Chapter 6

31 0 2
                                    

Eksaktong alas siete nang marinig niya na ang katok sa labas ng inookupa niyang silid. ‘On time ang damuho.’

Pinasadahan ang sarili sa salamin. She’s wearing a denim shorts and a plain white shirt, hindi niya alam kung saan sila pupunta kaya pinanloob nalang niya ang kanyang itim na bikini para in case maisipan nitong magswimming. Inilugay nalang rin niya ang buhok. Hindi na siya naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha.

Muli niyang narinig ang katok kaya tinungo na niya iyon para buksan.

Nakangiting mukha ni Andrew ang nabungaran niya. Saglit naman silang natigilan nang mapagmasdan ang isa’t isa. Paano ba naman? He is wearing a blue board shorts and a plain white shirt! Parang pinag usapan nila ang susuutin.

“Parang wala naman akong naaalalang pinag-usapan natin ang isusuot.”

Pareho na lamang silang natawa.

“Good morning, by the way.” Saka may inilabas na sunflower mula sa kung saan at iniabot sakanya.

“Saan mo naman napitas to?” aniya para itago ang kilig na naramdaman pasimple na rin niyang inamoy ito para itago ang pamumula ng pisngi.

“Diyan lang.” Anito sabay kindat pa sakanya. Buong mukha na ata niya ang namumula.

“P-pasok ka muna. Ilalagay ko lang sa vase to saka kukunin yung bag ko and we’re good to go.” Aniya at nilakihan ang bukas ng pinto.

Inilibot nito ang tingin sa kwarto.

“Hindi naman ako rich kid. Sponsor lang ng asawa ng boss ko, malapit na raw kasing mag-expire kaya ibinigay na niya kaysa masayang."

Hr chuckled. “Wala naman akong sinabi.”

Iginiya niya ito sa receiving are ng hotel room.

“Upo ka muna. Sandali lang ako. Do you want anything?”

“You.”

“Huh?”

“Nothing. I’m good.”

Kumuha muna siya ng vase sa mini kitchen ng suite na saka nilagyan ng tubig bago tinungo ang kwarto para ilagay sa kaniyang bedside table.

Muli siyang napangiti nang mapagmasdan ang bulaklak. It’s not her favorite flower pero mukhang may bago na siyang paborito.

Bigla siyang napailing. Iba na talaga ‘to. Nababaliw na’ko.’

Kinuha nalang niya ang kaniyang beach bag na naglalaman ng mga personal necessities niya incase may iba silang puntahan o anuman.

She gave herself a last look before she head out to where Andrew is waiting.

Ngumiti ito ng malingunan siya.

“Ready?”
“Tara na.”

She locked her hotel room saka binalingan ang binata.

“Ano bang plano mo ngayong araw?”
“Marami pero siyempre, breakfast muna.”

“Magandang idea yan.” Sabay pa silang nagkatawanan.

Nagulat pa siya ng bigla nitong hinawakan ang kamay niya na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso saka sila magkahawak kamay na naglakad patungo sa elevator pababa sa buffet area.

No one dared to talk inside the elevator. Hindi siya mapakali habang ang kasama nama’y hindi nga ngumingiti pero napaka-aliwalas naman ng mukha.

He suddenly looked down on her. Hindi nan niya alam kung anong dapat gawin.

“Are you okay?”

“Uhh. Yes.” Aniya saka pinilit ngumiti.

“Let me know if you need sonething okay?” at sa gulat niya’y hinila nito ang kamay niyang hawak nito kaya naman napasubsob siya sa dibdib nito. Muntik na rin siyang atakihin sa ouso nang bigla siya nitong hinalikan sa tuktok ng ulo niya.

For her, the kiss in the forehead or on top of the head is one of the best way to show someone you care for them and that they are important to you.

Saglit lang iyon dahil bumukas na ang pinto ng elevator. Hinalikan pa nito ang kamay niyang hawak nito bago siya muling hinila na patungo sa lobby ng hotel kung saan naroon din ang buffet table.

Hindi naman nakaligtas sakanya ang mga tingin ng mga tao sa paligid lalung-lalo na sa magkahawak nilang kamay. Parang wala namang napapansin itong kasama ko at tahimik parin akong ginigiya patungo sa lamesang ookupahin nila.

Ipinaghila pa siya nito ng upuan.

“Ako nalang ang kukuha ng pagkain natin. Wait for me here.” Napatango nalang siya at muling ipinalibot ang tingin sa mga mangilan ngilang tao na nasa kanila parin ang atensiyon.

Marahil ay kilala nila si Andrew, sino na nga lang ba ang hindi nakakakilala sa isang Andrey Philippe Salcedo?

Nilingon niya si Andrew na sakto ring lumingon sakanya, ngumiti ito. Tipid din siyang ngumiti dito.

The CEO's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon