oo weird nga."

Okay..

My knees are trembling.

For the first time kinausap ako ng 2 years kong crush.

Gusto niyong malaman kung bakit?

Flashback

"Okay class, I am your new professor. Call me Ms. Delos Santos ah-bla-bla.."

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon