"MAGANDA KA BA, 'TEH?" sarkastikong tanong ng kaibigan niyang si Nadine.
"Tse!"asik niya rito. "Bakit ka ba napadpad dito?"
Nasa Live Cafe sila ng mga sandaling iyon. Sa Pilipinas ito nagta-trabaho kaya ipinagtataka niya kung anong masamang hangin ang nagdala rito doon at kasalukuyang binubuwisit ang kanyang umaga. Ikinuwento niya rito ang naging stint niya tatlong linggo na ang nakaraan kung saan naging modelo siya kasama ang EXO sa isang sikat na magazine.
"Oh, anong feeling na maka-trabaho sila?" kinikilig na tanong nito. "Did you get the chance to see and feel Sese's abs?" pumikit pa ito at nag-day dream.
Si Oh Sehun ang bias nito sa grupo. Hindi ito mahilig sa kpop at naimpluwensyahan lamang niya ang pagkabaliw nito sa EXO.
"Child abuse ýang pangma-manyak mo kay Oh Sehun sa isip mo." Isinerve niya ang latte na order nito. "Oh, laklakin mo 'yan. Mukhang kinukulang ka na ng caffeine sa katawan at kung anu-ano na lumalabas sa bibig mo."
"Uy, thank you! Nag-abala ka pa. Libre?"
Sarkastiko siyang ngumiti. "Kapal talaga ng taba mo!"
Tumalikod na siya at akmang babalik na sa counter ng hilahin nito ang braso niya at paupuin siya sa katapat na silya nito.
"So, how was it?"
"Anong 'how was it?' pinagsasasabi mo diyan?! It's not as if nakipag-one night stand ako sa kanila, noh!"
Pumalatak ito. "Bakit ayaw mo ba? Lugi pa?"
"Hoy!" Inambahan niya ito ng suntok.
Tumawa ito ng malakas. "Chill, my friend!"
Humigop ito sa isinerve niyang inumin. Nagpangalumbaba lamang siya. Ayaw na niyang maalala ang mga bagay na na-realize tatlong linggo na ang nakaraan. Isinubsob niya ang mukha sa lamesa.
"Letche kang Chanyeol ka..." usal niya.
Hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ng kaibigan niya.
"Wow, Chanyeol ulit?"interesadong tanong nito. "Ano ganap sa inyo? Kala ko moved on ka na sa kanya?"
Nag-init na naman ang ulo niya. Itinaas niya ang mukha mula sa pagkakasubsob sa mesa at ikinuyom ang mga kamay. "
"Bad trip siya, eh! Kala mo may abs, puro naman taba. Kala mo guwapo---"
"Bakit, hindi ba?" singit ni Nadine.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Bakit mo ko tinatanong niyan?"
"Masama ba?" inosenteng balik-tanong nito.
"Oo, ayoko sagutin yan. Babaho hininga ko."
Nagkibit-balikat ito. "Takot ka lang."
"Bakit naman ako matatakot? Sino ba siya sa akala niya?!"
Mataman siyang tinignan ni Nadine. "You still have a thing for him." Hindi iyon isang tanong kundi isang kumpirmadong pangungusap. "That's why you're scared of admitting anything good about Park Chanyeol because you might fall head over heels in love with him all over again just like before."
There, nasabi na ni Nadine ang pinaka-ayaw niyang aminin sa sarili.
Huminga siya ng malalim upang rendahan ang nagwawalang puso.
"Your world used to revolve around him. Kaya ka nga nag-punta rito sa Korea dahil sa kanya. Hindi dahil kay Zhang Yixing kung hindi dahil kay Park Chanyeol," ngumiti ito ng may pang-unawa. "Ngunit dahil sa nasaksihan mo nang minsang may kahalikan si Chanyeol sa labas nitong Live Cafe ay tumiwalag ka na sa pag-sinta mo sa kanya at nagpa-convert bilang isang sumi-sinta kay Zhang Yixing."
BINABASA MO ANG
Mismatched: The Misadventures of PanotCha ❤
FanfictionAllergic si Sielita Ann sa lahat ng may kinalaman sa KPOP - mga musikang nagmula sa South Korea. Para sa kanya, mga jejemon lamang ang nababaliw sa naturang musika at hinding hindi siya magiging kabilang doon. Ngunit nabago ang kanyang paniniwala ng...