Diez [1]

758 31 4
                                    

Nang matapos magligpit ng pinagkainan, nagpaalam na si Andrea na babalik na raw ito sa center. Si Lola Maria naman ay magiidlip raw sa kwarto nito. Inutusan pa nga nitong sumunod si Rio pero parang wala yatang plano ang bata dahil ayaw nitong umalis sa tabi ni Marshal, na ngayon naman ay nakaupo sa sofang kahoy sa sala.

Tumabi siya sa binata. "Marshal, taga-saan ka? Paano ka napadpad dito?" tanong niya habang nakatingin kay Rio na ngayon ay nakayakap sa leeg ng binata at tila ba gustong magpapasan.

"Galing ako sa kaharian ng Estrella. Sundalo ako roon." Tumayo ito habang pasan si Rio. "Nasaan ba ako?"

"Kaharian ng Estrella?" kunot-noong tanong ni Aela. "Saang lugar iyon? Meron bang kingdom dito sa Pilipinas?"

"Pilipinas? Iyan ba ang tawag sa lugar ni--" Napatigil si Marshal dahil sa biglamg pagundag-lundag si Rio na parang ginagaya ang pagsakay sa kabayo. Naglakad-lakad ito. "Iyan ba ang tawag sa lugar na ito?"

"Country iyon, Marshal, actually. Baryo Masinloc, sa Neuva Viscaya ang lugar na ito."

Kumunot ang noo ni Marshal. "Hindi ko pa naririnig ang lugar na ito."

"Mukha nga. Para kang alien, promise. Di kaya, Martian ka?"

"Ha?"

Umiling-iling siya. "Paano ka napunta rito, Marshal?"

Umiling-iling ito habang patuloy pa rin sa paglalakad. "Hindi ko rin alam. Basta, nagising na lang ako noong isang araw na nakahiga sa... ewan ko kung anong lugar iyon. Batuhan iyon at parang natuyuang ilog o talon. Malansa ang lugar."

Sa salt spring ba iyon? 'Yung natuyo dahil biglang nagkaroon ng sinkhole sa ilalim?

"Noong isang araw ka pa nagising, Marshal?"

"Oo. Naglakad-lakad ako at naghanap ng mahihingian ng tulong. Pero bigla na lang may bumaril sa akin kaya nagtago ako sa kagubatan. Nag-anyong lobo pa ako para lang makalayo ako nang mabilis sa kanila." Ipinakita nito ang sugat sa tagiliran. "Nakuha ko ito."

Napangiwi ang dalaga. "Bakit ka naman biglang binaril? May ginawa ka ba?"

Umiling-iling ito. "Hindi ko rin alam. Private property siguro ang lugar kung saan ako biglang napunta at akala nila, magnanakaw ako." Tapos, hinarap nito si Rio. "Ikaw, bata, ang kulit mo." Pinisil niya ang ilong nito.

Tatawa-tawa naman si Rio. Tapos, bigla itong nagliwanag at naging isang mabalahibing pusa na kulay puti.

"Uy, siamese cat!" tuwang tuwang sabi ni Aela saka nilapitan si Rio. Kinarga niya ito. "Pwede ka palang maging pusa, Rio?"

"Hindi siya taong-lobo na tulad ko, Aela. Shifter siya. Kahit anong hayop ay pwede niyang gawin," paliwanag naman ni Marshal.

"Wow, ang galing." Niyapos niya ang pusa at hinagkan. "Ang cute mo maging pusa, Rio."

Nag-meow si Rio saka nagpumiglas. Nang ibaba niya ito'y tumalon ito papunta sa balikat niya at kiniskis ang mukha sa mukha niya.

"Ang lambing naman ni Rio sa akin," tuwang-tuwang aniya. Muli niyang hinagkan ang ulo nito.

"Sayang, lobo lang kaya kong gawin. Kung kaya ko lang maging pusa tulad ni Rio, baka ako ang niyayakap at hinahagkan ko," maya-maya'y hirit ni Marshal. Bakas sa boses nito ang pagka-frustrate.

Dilat na dilat ang mga matang tinitigan niya ito. Aba naman!

Pero sa halip na sitain ito, tumayo na lang siya at niyaya ang mga ito na maidlip.

"Tabi ba tayo, Aela?" Kulang na lang ay kumislap ang mga mata ni Marshal.

"Hindi no! Sa sahig ka matutulog." Inirapan niya ito saka pumanhik sa ikalawang palapag.

Nakanguso namang sinundan siya ng tingin ni Marshal.

NAPAHIMBING ang idlip ni Aela. Nang magising siya, madilim na. Ngunit hindi iyon ang naunang tumatak sa isip niya kundi ang isang pares nang matipunong bisig na nakayakap sa kanya at ang toned pecs sa harapan niya.

It was no other than Marshal. Tulog na tulog ang loko habang nakayakap sa kanya.

Siguro ang iba ay kikiligin pero hindi siya. She felt harassed!

Kaya itinulak niya ang binata at umirit ng pagkalakas-lakas.

Dumagundong sa parteng hagdanan at maya-maya'y pumasok si Lola Maria at Andrea na nataranta dahil sa pagsigaw niya. Naka-apron pa ang nurse at may sabon pa ang mga kamay habang may hawak namang spatula si Lola Maria.

"Anong nangyayari dito?" gulat na turan ng matanda.

Agad itinuri ni Aela si Marshal na ngayon ay pupungas-pungas at nalilito pa sa nangyari dahil kakagising lang.

"Siya po! Niyakap ako habang natutulog! He's harassing me!"

Sabay na napatingin ang dalawang babae kay Marshal.

At ang loko? Iyon, nangatwiran pa!

"Hindi ho! Hindi ho totoo ang binibintang ni Aela sa akin!" tarantang depensa ni Marshal. "Tinabihan ko lang ho siya dahil humihingi siya ng saklolo habang natutulog at para siyang takot na takot."

"Maniwala kayo d'yan, Lola!" Inirapan ni Aela si Marshal. "Manyak po siya!"

"Hindi ho totoo iyon. Maniwala po kayo!" Kulang na lang ay lumuhod pa si Marshal at humalik sa lupa.

Bumuntong hininga si Lola Maria. "Oh, siya, siya," sabi nito na parang wala lang. "Andrea, samahan mo muna si Aela na matulog."

"Ayie. Gusto ni Lola, siya ang yakapin ni Marshal habang tulog," kantiyaw ni Andrea.

Pinandilatan ni Lola Maria ang babae. "Gusto mong mapalo ng tiyansi?"

"Joke lang po!"

Saktong dumating naman si Carl. Nakatapi lamang ito mula baywang pababa at basa pa ang buhok.

"Anong nangyayari dito?" kunot-noong tanong nito matapos sumilip.

Agad namang natahimik si Aela. Iniwasan niya ang tingin ni Carl. Samantala, tumayo naman si Marshal at naging alerto na para bang may dumating itong matalik na kaaway.

"Ang intense naman ng love triangle dito," muli na namang kantiyaw ni Andrea. "Ang haba ng hair mo, Aela-gurl! Dalawang fafables ang nag-aagawan sa 'yo--" Natahimik ito bigla nang ang mapansing madilim na titig ni Carl. Kaya nagpaalam na ito para ituloy ang gagawin.

"Lola, iwan n'yo po muna ako, please?" pakiusap ni Aela nang hindi nakatingin sa kanilang lahat. "Lahat po kayo, kasama si Marshal."

Sumunod naman sila, liban kay Marshal na nakatingin lang sa kanya at tila nag-aalangang umalis. Kung hindi pa ito tatawagin ni Carl, hindi ito susunod. Pero syempre, binigyan muna nito ng masamang tingin si Carl bago umalis.

Samantala, nagpaiwan saglit si Carl. Gusto niya kasing makausap ang dalaga pero nahihiya siya. Isa pa, dahil na rin sa pakiusap nito.

Kaya naman, ibinuka na lamang niya ang kanyang kamay at bumuo ng paro-parong apoy. Pinalipad niya iyon at inutusang magpaikot-ikot sa dalaga hanggang sa tuluyang mamatay bago umalis.

The moment Carl left, noon lang gumalaw ang paro-paro. Pero napansin lamang iyon ni Aela nang nagho-hover na ito sa harapan niya. Hahawakan sana niya pero bigla itong lumayo na para bang pinapaalalahanan siyang mapapaso siya kapag ginawa iyon.

Tuloy, pinanood na lamang niya itong magpaikot-ikot sa loob ng kwarto hanggang sa maglaho.

Saka siya napaiyak.

Carl, sorry talaga. Kung alam ko lang na iyon ang magiging consequence ng paghiling ko ng kapangyarihan, hindi ko na sana ginawa, monologo niya habang nakatakip ang bibig at pilit na pinipigilan ang paghikbi. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng powers na makakatulong sa akin para protektahan ka laban sa mga sinasabi mong pwedeng pumatay sa iyo. Pero ang hindi ko alam, ang powers pala na ito ang magdadala sa iyo sa kapahamakan. Kung alam ko lang talaga...

Statistical Probability of Dying (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon