Chapter One.

91 4 5
                                    


"AY, KABAYONG PANOT KA~!" Natigil si Sielita Ann sa pagbirit ng awitin ng EXO ng malakas na mapasinghap dahil tumama sa likuran niya ang walang habas na binuksang pintuan ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuan. Ang Live Café ay isang simple ngunit cozy na Italian restaurant sa Korea na pag-aari ng ama ng isa sa mga miyembro ng pinaka-mainit na boy group hindi lamang sa South Korea kung hindi sa buong Asya at Amerika, ang EXO. Siyam na naggu-gwapuhang kalalakihan ang miyembro ng grupong ito na maaari ng itanyag bilang "Most Influential boy group" sa dami ng awards at recognitions na nakamit ng grupo magmula ng mag-debut sa industriya apat na taon na ang nakalipas.


Nasa South Korea siya sa dalawang mahalagang bagay. Una ay dahil nag-aaral siya doon para sa kanyang master's degree sa kursong tinapos na Business Administration Major in Marketing Management. Pangalawa at ang pinaka-importante ay upang makadaupang-palad at maipaalam kay Zhang Yixing na siya ang mapapangasawa nito. Si Zhang Yixing ay miyembro ng naturang grupo na EXO. Matangkad, maputi, sobrang guwapo, sobrang bait, gentleman, at higit sa lahat--- may abs, taliwas sa personalidad ng anak ng may-ari ng restaurant na pinapasukan niya.


And speaking of the devil himself, tuluy-tuloy lamang itong pumasok na para bang walang na-agrabyadong tao. Busy ito sa pag-tipa sa selpon nito. Naka-maong jeans at polo shirt lamang ito at nakasabit sa leeg ang itim na head phone. Naka-ugalian na nitong dumaan sa Live Café tuwing umaga una, upang kamustahin ang ama nito na hands-on sa pagpapatakbo ng naturang negosyo at pangalawa ay upang buwisitin siya, bago ito dumiretso sa SM Entertainment, ang ahensya na may hawak sa EXO.

Hindi na niya maalala kung paano niya naging ganoon ka"close"ang sikat na rapper ng grupo. Namalayan na lamang niya na madalas na niya itong nakaka-asaran na parang aso't pusa. At sa tuwina ay buwisit na buwisit siya rito.

Wala pang customer dahil isang oras pa bago ito magbukas. Naroon siya upang ayusin ang restaurant bago ito mag open para sa araw na iyon. Part-time lamang siya roon dahil hindi siya mapakali na puro libro at thesis lamang ang kaulayaw niya sa bansang kapit-bahay ng lupang sinilangan niya.

"PARK CHANYEOL!" malakas na tawag niya rito. Hindi man lamang ito tumigil at parang bingi na walang narinig. Huminga siya ng malalim. No one can get into her nerves but this man.

"PANOT!"

Sa wakas ay nakuha rin niya ang atensyon nito. Tumigil ito at unti-unting humarap sa kanya. "Anong sabi mo?" malamig na tanong nito. Nakakaintindi ito at nakakapagsalita ng Filipino dahil dalawang taon at kalahati itong namalagi sa Pilipinas upang mag-aral ng Ingles. Sa pamamalagi nito roon ay hindi lamang Ingles ang natutunan nito kung hindi pati na rin ang mismong lengguwahe ng mga Pinoy.

Hindi niya alam kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa taong ito. Naiintindihan niya kung sa EXO as a whole, pero bakit may mga fans na gusto ito gayon na hindi naman ito friendly. Guwapo lang. Pati boses nito tunog guwapo. Magaling mag-rap pero doon na nagtatapos ang magandang katangian nito.

Napaka-snob.

At arogante.

At malaki ang tyan. Hindi naman macho.

Okay, masyado na niyang nalait ang katauhan nito pero sino ba naman kasi ang bulag na ma-iinlove sa isang kagaya nito na napaka-selfish feeling hari ng kalawakan. Psh. Sarap batuhin ng bulalakaw! Bakulaw!

She flashed her sweetest smile. Sa isang taong pagsa-side line niya roon, natutunan niyang ang pinakamabisang sandata sa silent war nila ng binata ay pasensya-Mahabang-mahabang pasensya. "Ha? Ah, wala. Sabi ko ang pogi mo," sagot niya sabay gigil na bulong na "sarap mo bigwasan."

Unti-unti itong lumapit sa kanya at sa bawat paghakbang nito ay siya naman pag-atras niya hanggang sa masukol siya nito dahil sa muling pag-atras niya ay lamesa na ang nasa likuran niya. Inilapag nito ang hawak na selpon sa lamesa at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Sa ginawa nito ay napaloob siya sa mga bisig nito.

Na-estatwa siya at hindi malaman kung ano ang gagawin sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kakaibang sensasyon ang nararamdaman niya sa ayos ng posisyon nila ng mga sandaling iyon. Sa taas nitong anim na talampakan, kinakailangan nitong yumukod ng bahagya upang magtama ang kanilang mga paningin. Dahil doon ay naging ga-hibla na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

Ngumiti ito--'Ýung ngiti na madalas nitong gamitin upang akitin ang mga fans nito. 'Ýung ngiti na bumihag sa milyong-milyong tagahanga nito at nakapagpa-baliw sa maraming kababaihan. "May duda ka pa ba?" tanong nito na nakapagpa-balik sa nag-aagiw niyang kamalayan.

Nalukot ang mukha niya bilang kasagutan dito. "Duda ako sa pagkatao mong hayop ka," bulong niya sa sarili.

"Maraming nagkakandarapa sa mukhang ito. Kaya pasalamat ka at napagma-masdan mo ito ng ganito kalapit. Privilege mo iyan." Ngumiti ito at tila proud na proud sa biyayang mayroon ito. "Oh, don't stare too much! You might fall for me," puno ng conviction na pahayag nito.

Itinulak niya ito sapat upang magkaroon muli ng distansya sa pagitan nila. She smiled sarcastically. "Jeongmal kamsahabnida, Park Chanyeol-ssi," pang-aasar niya rito sabay yukod ng ninety degress bilang pagbibigay- galang ng mga koreano.

Tumawa ito at ginulo ang buhok niya. Tinapik niya ang braso nito at kahit pa sandali lamang ang skin-to-skin contact nila ay dumaloy roon ang bolta-boltahe ng kuryente. Pareho silang natigilan at nakatitig lamang sa isa't isa na may pagtatanong sa mga mata kung ano ang nangyari sa pagitan nila.

"Wae ajig yeongi inga?<Why are you still here?>" boses iyon ng ama ni Park Chanyeol. Pareho silang napatingin sa kinatatayuan nito. Hindi nila namalayan ang pagdating nito.

Nasa late fifties na si Mr. Park ngunit kitang-kita pa rin ang karisma at maririnig pa rin ang awtoridad sa boses nito. Kitang-kita ang pagkakahawig ng mag-ama-mula sa tindig hanggang sa angking kaguwapuhan. Ika nga nila, "it runs in the blood."

"Nan geunyang mwonga e hwag-in, <I just checked on something>" sagot nito sa katanungan ng ama at muli siyang tinapunan ng makahulugang tingin. Inangilan niya ito.

Binalingan niya si Mr. Park. "Joh-eun achim,"pagbati niya rito ng magandang umaga at bahagyang yumukod.

Tumango ito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Chanyeol na wari ay may natuklasang interesante. She felt awkward standing in front of the scrutinizing gaze of two handsome Parks.

"Anjeon yuji <Stay safe>,"matapos niyon ay nagpaalam na ito sa anak at dumiretso sa opisina nito na naroon sa loob ng restaurant.

Muling bumaling sa Chanyeol sa kanya at mataman siyang tinitigan. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Maya-maya pa ay pinitik ni Chanyeol ang noo niya.

"Ang lapad ng noo mo," wika nito at nagtuluy-tuloy na palabas ng naturang restaurant.

Sinapo niya ang nasaktang noo at sinundan ito ng masamang tingin. "Letche kang panot ka!"gigil na tili niya.

Hindi na ito nag-abala pang tumingin muli bagkus ay itinaas na lang ang kamay at nag-peace sign.

And with that, Chanyeol rendered her speechless.

Mismatched: The Misadventures of PanotCha ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon