"WHAT THE HELL'S GOING ON?!"
Iyon ang tila sirang plaka na paulit ulit na katanungang tumatakbo sa isipan ni Sielita Ann. Hindi niya namalayan na naibulalas niya ang katanungan na iyon dahil sa sobrang frustration."Are they really trying to kill me? Waeyo? Wae?"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Sielita Ann ang kinasapitan sa kuko ng mga fans ng naturang boy group dahil sa lumabas na magazine kung saan sila ni Park Chanyeol ang naturang cover.
"Please calm down." Si Zhang Yixing ang nakasagip sa kanya kanina kaya ngayon ay humihinga pa rin siya sa mundong ibabaw. Inabutan siya nito ng bottled water.
Nasa loob na siya ng sasakyan nito at kasalukuyang binabaybay ang daan pabalik ng kanyang apartment kung saan siya tumutuloy.
Paano siya matatahimik matapos ang mga nangyari sa kanya? Hinilot niya ang kumikirot na ulo. Napasinghap siya ng maramdaman ang hapdi sa kanyang noo. When she looked at her hand, there was a stain of blood.
"Damn it. I knew this will happen..." Mahinang sambit ni Yixing. Inabutan siya nito ng tissue. Nang hindi siya kumilos upang punasan ang dugo na tumutulo sa kanyang noo ay itinabi ni Yixing sa gilid ng kalsada ang sasakayan at ito na ang dahan-dahan na nagdampi ng tissue sa kanyang noo.
Natigilan siya at marahang pinagmasdan ito. Nagkatitigan sila ni Yixing. Guwapo ito pero hindi niya maramdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon kapag si Chanyeol ang kaharap niya.
Bakit hindi na lang si Zhang Yixing ang minahal niya? Kung tutuusin, walang-wala ang personality ni Chanyeol dito.
Pero bakit kay Chanyeol pa rin kumakaway at nagpapa-cute ang puso niya?
"Hyung! Lay, hyung! Where's Noona? How is she?" Nag-aalalang boses iyon ni Sehun sa kabilang linya.
Naka-loudspeaker ito dahil nagmamaneho si Yixing.
Pakiramdam niya ay napagtulungan siya ng walang kalaban-laban. Wala naman siyang naagrabyado pero bakit tila siya nakapatay ng tao? Dahil ba pakiramdam ng fans ay namatay ang mga ito sa nakitang magazine cover? Kung doon pa lang halos maghurumentado na ang mga ito, paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na nahalikan na rin siya ni Chanyeol?
Sa noo.
Speaking of Chanyeol, nasaan na nga ba talaga ito? He was the one declaring to protect her if this kind of thing will happen, but now, where the heck is he?
"Did you get her safe?" Si Chen iyon.
"No scratch?" Si Kyung Soo iyon.
"Still breathing?" Si Baekhyun naman.
"Yah~! Do you also want me dead, Baekhyun-ah?!" maktol niya kay Baekhyun.
Naka-conference call ang mga ito. She was touched by the hint of concern in their voices.
"Aniyo. I'm glad you're safe."
"I am now boarding a plane to Seoul," Boses iyon ni Suho. "Has anyone of you contacted Chan--"
"Mifren~!!" Ang pamilyar na boses ni Rhoze ang pumalit sa boses ni Suho.
"Omo~ Mifren!! Inaaway nila ko dito. Huhuhu~" Pagsusumbong niya rito. Hinawakan niya ang car speaker at inilapit doon ang mukha na tila iyon mismo ang kaibigan.
"Don't worry, Mifren! Papunta na kami diyan. Iuuwi na kita rito sa Pilipinas!"
"Suho-hyung, what happened to your voice?" Boses iyon ni Kai na mamabakas ang pang-aasar sa leader.
"Give my phone back, will you? And, please be quiet. You're attracting attention."
"Maganda kasi ako. They cant help it. At ano bang pakialam mo?! Close ba tayo para sabihan mo kong manahimik dyan? Mahal ang pananahimik ko!"
Narinig nila ang mapang-asar na tawa ni Suho. "Kaya mahal kita eh," matamis na sabi nito.
"TSE!!" narinig niyang angil ng kaibigan. Naiimagine na naman niya ang umuusok na bumbunan ng kaibigan.
Napuno ng kantiyawan ang conference call na iyon dahil sa narinig nilang usapan na iyon ng mag-ex. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Isang boses na lang ang hinihintay niyang marinig.
"Yeoboseyo?"
Natahimik ang lahat ng nasa kabilang linya ng marinig ang boses na iyon. Kilalang kilala ng sugatan niyang puso ang boses na iyon.
Park Chanyeol.
"Lay-hyung? How... is she? Is she alright?" Sunud-sunod na katanungan rin nito.
Bahagyang sinulyapan siya ni Yixing upang alamin kung ano ang reaksiyon niya. She bit her lower lip to keep her emotions at bay. Mababakas sa boses nito ang pag-aalala pero kung nag-aalala talaga ito, bakit hindi man nito nagawang tawagan siya upang direktang ipaalam sa kanya na hindi ito makakarating sa kanilang usapan?
Maya-maya ay nagsalita na si Yixing. "She has bruises and a small cut on her fore--"
"Mwo <What>?! Eodie <Where>?! Wae<Why>?! What happened?! Where are you now?"
Nahimigan nila ang boses ng isang babae na nagsasalita ng Mandarin sa kabilang linya. Kung tama ang pag-aanalisa niya ay nasa China pa ito ng mga sandaling iyon. At kaya hindi ito nakarating doon ay dahil...
She felt miserable.
Nakita niyang humigpit ang hawak ni Lay sa manibela. Tila nagtitimpi din ito sa mga nangyayari. Hinawakan niya ang braso nito at marahan siyang umiling.
"If you want to know how is she doing, you find out and see it yourself," malamig na sagot ni Yixing.
"Where is she?"
Huminga siya ng malalim at ikinuyom ang mga kamay. She can't stand hearing the concern in his voice. Mas lalo lang sumasakit ang puso niya dahil hindi niya magawang magalit dito.
"I should be the one asking you that, you moron! GO BALD IN HELL!" she screamed and ended the call.
Doon na tila bumigay lahat ng tapang niya. Nasaan na nga ba talaga ito? She waited and waited for nothing. Kaya ba niyang marinig ang reason nito kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila? May magbabago ba kung sakali man?
She felt as if they're breaking up even if they haven't started anything yet...
At iyon ang pinakamasakit sa lahat...
Dahil fans na nito ang humahadlang...
BINABASA MO ANG
Mismatched: The Misadventures of PanotCha ❤
FanfictionAllergic si Sielita Ann sa lahat ng may kinalaman sa KPOP - mga musikang nagmula sa South Korea. Para sa kanya, mga jejemon lamang ang nababaliw sa naturang musika at hinding hindi siya magiging kabilang doon. Ngunit nabago ang kanyang paniniwala ng...