"Ano'ng ginagawa mo rito, Ninong?" tanong ni Carl. Bakas sa boses niya ang galit.
Samantala, nakita niya sa sulok ng mga mata niya ang pagkatakot ni Aela. Naramdaman din niya ang paghawak nito sa braso niya at pagdiin niyon. Nanginginig din ito at nagpapawis.
Lumipat sa tabi niya si Marshal. Just like him, the lycantrophe was agitated and alarmed. Natural talagang malakas ang pakiramdam nito kaya kahit hindi nito kilala ang kaharap, alerto ito.
"Wala naman, Carl. Gusto ko lang kamustahin ang anak ko," tugon ng ama ni Aela. Nakangisi pa rin ito tulad kanina.
Hinarap nito si Aela. "Kumusta ka na, Aela? Di ka man lang ba magki-kiss sa akin?"
Lalong sumiksik si Aela kay Carl. "Y-You're not my father," sabi nito. "Ramdam ko, hindi ikaw ang papa ko."
Walang nabago sa reaksyon nito. "Bakit ka naman ganyan, anak? Hindi mo ba na-miss si Daddy?"
Bumuo ng santelmo si Carl. "Alam mo, mabuti pa, umalis ka na lang dito!"
Tumawa ito bigla. "At kung ayaw ko?"
Mahinang tinabig ni Carl ang braso ni Aela. "E di matitikman mo ito!" Inihagis niya ang santelmo.
Mabilis naman itong umilag. "Tingin mo ba, masasaktan mo ako?" pangungutya nito.
Hinarap ni Carl si Marshal at tumango. Agad nitong nakuha ang nais niyang mangyari kahit wala siyang sinabi.
Bigla na lamang nagpunta si Marshal sa likod nito. Thanks to his inhumane speed, he was able to move swiftly without them realizing it.
"Aba't paanong--!" Nataranta ang ama ni Aela. Hindi nito inaasahan ang nangyari.
Marshal restrained him with his sturdy arms. "Carl!" sabi nito. Hindi rin kapani-paniwala ang lakas ng binata kaya kahit anong pagpupumiglas na gawin ng ama ni Aela, hindi ito makawala.
Bumuo muli ng santelmo ang binata saka sinugod ang ama ni Aela.
Gahibla na lamang ang layo ng kamay ng binata sa katawan nito nang bigla siyang matigilan. Nag-iba ang aura ng kanyang ninong. The menacing sensastion was gone. Bigla itong napalitan ng tila isang ordinaryong tao lang.
"Carl," sabi ng ama ni Aela. Nagbago rin ang boses nito. Naging malumanay at fatherly figure, just like what he had remembered before his parents' death.
"Ano pang hinihintay mo, Carl? Patayin mo na siya," utos ni Marshal. "Delikado kapag--" Bigla na lamang itong natigilan at nabuwal. Hinawakan nito ang dibdib na wari ba'y hindi ito makahinga.
"Marshal!" sigaw ni Aela nang masaksihan ang nangyari sa taong-lobo.
Hinarap ni ama ni Aela ang namimilipit na binata. "Pasensya na, hijo, pero kailangan ko itong gawin." Tapos, hinarap nito si Carl. "Carl, marami lang kailangang malaman pero wala na tayong oras."
Hindi nakaimik ang binata. Ni hindi rin nito ininda ang nangyari kay Marshal. He was distracted by the thought that his god father seems to have two personalities. At ang kaharap niya ngayon ay isang harmless na nilalang.
"Magkakaroon ng delubyo dito sa Baryo Masinloc. Magsusunod-sunod ang mga sasapian at may maglalabasang mga halimaw. Mga masasamang nilalang--" His face was suddenly distorted with pain. Tila ba may kinakalaban ito. "Walang ibang makakatalo sa akin bukod sa iyo, Carl. Your power is stronger than you think. Kaya nitong-- aaah!" Hinawakan nito ang ulo at napaungol. "Kinakailangan ko nang umalis!" Bigla na lamang itong naglaho.
"Sandali!" pahabol ng binata pero nahuli siya.
Sinamantala na ni Aela ang pagkakataong iyon para lapitan si Marshal. Tinulungan nitong bumangon ang binata, na ngayon ay naghahabol ng hininga at pawis na pawis. Namumula rin ang mukha nito, na senyales na pinigilan ang paghinga nito.
BINABASA MO ANG
Statistical Probability of Dying (Revising)
Fantasy(STATUS: Currently revising) Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya ito pinangarap. Ang intensyon lang naman kasi niya ay basahin ang librong iyon para malibang. Nang mapuno si Aela sa ugali ng kanyang ama, nagdesisyon siyang magtungo sa liblib na Ba...