Xeena's POV
Haysst... Ang gwapo niya talaga. Daniel, bakit ba ang layo-layo mo sakin?? Kailan kaya kita makakausap?? Kailan kaya kita mahahawakan?? Kailan kaya--
"Hoy! Xeena Marquez! Out of this world ka na naman! Kanina pa kita kinakausap pero space out ka na naman!"
"Ano ka ba naman Shiela?! Give me a break! Ngayon lang ulit ako makakatitig sa man of my dreams ko e-epal ka na naman diyan!" Inalis ko ang tingin ko sa kanya at muling nangalumbaba at bumalik sa pagtitig sa Daniel ko.
Kahit hindi ko siya tingnan alam kong inirapan niya ako. "Hay naku, Xeena. Eh kung nilalapitan mo sana yan at nagtatapat ka na, hindi yung para kang tangang nakatulala diyan at laging nakatitig sa kanya. Nagmumukha kang tanga."
Ngumiti ako pero nanatili ang mata ko sa minamahal ko. "Ayoko noh. Siya ang lalaki kaya dapat, siya ang unang magtapat."
"Magtatapat?? Siya?? Sayo?? Haha!! Bakit?? May gusto ba siya sayo??" Sarkastikong sabi niya.
Tiningnan ko siya ng masama. "Mahal ko siya." Sabi ko saka ngumiti ulit at ibinalik ang tingin kay Daniel ng buhay ko. "Hayy.. Ang gwapo niya talaga. At ang pula ng labi. Kapag nahalikan niya ako, pwede na akong mamatay." Sabi ko habang namumungay pa ang mga mata kong nakatitig sa buhay ko. Si Daniel ang buhay ko.
*Krriiiiiiiiiinnnnngggg*
Tumunog na ang bell. Hayy.. Tapos na ang lunch break. Kainis naman. Hindi ko pa tapos titigan ang future husband ko, eh.
Nag-umpisa na ang klase namin kasi dumating na ang teacher namin sa math. Ayoko talaga ng math! Sino ba kasing siraulo ang nag-imbento ng math?? Bakit pa?! Para pasakitin ang ulo ng mga estudyante sa pagso-solve?? Hay naku..
Buti na lang bukas pa idi-discuss ang lesson. Sa ngayon, magle-lecture daw muna kami ng maikli. Makalipas ang sampung minuto hindi pa ako nakakapagsulat. Nakatitig lang ako sa blackboard habang nagsusulat ang secretary ng klase namin.
Putcha! Maikli ba yan?! Eh nakakadalawa na ng gamit ng blackboard eh! Dalawa kasi yung blackboard namin sa room. Rectangle siya. Magtaka ka kung naging circle yan. So yun nga, hinati yung isang blackboard gamit ang chalk. Tapos gagamitin na yung isa pang blackboard
Dyusko! Makita ko pa lang yung isusulat ko napapagod na ko! >.<
Matulog na lang kaya ako?? Tapos kapag tinanong ako ng math teacher ko sasabihin ko masakit ulo ko. Uhm. Tama, tama. *tango-tango* Ang talino ko talaga. ^_^
Yuyuko na sana ako sa desk ko ng mahagip ng mata ko na papalapit sakin ang ginusto ng puso ko. Nagiging corny na ko ah!
Emeghed! *Q* Ang gwapo niya pala sa malapitan. Pasimple kong idinampi ang daliri ko sa gilid ng labi ko to check kung tumutulo na ba ang laway ko. Hindi pa. Imagination ko lang siguro yun.
"Ahm.. Xeena." Oh my god! Ang gwapo ng boses niya!! At hindi ko alam na alam niya pala yung pangalan ko! You can kill me now!!
"Y-yes??" Xeena! Pigilan mo yung sarili mo! Baka sa sobrang pagkabaliw mo sa kanya eh mayakap mo siya at bigla ka niyang takbuhan! Sayang ang opportunity!
"Pwede bang.." Maging tayo?? Oo!! Yes na yes!! "Makahiram ng ballpen?? Naubusan kasi ng tinta yung ballpen ko, eh."
Ay. Kala ko naman, eh. Pero shocks! Kinausap niya ko! Pwede na kong mamatay! Ay hindi pa pala pwede yun! Kailangan ko munang mahalikan ang mapupula at kaakit-akit niyang mga labi bago ako mamatay.